Gender And Development Office-Los Baños

Gender And Development Office-Los Baños

Share

Gender Equality and Women Empowerment as the ultimate goal!

Photos from Local Youth Development Office - Los Baños's post 31/03/2026
31/03/2026

The Los Baños Breastfeeding Support Group (LBBSG) is here for you! Dedicated breastfeeding advocates are available in each barangay to provide support and assistance.

📌 Services Offered:
• Lactation massage
• Breastfeeding counselling
• Referral to the nutrition office for further advice
• Milk donation / requests

👩‍⚕️ Each barangay has its own LBBSG contact person ready to help.

📲 You may call your respective barangay LBBSG representative using the contact numbers shown in the poster for immediate support.

💡 Remember: You are not alone in your breastfeeding journey. Help is just a call away for you and your baby.

🔍 You may also scan the QR codes in the poster for milk requests, donations, and to follow their FB pages.

31/03/2026

TINGNAN: Batay sa pinakabagong datos sa Los Baños, ang mga kababaihan ay bumubuo ng 50.4% (tinatayang 58,004) ng kabuuang populasyon ng bayan, na bahagyang mas marami kaysa sa mga kalalakihan. Ayon kina Galang et al. (2023), mayroong mataas na "level of agreement" pagdating sa pagkakapantay-pantay ng kasarian sa edukasyon at trabaho sa buong bayan. Noong huling bahagi ng 2025, ang Los Baños ay na-shortlist ng Philippine Commission on Women (PCW) para sa Gender and Development (GAD) Local Learning Hub Certification, isang pagkilala sa mahusay na pamamahala na kumikilala sa karapatan ng kababaihan.
Naririto ang ilang mahahalagang impormasyon para sa kababaihan ng Los Baños sa sandaling mangailangan sila ng suporta para sa kanilang kaligtasan at karapatan:
Municipal Children's Association President - Ms. Gianna Carla D. Malibiran
Pederasyon ng Kababaihan Lingkod Bayan sa Pilipinas Incorporated - Ms. Nenita G. Lapitan
Rural Improvement Club of Los Banos, Inc. - Ms. Angelica L. Martinez
Los Banos Solo Parents Federation - Ms. Luzviminda D. Malibiran
Local Council for the Protection of Children - Los Banos
Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang buong ulat ni Aleli Bacolod: https://wp.me/p7CmWa-bOq
Guhit ni: Paolo Tagadi-ad

TINGNAN: Batay sa pinakabagong datos sa Los Baños, ang mga kababaihan ay bumubuo ng 50.4% (tinatayang 58,004) ng kabuuang populasyon ng bayan, na bahagyang mas marami kaysa sa mga kalalakihan. Ayon kina Galang et al. (2023), mayroong mataas na "level of agreement" pagdating sa pagkakapantay-pantay ng kasarian sa edukasyon at trabaho sa buong bayan. Noong huling bahagi ng 2025, ang Los Baños ay na-shortlist ng Philippine Commission on Women (PCW) para sa Gender and Development (GAD) Local Learning Hub Certification, isang pagkilala sa mahusay na pamamahala na kumikilala sa karapatan ng kababaihan.

Naririto ang ilang mahahalagang impormasyon para sa kababaihan ng Los Baños sa sandaling mangailangan sila ng suporta para sa kanilang kaligtasan at karapatan:

Municipal Children's Association President - Ms. Gianna Carla D. Malibiran
Pederasyon ng Kababaihan Lingkod Bayan sa Pilipinas Incorporated - Ms. Nenita G. Lapitan
Rural Improvement Club of Los Banos, Inc. - Ms. Angelica L. Martinez
Los Banos Solo Parents Federation - Ms. Luzviminda D. Malibiran
Local Council for the Protection of Children - Los Banos

Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang buong ulat ni Aleli Bacolod: https://wp.me/p7CmWa-bOq
Guhit ni: Paolo Tagadi-ad

Photos from Municipality of Los Baños- The Special Science and Nature City's post 22/03/2026

Pinangunahan ng Gender and Development (GAD) Office ang Flag Raising Ceremony para sa unang Lunes ng Marso 2026 sa Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon. Sa ulat ni GAD Officer Karen Lagat-Mercado, ibinahagi niya ang mga naisakatuparan at mga paparating na aktibidad ng kanilang tanggapan kaugnay ng pagdiriwang ng National Women’s Month na may temang “Lead the Babaylans, Filipinas.” Buong galak din niyang inanunsyo na opisyal nang kabahagi ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa shortlisted Municipalities ng Gender and Development (GAD) Local Learning Hub (LLH) Certification ng Philippine Commission on Women (PCW) noong Disyembre 2025. Isa itong patunay ng patuloy na pagsusulong ng bayan sa adbokasiya ng gender equality at women empowerment.

Nagbahagi rin si Municipal Agriculturist Cheryll Laviña-Gonzales ng mga nakahanay na aktibidad ng kanilang tanggapan para sa Marso 2026 bilang pagdiriwang ng Rabies Awareness Month na may temang “Rabies-free na pusa't a*o, kaligtasan ng pamilyang Pilipino,” na naglalayong palakasin ang kamalayan at responsableng pag-aalaga ng hayop para sa kaligtasan ng bayan.

