Happy PRIDE mga ka-LB! 🏳️🌈
𝘿𝙖𝙩𝙤𝙨 𝙖𝙩 𝙍𝙚𝙥𝙧𝙚𝙨𝙚𝙣𝙩𝙖𝙨𝙮𝙤𝙣
Komunidad: 1,500 indibidwal na may magkakaibang SOGIE sa Los Baños.
Munisipyo: 21 empleyado (2.1%) ang kabilang sa LGBTQIA+ community.
Boses sa Pamamahala: May opisyal nang sectoral representative ang LGBTQ community sa Municipal Development Council.
𝙋𝙧𝙤𝙜𝙧𝙚𝙨𝙞𝙗𝙤𝙣𝙜 𝙋𝙤𝙡𝙞𝙨𝙞𝙮𝙖
Sa pamumuno nina Mayor Neil Andrew Nocon at Vice Mayor Marlo PJ Alipon, nanguna ang bayan sa mga batas para sa pagkakapantay-pantay:
M.O. No. 2018-1791: Isa sa mga unang Anti-Discrimination Ordinance (SOGIE) sa bansa. (Author: Hon. Baby Sumangil Evangelista)
M.O. No. 2025-2349: bukod tanging LGU sa bansa na may ordinansa patungkol sa “𝙂𝙚𝙣𝙙𝙚𝙧-𝙉𝙚𝙪𝙩𝙧𝙖𝙡 𝘿𝙧𝙚𝙨𝙨 𝘾𝙤𝙙𝙚 𝙖𝙩 𝙥𝙖𝙜𝙜𝙖𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙥𝙞𝙡𝙞𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙣𝙜𝙖𝙡𝙖𝙣, 𝙩𝙞𝙩𝙪𝙡𝙤, 𝙖𝙩 𝙥𝙧𝙤𝙣𝙤𝙪𝙣𝙨 𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙤𝙥𝙞𝙨𝙮𝙖𝙡 𝙖𝙩 𝙚𝙢𝙥𝙡𝙚𝙮𝙖𝙙𝙤.” (𝐀𝐮𝐭𝐡𝐨𝐫: 𝐇𝐨𝐧. 𝐋𝐞𝐫𝐞𝐧 𝐌𝐚𝐞 𝐌. 𝐁𝐚𝐮𝐭𝐢𝐬𝐭𝐚)
Sa lahat ng patuloy na tumitindig, sumusuporta, at nagmamahal nang buo, Mabuhay kayo!
Isang makulay at mainit na pagbati sa inyong lahat!
Happy Pride mga momsh! 🏳️🌈✨
Queensehala Leren Mae Magnaye Bautista
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Queensehala Leren Mae Magnaye Bautista, Public & Government Service, Los Baños.
07/06/2026
📚🎒 𝐖𝐄𝐋𝐂𝐎𝐌𝐄 𝐁𝐀𝐂𝐊 𝐓𝐎 𝐒𝐂𝐇𝐎𝐎𝐋, 𝐋𝐎𝐒 𝐁𝐀Ñ𝐎𝐒 𝐋𝐄𝐀𝐑𝐍𝐄𝐑𝐒!
Muling nagbubukas ang panibagong yugto ng pagkatuto, mga pangarap, at mga oportunidad para sa ating mga mag-aaral. Sa pagsisimula ng School Year 2026–2027, nawa’y maging masigla, ligtas, at makabuluhan ang bawat araw ninyo sa paaralan.
Huwag kalimutang magsikap sa pag-aaral, makinig sa inyong mga g**o, at pahalagahan ang bawat aral na inyong matututuhan.
✨ Sama-sama nating abutin ang mas maliwanag na kinabukasan sa pamamagitan ng edukasyon!
06/06/2026
𝐂𝐎𝐍𝐆𝐑𝐀𝐓𝐔𝐋𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐒 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐍𝐀𝐏𝐈𝐋𝐈𝐍𝐆 𝐁𝐄𝐍𝐄𝐏𝐈𝐒𝐘𝐀𝐑𝐘𝐎 𝐍𝐆 𝐋𝐁 𝐋𝐈𝐁𝐑𝐄𝐍𝐆 𝐆𝐔𝐏𝐈𝐓! ✂️🎉
Narito na ang listahan ng mga masuwerteng napili para sa ating programang 𝐋𝐁 𝐋𝐈𝐁𝐑𝐄𝐍𝐆 𝐆𝐔𝐏𝐈𝐓 sa pakikipagtulungan ng 𝐍𝐚𝐧𝐢 𝐒𝐚𝐥𝐨𝐧 bilang paghahanda sa nalalapit na pagbabalik-eskwela.
