03/10/2022
Congratulations! City Mayor Lourdes S. Cataquiz: The Pride of San Pedro City!
01/10/2022
SAN PEDRO CITY NAG-IISANG 5-TIME SGLG WINNER SA BUONG LAGUNA | 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗟𝗼𝘂𝗿𝗱𝗲𝘀 𝗦. 𝗖𝗮𝘁𝗮𝗾𝘂𝗶𝘇 𝗶𝘀𝗮 𝘀𝗮 𝟮𝟵 𝗚𝗿𝗮𝗻𝗱 𝗦𝗹𝗮𝗺 𝗦𝗚𝗟𝗚 𝗖𝗵𝗮𝗺𝗽𝗶𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗯𝘂𝗼𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗻𝘀𝗮
Nag-iisang lungsod sa buong Probinsya ng Laguna ang San Pedro City na 5-time consistent awardee ng Seal of Good Local Governance (SGLG) para sa mga taon ng 2015 hanggang 2019.
Sa buong Region IV-A ang San Pedro City at Bacoor City lamang ang consistent 5-time SGLG awardee sa kaparehas na panahon.
At ang San Pedro City at Bacoor City lamang ang kasing consistent bilang 5-time SGLG awardees na katulad sa dalawang mayayamang lungsod ng Caloocan at Mandaluying ng Metro Manila para sa taon 2015 hanggang 2019.
Sa loob ng 5 taon, may mga lungsod sa buong laguna na tatlo o apat na beses lang nanalo ng SGLG awards. Katulad ng Calamba City, apat na beses lang siya nanalo sa pagitan ng 2015-2019 dahil sa taong 2016, siya ay hindi ginawaran ng nasabing award. Ang Binan at Sta. Rosa City ay parehong tatlong beses lang nanalo ng SGLG award.
"Ang pagiging consistent 5-time SGLG awardee ng isang lungsod, gaya ng San Pedro City, ay hindi-mapapantayan na accomplishment at maituturing na isang bantayog ng galing, mabuting leadership at management ng isang magaling na alkalde ng lungsod," ayon pa kay Secretary Eduardo Ano ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Ang San Pedro City ay ginawaran ng SGLG award taon-taon, simula 2015 hanggang 2019, ng DILG dahil grandyosong ipinasa bawat taon ng pamahalaang lungsod sa pamumuno ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz ang lahat ng mahigpit na hinihinging antas ng performance sa 10 kategorya ng good governance na siyang batayan ng paggawad ng naturang parangal.
"Ang mga parangal na ito ay para sa lahat ng mamanayan ng Lungsod ng San Pedro.
"Sa pamamagitan nito, naipakita ko sa San Pedronenses ang bunga ng lahat ng mabuti at matapat na pagganap ng tungkulin, paghihirap at pagsisikap na tuluyang magbago ang ating buhay at umunlad tayong lahat," ayon pa kay City Mayor Cataquiz.
Ang 10 governance areas na grandiosong ipinasa ng pamunuan ni City Mayor Cataquiz ay: 1) Financial Administration & Sustainability; 2) Disaster Preparedness; 3) Social Protection & Sensitivity; 4) Safety, Peace and Order; 5) Health Compliance and Responsiveness; 6) Sustainable Education; 7) Business Friendliness & Competitiveness; 8) Environmental Management; 9) Tourism, Heritage Development, Culture and the Arts; and 10) Youth Development.
"Hindi basta-basta ang manalo ng SGLG award, lalo na napakahirap abutin ang pagiging consistent 5-time awardee. Ang daming mayayamang bayan, lungsod, at probinsya na bumabagsak sa SGLG evaluation, verification, at audit kaya out of more than 147 cities, 1,490 towns, at 81 provinces ay may 29 local government units (LGU) lamang ang 5-time consistent winners ng SGLG awards o Grand Slsm Champions sa mga taon ng 2015 hanggang 2019 sa buong bansa.
"Ang San Pedro City at si City Mayor Cataquiz ay isa sa 29 LGUs/Local Chief Executives sa buong bansa na ngayon ay tinitingala ng DILG na magaling ang pamunuan at pamumuno, respectively.
"Yung SGLG award mismo ang nagsasabi at naghahayag ng galing at talino ng pamunuan at mga empleyado ng lungsod," ayon pa sa isang regional evaluator ng patimpalak na ayaw ipabanggit ang pangalan.
Sa kasalukuyan, contender muli sa 2022 SGLG award ang San Pedro City.
