30/05/2026
📚✨ Huwag hayaang hadlangan ng panahon ang iyong pangarap!
Mag-enroll na sa Alternative Learning System (ALS) at muling simulan ang pag-abot ng iyong mga pangarap. 💙❤️💚
🗓️ Enrollment Starts: May 4, 2026
📖 Classes Start: June 8, 2026
📍 ALS Los Baños Sub-Office
📢 Orientation Schedule:
🕘 June 2, 2026 | 9:00 AM – 11:00 AM
✅ Libreng Edukasyon
✅ Flexible Learning
✅ DepEd Accredited
✅ Bukas para sa lahat
“It's never too late to learn. It's always the right time!” 🌟
Tara na at maging bahagi ng mas maliwanag na kinabukasan! 💫
30/05/2026
Magandang umaga mga Kabarangay‼️
Para po sa mga nagtatanong kung bakit hindi nakapaghakot ng basura ang ating truck. Ito po ay dahil sa pinatigil pansamantala ng Munisipyo dahil sa napuno na daw po ang Dump site. Maraming salamat po!
29/05/2026
Tuloy tuloy po ang ating Programang Kalinga sa Kapwa Program sa Barangay Mayondon ang ating benipisaryo para sa murang Serbisyo.
Kaya po tayo ay lubos na nagpapasalamat sa ating mga ka-partner sa nasabing programa. Lalong lalo na sa ating mahal at masipag na Cong. Ramil L. Hernandez, Ruth Mariano-Hernandez at sa ating Gov. Sol Aragones at kay Vice Mayor Baby Sumangil, At sa lahat ng bumubuo ng Sangguniang Barangay Mayondon. Maraming Salamat po! 💙
27/05/2026
𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍: 𝐊𝐀𝐃𝐈𝐖𝐀 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐔𝐋𝐎 𝐒𝐀 𝐋𝐎𝐒 𝐁𝐀𝐍̃𝐎𝐒!
Sama-sama natin suportahan ang Kadiwa ng Pangulo ngayong 𝑀𝑎𝑦𝑜 30, 2026 (𝑆𝑎𝑏𝑎𝑑𝑜) 7:00 - 12:00 𝑛𝑔 𝑢𝑚𝑎𝑔𝑎 sa harap ng gusali ng Pamahalaang Bayan.
Ang mga ahensya ng Department of Agriculture, Department of Social Welfare and Development, Department of Labore and Employment, Department of Trade and Industry at Department of Interior and Local Government kasama ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños ay ilalapit sa mamamayan ang mga kalakal ng mga samahan, kooperatiba, mangingisda at magsasaka para sa masustansya, ligtas at murang mga produkto.
Tampok sa Kadiwa ng Pangulo ang Benteng Bigas ng Pangulo na mabibili sa halagang P20.00 kada kilo. Ang unang dalawang libo (2000) na mamimili na mula sa sektor ng PWD, Senior Citizens, Solo Parents, at mga Minimum Wage Earners ay maaaring bumili hanggang lima (5) kilo na bigas.
P20 Rice Program
Mga Dapat Sundin:
Step 1. Magpakita ng valid ID bilang patunay ng pagkakakilanlan.
Step 2. Mag fill-up ng household monitoring form.
Step 3. Kumuha ng Number sa itinalagang staff. Magsisimula ang pag fill-out ng form mula 6:00 ng umaga kasabay ng number hanggang sa ito ay maubos. Isang numero lamang kada sambahayan ang papayagan.
Step 4. Pumila ng ayos, huwag iwala ang ID at Number, at iwasan ang anumang kaguluhan.
Tandaan:
1. Hanggang 5kg lamang ang maaaring bilhin ng bawat sambahayan.
2. Tanging mga mamamayan ng Los Baños ang prayoridad ng programa.
3. Magdala ng SARILING LALAGYAN, mahigpit na ipagbabawal ang pag gamit ng plastic sa dry goods.
4. Sa araw ng Kadiwa ng Pangulo lamang ang pagbibigay ng number.
24/05/2026
📢 PAABISO MULA SA LARC
Magkakaroon ng pansamantalang pagkawala ng supply ng tubig ngayong May 24, 2026 mula 10:00 ng gabi hanggang 1:00 ng madaling araw ng May 25, 2026.