📌 𝐏𝐀𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐍𝐀𝐍𝐀𝐋𝐎:
✅ Hintayin ang text message mula sa aming tanggapan na naglalaman ng inyong 𝐏𝐄𝐑𝐒𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐋𝐁 𝐂𝐎𝐃𝐄.
✅ Ipakita ang inyong 𝐏𝐄𝐑𝐒𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐋𝐁 𝐂𝐎𝐃𝐄 sa Nani Salon bilang patunay na kayo ang opisyal na benepisyaryo.
✅ Maaaring magpagupit sa anumang araw ngayong buwan ng Hunyo 2026 mula 𝟏𝟎:𝟎𝟎 𝐀𝐌 – 𝟓:𝟎𝟎 𝐏𝐌.
📩 Kung hindi pa ninyo natatanggap ang inyong 𝐏𝐄𝐑𝐒𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐋𝐁 𝐂𝐎𝐃𝐄, mangyaring magpadala ng mensahe sa aming page para sa beripikasyon.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at sumali. 𝐀𝐛𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐛𝐚 𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐡𝐚𝐧𝐝𝐨𝐠 𝐧𝐠 𝐢𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐧𝐠𝐤𝐨𝐝 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐤𝐨𝐦𝐮𝐧𝐢𝐝𝐚𝐝!
05/06/2026
𝐋𝐄𝐓'𝐒 𝐓𝐀𝐋𝐊 𝐀𝐁𝐎𝐔𝐓 | 𝐖𝐎𝐑𝐋𝐃 𝐄𝐍𝐕𝐈𝐑𝐎𝐍𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐃𝐀𝐘 🌏💚
Ngayong World Environment Day, ating alalahanin na ang pangangalaga sa kalikasan ay responsibilidad ng bawat isa. Sa simpleng pagtatanim ng puno, wastong pamamahala ng basura, at pagprotekta sa ating likas na yaman, nakakatulong tayo sa pagbuo ng mas malinis, mas ligtas, at mas luntiang kinabukasan para sa susunod na henerasyon.
Sama-sama nating pangalagaan ang ating nag-iisang tahanan—ang Inang Kalikasan. 🌱♻️
05/06/2026
𝐋𝐈𝐁𝐑𝐄𝐍𝐆 𝐆𝐔𝐏𝐈𝐓 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐀𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐌𝐀𝐆-𝐀𝐀𝐑𝐀𝐋! 💇♂️💇♀️
Handog ni Queensehala Leren Mae Magnaye Bautista sa pakikipagtulungan ng Nani Salon, ang isang espesyal na pagkakataon para sa mga nais magpagupit nang libre!
📌 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝟏𝟎𝟎 𝐒𝐋𝐎𝐓𝐒 𝐎𝐍𝐋𝐘!
Kaya't huwag nang magpahuli at sundin lamang ang mga mekaniks na nakasaad sa poster upang makasali.
Ang mga mapipiling kalahok ay 𝐦𝐚𝐤𝐚𝐤𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐩 𝐧𝐠 𝐩𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐋𝐁 𝐜𝐨𝐝𝐞 na gagamitin upang makapag-avail ng libreng gupit.
Maraming salamat sa ating partner na Nani Salon sa pakikiisa sa pagbibigay-serbisyo para sa ating komunidad. Sama-sama nating gawing mas magaan at mas maayos ang buhay ng bawat isa.
03/06/2026
𝐋𝐄𝐓'𝐒 𝐓𝐀𝐋𝐊 𝐀𝐁𝐎𝐔𝐓 | 𝟒𝟎𝐭𝐡 𝐑𝐞𝐠𝐮𝐥𝐚𝐫 𝐒𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐒𝐚𝐧𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧
Sa ginanap na ika-40 Regular Session ng Sangguniang Bayan ng Los Baños, tinalakay at inaprubahan ang ilang mahahalagang ordinansa at resolusyon na naglalayong higit pang mapabuti ang serbisyong pampubliko at kapakanan ng mga mamamayan. Kabilang dito ang pagpapatupad ng programang “TODA Para sa Bayan” para sa libreng sakay ng mga buntis, bagong silang na sanggol, mga pasyenteng may TB, at mga medical emergency, gayundin ang pag-aampon ng National Policy on Nutrition in Emergencies para sa mas mahusay na pagtugon sa mga pangangailangan ng komunidad sa panahon ng kalamidad at krisis.