29/09/2022
San Pedro City Pwede Maging Isa sa mga Lungsod ng Metro Manila | 𝗕𝘂𝗸𝗮𝘀 𝘀𝗶 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗟𝗼𝘂𝗿𝗱𝗲𝘀 𝗦. 𝗖𝗮𝘁𝗮𝗾𝘂𝗶𝘇 𝘀𝗮 𝗡𝗮𝘁𝘂𝗿𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴𝗯𝗮𝗯𝗮𝗴𝗼
Sari-saring proyekto na mahalaga sa taga-San Pedro City ang pinaglaanan ng masusing konsideration at binigyan-buhay ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz sa ilalim ng kanyang adninistrasyon.
Maliban sa naglapakihang imprastraktura katulad ng San Pedro Medical Center, isang makabagong tertiary hospital, Edukasyon, at iba pa, na kanyang itinatag at itatatag pa sa pagdating ng tamang panahon, binigyan din niya ng halaga ang mga maliliit na mga proyekto na hiniling sa kanya ng mamamayan at itinayo sa madaling panahon.
"Isinasapuso ko ang tungkulin maglingkod sa mamamayan, kaya wala tayong iniiwan na kahilingan ayon sa ating makakaya.
"Makikita naman ang ating performance mula sa 5 sunod-sunod na Seal of Good Local Governance (SGLG) awards mula sa Department of Interior and Local Government ( DILG)," ayon pa kay City Mayor Cataquiz.
Naging malawak ang konsiderayon ni City Mayor Cataquiz sa pasasagawa ng mga proyekto dahil ang kanyang vision na lubusang umunlad lahat ang lugar at ang tao sa lungsod ayon sa blessings ng kanyang good leadership, good governance, at policy directions na angkop sa unique na socio-economic-at cultural needs ng lungsod.
Pinakaunang hakbang ni City Mayor Cataquiz ay yung pagyamanin at pagtibayin ang economic system ng lungsod para ito ay yumaman at magkaroon ng sapat na pondo para sa mga top priority programs at projects na tatagal ng mahabang panahon.
Habang ginagawa ang masigasig na economic campaigns, todo rin ang mga pagpa-plano sa ilalim ng Roadmap 2020 na siyang framework naman ng genuine change, progress, at development.
Kaya pati ang mga pailaw, asphalting, at iba pa ay isinasasagawa dahil ang mga iyon ay mahahalagang components sa pagbabago at pag-unlad.
Isang cinsummate LGU chief executive si City Mayor Cataquiz at ang galing at talino niya ay hindi mapapantayan ng sinoman sa San Pedro lalo sa pamumuno ng pamahalaang lungsod.
"Pangarap ko na sa mumunting gains natin sa kasalukuyan ay maipon ito at maging mitsa ng magandang physical at economic transformation ng San Pedro ilang taon mula ngayon," dadag pa ni City Mayor Cataquiz.
Sa layuning maging highly-urbanized ang San Pedro City isang araw, katulad sa mayayamang lugar ng Metro Manila, hindi inaalis sa vision ni City Mayor Cataquiz na iangat pa ito sa kasalukuyang estado na maging singyaman ng Muntinlupa City, Paranaque City at iba pa sa darating na mga panahon.
"We started it already. Tingnan mo ang mga linya ng telepono natin. Lahat yan ay Metro Manila lines na.
"Tayong lahat, sa sipag at tiyaga lang, makakamit din natin ang pangarap na yan," ayon pa kay City Mayor Cataquiz.
27/09/2022
1-MILYON NAKINABANG SA MEDICAL PROGRAM NI CITY MAYOR LOURDES S. CATAQUIZ | 𝗣𝗶𝗻𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗴𝗸𝗮𝗹𝘂𝘀𝘂𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗖𝗮𝘁𝗮𝗾𝘂𝗶𝘇 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻
May halos 1-milyon katao na sa Lungsod ng San Pedro at mga karatig lugar ang nabigyan ng serbisyong medikal ng San Pedro Jose L. Amante Emergency Hospital (SPJLAEH) sa mga taon ng 2013 hanggang 2021.
Ito ay nabuo dahil sa patuloy na pinalakas na pagsuporta ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz sa medical programs ng kanyang pamahalaan.
Kabilang na dito ang Emergency Services, Newborn Screening, Dental Services, Clinical Laboratory, Hemodialysis, Electrocardiogram (ECG), General Surgery, Obstetric and Gynecology, Physical Medicine and Rehabilitation, Opthal Services, Free Anti- Rabies Vaccine at marami pang iba.