🚱 Mga lugar na maaapektuhan sa Barangay Mayondon:
• T. Reyes Street
• G. Tandang Street
• M. Escobin Street
Pinapayuhan ang lahat na mag-ipon ng sapat na tubig habang maaga. Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.
19/05/2026
‼️REHABILITATION OF DRAINAGE SYSTEM‼️
Pagsasa-ayos ng mga sira at butas na takip ng Drainage system sa bahagi ng Purok 1 ng Barangay Mayondon mula sa direktiba ng Punong Barangay Hon. Danny Apolinario at Sangguniang Barangay.
Salamat sa ating masisipag na miyembro ng BPSO at ADMIN Crisanto Reyes para sa pagsasakatuparan ng nasabing gawain.
19/05/2026
Nagsimula na ang paglilinis ng Grupo ng 4Ps para sa maagang Brigada Eskwela sa Mayondon Elementary School.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan, ipinapakita ang pagkakaisa at malasakit upang maihanda ang paaralan para sa ligtas, malinis, at maayos na pagbabalik-eskwela.
Nagpapasalamat ang Sangguniang Barangay Mayondon sa pangunguna ni Punong Barangay Hon. Danny Apolinario dahil sa inyong oras, sipag, at suporta para sa edukasyon ng ating kabataan! 💙📚
19/05/2026
Patuloy po nating pinapalakas ang serbisyong pangkalusugan para sa ating mga kabarangay.
Kanina ay nagdala ng karagdagang suplay ng mga gamot sa Barangay Mayondon Health Center na regular na binibili kada quarter upang masigurong may sapat na gamot para sa ating mga residente. Kasama rin dito ang mga medical supplies na gagamitin para sa Oplan Tuli bukas na gaganapin sa RHU 1 Los Baños.
Kasama sa isinagawang pagdadala ng mga gamot at medical supplies sina Hon. Marita D. Lontoc, Chairman ng Committee on Health, Nutrition and Sanitation, Hon. Miguel Christian O. Concio, at Barangay Secretary Marc Lein Torres.
Ang Sangguniang Barangay ng Mayondon ay patuloy na magsisikap na makapaghatid ng maayos at dekalidad na serbisyong pangkalusugan para sa lahat. 💙💊
18/05/2026
Para po sa mga hahabol sa pagpapalista may 20 slots pa para sa LIBRENG TULI‼️
‼️OPLAN TULI 2026‼️
Libreng tuli para sa mga Kabataang lalaki!
Magpalista na sa Mayondon Barangay Health Center.
Limited slot only‼️
✅Only 80 slots available. First come, First serve.
✅12 years old and above (DAPAT AY TAGPOS NA)
🗓️ DATE: May 19, 2026 (TUESDAY)
🕜 TIME: 7:00 AM
📍 VENUE: RHU 1 LOS BAÑOS
MGA DAPAT DALHIN:
-Manila Paper
-Malinis na tuwalya
-Extra short
Paalala‼️
✅Kumain muna bago magtungo sa Venue.
✅Maagang pumunta sa Venue.
✅Sumunod sa mga instruksyon ng mga Health worker.
18/05/2026
‼️REHABILITATION OF DRAINAGE SYSTEM‼️
Pagsasa-ayos ng mga sira at butas na takip ng Drainage system sa bahagi ng Purok 2 at Purok 3 ng Barangay Mayondon mula sa direktiba ng Punong Barangay Hon. Danny Apolinario at Sangguniang Barangay.
Salamat sa ating masisipag na miyembro ng BPSO at ADMIN Crisanto Reyes para sa pagsasakatuparan ng nasabing gawain.