Sa kanyang mensahe, hinikayat ni Mayor Nocon ang lahat na makiisa at suportahan ang mga programang inihanda ng lokal na pamahalaan kaugnay ng National Women’s Month, Rabies Awareness Month, Fire Prevention Month, at iba pang gawain ng iba’t ibang tanggapan. Pinuri rin niya ang dedikasyon ng bawat kawani sa mahusay na paglilingkod at hinamon ang lahat na patuloy na maghatid ng serbisyong diretso sa tao para sa kapakanan ng bawat mamamayan.

Nakiisa sa seremonya ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan kabilang sina Hon. Aldous Amiel B. Perez, Hon. Muriel Laisa B. Dizon, Hon. Leren Mae M. Bautista, Hon. Rand Edouard R. De Jesus, at Hon. Jay A. Rolusta, kasama ang mga Department at Unit Heads at mga kawani ng pamahalaan, na sama-samang nagpamalas ng pagkakaisa at suporta sa mga adhikain ng bayan ng Los Baños.




Photos from Municipality of Los Baños- The Special Science and Nature City's post 22/03/2026

Sa ikalawang Lunes ng Marso 2026, pinangasiwaan ng Municipal Health Office (MHO) sa pangunguna ni Dr. Alvin A. Isidoro ang Weekly Flag Raising Ceremony ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon. Matapos ang seremonya ay mainit na ibinahagi ni GAD Officer Karen L. Mercado ang pormal na paglulunsad ng Angat Bayi: Transformative Feminist Leadership Program for Women in Los Baños, Laguna, na naisakatuparan sa pagtutulungan ng Pamahalaang Bayan sa pamamagitan ng Gender and Development (GAD) Office, UPLB Office of the Vice Chancellor for Community Affairs, UPLB Gender Center, at UP Center for Women and Gender Studies, sa suporta ng mga tanggapan nina Hon. Muriel Laisa B. Dizon, Hon. Leren Mae M. Bautista, at SK Federation President Samantha Banasihan Ortega.

Nagbigay ng makabuluhang mensahe si Bayi Inc. Co-Founder at Co-Executive Director Maya Tamayo, hinggil sa layunin ng feminist leadership movement na makapaglinang ng bagong henerasyon ng mga feminist leaders sa bayan ng Los Baños. Pinasalamatan din niya si Hon. Mayor Neil Andrew Nocon at ang buong Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa matibay nitong suporta sa programa. Nagbahagi naman ng institusyunal na mensahe si UPLB Vice Chancellor for Community Affairs Atty. Eric Paul D. Peralta, na nagpagtibay sa patuloy na ugnayan at pakikipagtulungan ng UPLB sa Pamahalaang Bayan. Samantala, nagpahayag naman ng pagpupugay si Hon. Mayor Neil Andrew Nocon sa mga kababaihang Los Bañense at pinagtibay ang adhikaing “Abante, Babae sa Bayan ng Los Baños.”

Dumalo rin at nagbigay ng suporta si UPLB Gender Center Director Roselle V. Collado, gayundin ang mga Provincial Board Members ng Ikalawang Distrito ng Laguna na sina Hon. Tutti Caringal at Hon. Ninoy Bagnes. Nakiisa rin sa seremonya ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, kabilang sina Hon. Aldous Amiel B. Perez, Hon. Muriel Laisa B. Dizon, Hon. Leren Mae M. Bautista, Hon. Rand Edouard R. De Jesus, Hon. Jay A. Rolusta, at ABC President Gaudencio Macatangay. Naroon din ang mga Department at Unit Heads, ang DILG Family, mga kawani ng pamahalaan, mga kababaihang lider sa mga barangay, at iba’t ibang organisasyong pangkababaihan, na nagpapatunay ng nagkakaisang layunin na maisulong ang inklusibong pamumuno, serbisyong direktang sa tao, at ang tuloy-tuloy na pag-abante ng bayan ng Los Baños.







Photos from UPLB Office of the Vice Chancellor for Community Affairs's post 22/03/2026

𝗕𝗔𝗬𝗜 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 𝗟𝗮𝘂𝗻𝗰𝗵 | 𝗪𝗼𝗺𝗲𝗻’𝘀 𝗠𝗼𝗻𝘁𝗵 𝟮𝟬𝟮𝟲 💜

Through the partnership of the UPLB and the Municipality of Los Baños- The Special Science and Nature City, the BAYI Program was formally launched with a ceremonial pledge of commitment during the municipality’s Flag Ceremony on 9 March 2026, in celebration of National Women’s Month. 💜

𝘗𝘢𝘵𝘶𝘭𝘰𝘺 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘪𝘵𝘢𝘨𝘶𝘺𝘰𝘥 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘬𝘢𝘴 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘣𝘢𝘣𝘢𝘪𝘩𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘮𝘶𝘮𝘶𝘯𝘰 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘨𝘩𝘶𝘣𝘰𝘨 𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘴 𝘪𝘯𝘬𝘭𝘶𝘴𝘪𝘣𝘰 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘵𝘢𝘳𝘶𝘯𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘪𝘱𝘶𝘯𝘢𝘯

Present at the event were Los Baños Mayor Neil Andrew Nocon, UPLB Vice Chancellor for Community Affairs Eric Paul Peralta, UPLB Gender Center Director Roselle V. Collado, Municipal GAD Office Karen Lagat-Mercado, and Angat BAYI Executive Director Maya Tamayo, together with representatives from partner institutions.