Batay sa available data, may 587,150 na out-patient department consultation, 193,957 emergency rooms consultation, at 23,703 medical ward admission.
Sa nalalapit na panahon ay pasisimulan na ang pagtatayo ng San Pedro Medical Center (SPMC) , isang level 3 (tertiary) hospital na may 166 bed capacity sa nabiling 1.3 hektaryang lupa sa Barangay Narra.
Sa pagtatag ng SPMC, hangad ni Mayor Lourdes S. Cataquiz na ilapit sa ating mga kababayan ang mgap serbisyong medikal at para hindi na rin dumayo pa sa Metro Manila o Batangas Medical Center para sa pagpapagamot.
25/09/2022
City Mayor Lourdes S. Cataquiz Hopes to Build a Well-Educated City Generations | 𝗔 𝗩𝗜𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗛𝗘 𝗛𝗢𝗟𝗗𝗦 𝗗𝗘𝗔𝗥 𝗧𝗢 𝗗𝗔𝗧𝗘
"One of my critical visions in life is to build well-educated generations of San Pedro City; the ones who i believe will rise in the future to honorably lead in every strata of our society and/or govern the city to truly bring lush life and fulfill aspirations of all city residents," says City Mayor Lourdes S. Cataquiz in a reply to a query at the groundbreaking of SDO Building Multi-purpose Hall and of new school building early in June 2022.
"Thus from years before I entered public service, I already set all what it needs -- although those times I never dreamed of to be a city mayor, just like anyone with selfless spirit to build a future for many anchored on humanity and shared Christian values that all can have and live with joy in life.
"But a twist in fate --or maybe it has been written in my Book of Life or in stars at times beginning that in God's appointed time in 2013, I took the victory on mayoralty seat maybe to bring to life my visions as my noble missions as a public official.
"Consequently, within the first 100 days as City Mayor, I worked hard to get P53,999,329 for Special Educational Fund, aside for education projects and programs with budget included in the P1,058,040,902.25 general fund for the year 2014," Mayor Cataquiz said.
Cataquiz said that Education is a top priority program in ROADMAP 2020 that forner Mayor Calixto R. Cataquiz had conceived and forged as a critical framework of change, growth, and progress of San Pedro City that she pursued in consonance with her vision to build a well-educated generations of city populace who she hopes will selflessly secure a bright and rich future of the city and its residents.
Sa kanyang pagpapahalaga sa Edukasyon, sinikap ni City Mayor Cataquiz na bigyan ng malaking pondo ang Special Educational Fund (SEF), taon-taon --at ayon sa records, ito ay nagkakahalaga ng:
Taong 2015; P144,777,830; Taong 2016: 148,338,126.94; Tsong 2017: 200,893,483.77; Taong 2018: 148 338,126.94; Taong 2019: 141,600,000; Taong 2020: 218,401,732.69; Taong 2021: 298,852,854.63. Ang Taong 2022 ay openly magiging available sa Disyembre ngayong taon din.
Ayon sa breakdown ng financial highlights ng lungsod, ang SEF ay may pinakamataas na pondo kasunod sa general fund sa buong 9 na taon sa layuning matupad ang naturang mabuting misyon ni City Mayor Cataquiz.
Kamakailan lang inilunsad niya ang tulong-pinansyal sa mga Mag-aaral na Kinakapos para sa taong 2022 sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office at Gender and Development Office sa pamumuno nina Ms. Fatima Autor at Ms. Rochelle Cariño, katuwang ang City Treasurer's Office sa pamumuno naman ni Ms. Enelyn Abaigar sa City Hall Grounds.
"Sana makatulong ito sa inyong lahat.
"Pilitin ninyo (panawagan sa magulang) na makapag- aral ang inyong mga anak hanggang sa makatapos," dagdag pa ni Mayor Lourdes S. Cataquiz.
Ang Education Progrsm ni City Mayor Cataquiz ay lubusang umani ng tagumpay sa pagsisipagtapos din ng mga Iskolar ng Lungsod ng San Pedro sa iba't-ibang kurso sa kolihiyo at skills trainings sa loob ng mga paaralan ng lungsod at sa pribadong sektor.
"Sa bandang huli, mag-aani tayo ng new breed of schooled generations na patuloy magsusulong ng pagbabago at pag-unlad na ating sinimulan.