Inaprubahan din ng konseho ang mga programang nakatuon sa proteksyon ng mga bata, pakikipagtuwang sa Laguna State Polytechnic University para sa “Gabay Komunidad” Program, at paghahanda ng delegasyon ng bayan para sa nalalapit na Laguna Intertown Basketball Tournament.
Ang mga hakbang na ito ay sumasalamin sa patuloy na hangarin ng lokal na pamahalaan na maglatag ng mga makabuluhan at inklusibong programa para sa kapakanan, kaligtasan, at pag-unlad ng buong komunidad. Sama-sama nating isulong ang isang mas maunlad, mas malusog, at mas matatag na Los Baños para sa lahat.
03/06/2026
𝐋𝐄𝐓'𝐒 𝐓𝐀𝐋𝐊 𝐀𝐁𝐎𝐔𝐓 | 𝐏𝐀𝐊𝐈𝐊𝐈𝐈𝐒𝐀 𝐒𝐀 𝐆𝐀𝐁𝐀𝐘 𝐊𝐎𝐌𝐔𝐍𝐈𝐃𝐀𝐃 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌 𝐍𝐆 𝐋𝐒𝐏𝐔 🤝📖
Dumalo ang inyong lingkod sa Committee Meeting on Women, GAD and Family Welfare kaugnay ng “Gabay Komunidad: Gender-Responsive Capacity Development Program for Civil Society Organizations” ng Laguna State Polytechnic University – College of Arts and Sciences.
Sa nasabing pagpupulong, tinalakay ang mga hakbang at inisyatibang naglalayong palakasin ang partisipasyon ng mga organisasyong pangkomunidad sa pagsusulong ng gender-responsive na mga programa at mga gawaing nakatuon sa kapakanan ng kababaihan, pamilya, at iba pang sektor ng lipunan.
Ang mga ganitong talakayan ay mahalagang bahagi ng pagbuo ng mas inklusibo, makatarungan, at responsableng pamayanan. Patuloy nating suportahan ang mga programang nagbibigay ng kaalaman at kakayahan sa ating mga komunidad tungo sa mas maunlad at mas makataong lipunan.
Maraming salamat sa Laguna State Polytechnic University sa pangunguna sa makabuluhang programang ito.
01/06/2026
𝐋𝐄𝐓'𝐒 𝐓𝐀𝐋𝐊 𝐀𝐁𝐎𝐔𝐓 | 𝐏𝐫𝐢𝐝𝐞 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐡 🏳️🌈
Ang Tanggapan ni Konsehala Leren Mae Bautista ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Pride Month bilang pagkilala sa kahalagahan ng pagkakapantay-pantay, paggalang, at inklusibong lipunan para sa lahat.
Nawa’y magsilbing inspirasyon ang pagdiriwang na ito upang patuloy nating itaguyod ang karapatang pantao, pagkakaunawaan, at pagtanggap sa ating kapwa. Sama-sama nating buuin ang isang komunidad na nagbibigay-halaga sa dignidad at pagkakapantay-pantay ng bawat mamamayan.
Happy Pride Month! 🏳️🌈
31/05/2026
𝐌𝐚𝐥𝐢𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐩𝐚𝐬𝐨𝐤 𝐧𝐠 𝐛𝐮𝐰𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐇𝐮𝐧𝐲𝐨! 💙
Nasa kalagitnaan na po tayo ng taon—parang kailan lang nang salubungin natin ang unang araw ng Enero, at ngayon ay nasa ika-anim na buwan na tayo. Mabilis man ang paglipas ng panahon, marami na rin tayong mga karanasan, tagumpay, at aral na baon sa ating paglalakbay.
Sama-sama nating salubungin ang Hunyo na may pag-asa, positibong pananaw, at panibagong sigla para sa mga darating na araw.
Magandang buwan ng Hunyo sa ating lahat! 🌿✨
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
Los Baños
4030