The Angat Bayi by Bayi, Inc. is an initiative that supports and develops women leaders in governance and community leadership through fellowships and training that promote inclusive, gender-responsive, and sustainable policies.

The initiative was made possible through the efforts of the UPLB Gender Center, which helped pave the way for the program’s launch and strengthened the continuing partnership between UPLB and the Municipal Government of Los Baños in empowering local governance and communities.

This program also supports the UPLB OVCCA Sandigan Program, which aims to reinforce partnerships between the University and local stakeholders in advancing community development initiatives.






Photos from Municipality of Los Baños- The Special Science and Nature City's post 22/03/2026

Sa iisang diwa ng lakas at pagkakaisa, ginanap na Ugnayan: Serbisyong Diretso sa Tao para sa Kababaihan ng Los Baños nitong Marso 14, 2026 (Sabado) sa CPP Memorial Stadium and Evacuation Center bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Women’s Month na dinaluhan ng halos isang libong kababaihang Los Bañense. Pinangunahan ito ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon sa pamamagitan ng Gender and Development (GAD) Office sa pangunguna ni Ms. Karen Lagat-Mercado, at sinuportahan ni Hon. Councilor Jay Rolusta at iba't ibang tanggapan ng Pamahalaan. Kabilang sa mga kalahok ang mga kababaihang mula sa 4Ps (Pantawid Pamilyang Pilipino Program), mga miyembro ng iba’t ibang women’s organizations tulad ng Maahas Women’s Volunteers, Women’s Brigade Los Baños, Pederasyon ng Kababaihan Lingkod Bayan sa Pilipinas (KLBL) Los Baños Chapter, iba pang samahang pangkababaihan, mga kababaihang naglilingkod sa barangay kabilang ang mga Lady Kagawad, Barangay Nutrition Scholars, Barangay Health Workers, iba pang babaeng kawani, at mga kababaihang residente mula sa iba’t ibang barangay ng bayan.

Naging tampok sa programa ang mga libreng serbisyo at treats para sa kababaihan na naghatid ng saya at pagpapahalaga sa bawat isa. Nagkaroon sila ng pagkakataong mabigyan ng libreng manicure, pedicure, haircut, at massage, mga simpleng serbisyong nagbigay ginhawa, kumpiyansa, at pagpapahalaga sa kanila.

Nagkaroon din ng interagency booths kung saan naghandog ng libreng promos, serbisyo, at tokens ang iba’t ibang ahensya at organisasyon kabilang ang PhilRice, BPI-LBNCRDPSC, DENR PENRO Laguna, DOST CALABARZON, DOST PCAARRD, DOST FPRDI, Personal Collection, Municipal Civil Registry Office, Philippine Chamber of Commerce Los Baños, Mernel’s Cake, Rising Tigers, V-Lounge, Zennie Q, Gardenia, Landbank, BFP, 564th Engineer Construction Battalion, at PESO Los Baños. Samantala, naging makulay din ang interbarangay booths kung saan nagbahagi ng mga palaro at token treats ang women’s groups mula sa iba’t ibang barangay, na lalong nagpatibay sa diwa ng pagkakaisa ng mga Kababaihang Los Bañense.

Kasabay nito, nagsagawa rin ng Job Fair ang PESO Los Baños sa pangunguna ni Ms. Gliceria Trinidad, na nagbukas ng mga oportunidad sa trabaho mula sa iba’t ibang kumpanya tulad ng EPSON, AlfaMart, ENTOM Pest Control and General Services Corp, FAMSI, NWOW, One Source General Solutions Inc., CLYDE International Manpower Co. CALABARZON, SIKAP BIDANI, Top Search Manpower Provider Corp, EPRT Manpower Services, Cebu General Services Inc., Toyota Los Baños, at Samsung. Higit pa sa isang pagtitipon, ang Ugnayan ay isang pagpupugay sa kababaihan, sa kanilang lakas, tapang, at mahalagang papel sa paghubog ng isang umaabanteng lipunan. Abante, babae! Abante Kababaihang Los Bañense! 💜









Photos from Municipality of Los Baños- The Special Science and Nature City's post 22/03/2026
Photos from Top News Asia's post 22/03/2026
22/03/2026

Happy National Women's Month!

Photos from Los Baños Doctors Hospital and Medical Center's post 22/03/2026
Want your business to be the top-listed Government Service in Los Baños?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Website

Address


Timugan
Los Baños
4030