"Kritikal ang tunay na taga-San Pedro lalo yung mga ipinanganak dito, nagkaroon ng kalaro sa kalsada ng lungsod, at nagsipagtapos ng pag-aaral na dama niya ang pagiging taga-lungsod para siya ay tunay na emphatic sa sentimiyento at aspiations ng ating mga kababayan.
"Ang aking mga misyon ay tatapusin ko hanggang ang mga iyon ay pulido magawa sa mga darating na panahon," ayon pa sa alkalde.
20/09/2022
"Across the Seasons, We built this City" -- City Mayor Lourdes S. Cataquiz
RES IPSA LOQUITUR | The Cataquizes and the People of San Pedro Built this City
[Res Ipsa Loquitur is Latin for "the thing speaks for itself."]
City Mayor Lourdes S Cataquiz, a consummate public servant, has a lifetime commitment to serve best the people of San Pedro City.
Ilan lamang na mga proyekto sa mahigit 100 projects na kapakipakinabang sa mamamayan ng lungsod ang isinama sa litrato dahil sa limited ang space.
In short 9 years, she built a 100 or more infrastructure projects critical to the upliftment of lives of the people in the city. Yet, still she vows to build more that will bring endless positive changes towards robust and progressive economic prosperity for the city's future generations.
19/09/2022
SAN PEDRO CITY NOW RICHER BY P5-BILLION IN ASSETS | 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗟𝗼𝘂𝗿𝗱𝗲𝘀 𝗦. 𝗖𝗮𝘁𝗮𝗾𝘂𝗶𝘇 𝗯𝘂𝗶𝗹𝘁 𝗶𝘁 -𝗮𝗻𝗱 𝘄𝗶𝗹𝗹 𝗯𝘂𝗶𝗹𝗱 𝗶𝘁 𝗺𝗼𝗿𝗲.
[The future is for San Pedro City and it's people. It is ours forevermore.]
16/09/2022
20 ROAD IMPROVEMENT SA 11 BRGY SA SAN PEDRO MAY SOCIO-ECONOMIC IMPACTS | 𝗜𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗿𝗼𝘆𝗲𝗸𝘁𝗼 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴-𝘂𝗻𝗹𝗮𝗱 𝗻𝗶 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗕𝗮𝗯𝘆 𝗖𝗮𝘁𝗮𝗾𝘂𝗶𝘇
[Ang naturang mga proyekto ay nagsisilbing daan ng pag-unlad.]
Isang malaking bahagi sa layuning pagbutihin ang pagpapaunlad ng buhay ng mamamayan at Lungsod ng San Pedro (LSP) ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz ang lohika sa pagsagawa ng asphalt overlay operations sa mga kalsada ng 11 na barangay sa lungsod.
"Higit na kinakailangan ang pagsaayos ng mga kalsada sa mga barangay para maging maayos ang access ng mga mamamayan sa pagganap ng kanilang buhay araw-araw mula sa ordinaryong paglalakad, road safety, pagpunta sa trabaho, paglipat ng mga kalakal at kabuhayan, at maging sa paglalaro ss kalsada ng mga bata sa lugar sa mga ligtas na oras at panahon," ayon sa isang residente ng LSP.
Sinasabi ng mga kilalang pribadong city planners na ang ganyang road improvements ay may safety at magandang economic impacts sa buhay ng mamayan bg LSP na tama lang isinagawa ito ni City Mayor Cataquiz.
"Ang mabuting alkalde ay dapat metikoloso at marunong mag-assess sa pagpili ng priority projects tulad ng asphat overlaying o road improvements lalo na sa 'bukbukin o tadtad ng butas' na mga daanan ng pedestrians at mga sasakyan sa kanyang lugar.
"Saludo lang kami sa wit at wisdom ni City Mayor Cataquiz lalo sa kanyang galing sa diskarte sa kahandaan sa pagyugon sa maraming pangangailangan ng mamamayan at ng lungsod," sabi pa ng isang kilalang urban city planner na nakausap ng San Pedro Update.
Narito po ang ilan sa mga natapos na Asphalt Overlay sa LSP. Kabilang dito ang mga kalsada sa Barangay Poblacion, Barangay Pacita 1, Barangay Pacita 2, Barangay Magsaysay, Barangay Landayan, Barangay Cuyab, Barangay Chrysanthemum, Barangay Laram at Barangay Narra, Barangay San Vicente, at Barangay San Antonio.
15/09/2022
𝗥𝗢𝗔𝗗𝗠𝗔𝗣 𝟮𝟬𝟮𝟬 𝗣𝗥𝗢𝗝𝗘𝗖𝗧𝗦 𝗧𝗔𝗧𝗔𝗣𝗨𝗦𝗜𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗧𝗜𝗬𝗔𝗞 𝗨𝗠𝗨𝗡𝗟𝗔𝗗 𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗚𝗔-𝗦𝗔𝗡 𝗣𝗘𝗗𝗥𝗢 | May mga paraan si City Mayor Baby Cataquiz kung paano tapusin ang naturang critical programs at projects para sa taong-bayan
Establisado ang katotohanan na ang siyam na taon ay napakaikli para sa mabuti at magaling na alkalde sa pagsulong at pagtataguyod ng maitatag, matibay na pag-unlad at kongretong pagbuo ang kabuuan ng mga makabagong pagbabago ng lungsod.
Noong Hunyo 30, 2022, nagtapos ang makasaysayan, matagumpay, at di-mapapantayan na termino ni City Mayor Lourdes 'Baby' S. Cataquiz bilang alkalde ng San Pedro City -- ayon sa operation of law -- kung saan naman ito ay nataon habang nasa tugatog na ng critical phase ng katuparan ng kanyang visions: ang tunay na pag-unlad at kongkretong pagbabago ng siyudad at buhay ng bawat pamilya sa lungsod.
Si Mayor Baby Cataquiz ay may marangal, matayog, at maharlikang layunin na buo-in niya ang mga sinimulang frameworks of majestic changes ng lungsod na buong sinuportahan at ginawa pa ang mga kongkretong urban plans at designs ng mga dalubhasa na sina Felino A. Palafox, Jr., architect at urban planner at Michael Dadivas, architect.
Mahigit na sa kalahati ang mga critical framework of change ang natapos at may mga dedicated perspectives na ang iba pa na napaloob sa visions for San Pedro City na binigyan-¥buhay ng Roadmap 2020 na sinumulan at itinaguyod ni dating Mayor Calixto R. Cataquiz, at ipinagpatuloy ni City Mayor Baby Cataquiz ng may kalidad at tugma sa makabagong panahon upang maging responsive at at par sa excellence na required para sa mabuting pagtugon ng mga kinakailsngang public service para sa lahat ng mamamayan.
Ang continuity ng mga proyekto sa ilalim ng Roadmap 2020 ay critically needed for enduring change sa buhay ng San Pedronians.
Hindi kasi kaya tapusin ng siyam na taon ang mga nasabing critical framework of change na dahil sumasaklaw ang lahat sa income generation, comprehsive planning, bidding processes, funding schedule, project and site development, purchase, at ex*****on na kailangan ang pag-iingat na hinhingi ng batas.
Si Mayor Baby Cataquiz ay may 3-term limit ayon sa batas kaya nitong Mayo 9, 2022 pinatakbo ni Councilor Aaron Cataquiz para ilunsad ang kinakailangang continuity sa mga proyekto at programa na buong naka-kasa na para matapos ng maayos at agad
mapakinabangan ng lahat ng mamamayan.
Naka-earmark agad sa plano ni Konsehal Aaron Cataquiz ang pag-kumpleto sa 31 modernong infrastructures na pinangungunahan ng flagship project na modern 160-bed capacity tertiary hospital, ang San Pedro Medical Center na may mga makabagong padiludad ng MRI, CT-Scan, dialysis center, mga dalubhasang doktor, kasunod ang pagpapatayo ng high-rise, horizontal condominium-type na mga gusali para tirahan ng mga taga San Pedro na walang sariling bahay o tirahan sa loob ng Brgy. Bagong Silang, at maraming pang socio-economic development programs na seguradong daan para sa pag-unlad ng buhay ng bawat pamilya.
Ang mga proyektong iyon ay mananatiling buhay dahil ang bawat isa ay kahilingan ng bawat mamamayan (may ginawang komprehensibong konsultasyon) na kailangang igapang sa pamamagitan ng maraming paraan ni City Mayor Baby Cataquiz lalo sa madaling panahon.
Panoorin natin ang video kung ano ang Roadmap 2020.
Road Map 2020 - San Pedro, Laguna
Road Map 2020 - San Pedro, Laguna - Mayor Calex Cataquiz future plan and vision for his beloved home town "San Pedro".