20/06/2023
Maraming salamat MayonDONORS sa suporta na inyong inabot sa amin at sa barangay! Ang bawat isa sa inyo ay nagbahagi sa tagumpay ng aming mga layunin at mga interbensyong pangnutrisyon para sa Barangay Mayondon.
Sa loob ng anim na linggo, ang inyong walang sawang suporta, pagtulong, at donasyon ay nagawang bigyang-pansin ang mga pangangailangan sa nutrisyon ng nabanggit na komunidad.
Sa Barangay Mayondon, salamat sa mainit na pagtanggap at pagkalinga sa amin bilang mga practicumers ng Community Nutrition Field Practice (CNFP 2023)! 💙
Isang mapagpalang karanasan ang aming natamo mula sa inyo. Sa aming pamamaalam, nais naming ibahagi ang aming pangako na ipagpapatuloy namin ang mga natutuhan sa panahong nanatili kami sa komunidad. Isang karangalan ang magsilbi sainyo. Hanggang sa muli nating pagkikita! ✨
20/06/2023
Taos-pusong pasasalamat po sa bawat isa sa inyo na nagbahagi sa tagumpay ng aming mga layunin at mga interbensyong pangnutrisyon para sa Barangay Mayondon. Ang inyong mga kontribusyon ay nagdulot ng malaking epekto sa aming mga proyekto at sa buhay ng mga taong aming pinaglilingkuran.
Sa loob ng anim na linggo, ang inyong walang sawang suporta, pagtulong, donasyon at pagsasama-sama ay nagawang bigyang-pansin ang mga pangangailangan sa nutrisyon ng nabanggit na komunidad.
Muli, mula sa aming limang BS Nutrition practicumer ng UPLB, taos-puso po ang aming pasasalamat sa inyong lahat. Malaki ang inyong ambag sa aming mga adhikain, at ang inyong pagtulong ay magpapatuloy sa pag-abot ng mga pangarap para sa Barangay Mayondon.
20/06/2023
NourisHER Project: Pagtaas ng Antas ng BNS upang Palakasin ang Komunidad
Masaya naming ibinabahagi ang mga tampok ng aming kamakailang programa na idinaos noong Hunyo 2, 2023, kung saan nagtipon kami para sa NourisHER Project. Layunin nitong kilalanin at palakasin ang mahalagang papel ng ating mga Barangay Nutrition Scholars (BNS) sa pagpapalakas ng ating komunidad.
Nagsimula ang programa sa masayang tanghalian sa dalampasigan, kasabay ang pagbahagi ng mga pusong pasasalamat sa bawat isa lalo na sa pagpapahalaga sa dedikasyon at sipag ng ating mga BNS.
Bukod pa rito, ipinamahagi namin ang mga BNS kits na naglalaman ng mga kagamitan na tutulong sa kanila sa kanilang mga gawain sa larangan at magiging kasangkapan para sa mas epektibong paglilingkod.
Bilang pagtatapos ng araw, nag-ayos kami ng isang nakapagpapahingang pagdalaw sa Therapeutic Massage Center and Health Spa, upang magbigay ng kasiyahan at pag-aalaga sa ating mga BNS. Ito ay isang paraan upang kilalanin ang kanilang walang sawang pagsisikap at bigyang-diin ang kahalagahan ng kanilang sariling kapakanan.
Sa kanilang mahalagang ambag, lubos kaming tiwala sa positibong pagbabago na ating maipagkakaloob sa ating komunidad.
20/06/2023
Pagwawakas na Seremonya noong Hunyo 2, 2023 sa Barangay Health Center ng Barangay Mayondon! 🎉
Isang masayang seremonya ang nagmarka sa pagtatapos ng aming practicum, kung saan ipinakita namin ang aming mga intervention at ipinasa ang responsibilidad sa mga pangunahing indibidwal na pumirma rin sa memorandum of agreement. Sa pamamagitan ng mga simbolikong tanda, ipinakita namin ang aming pangako na ipagpatuloy ang mga interbensyon kahit matapos na ang aming community nutrition field practice.
Maraming salamat kina Hon. Felisa Caunca, Hon. Emeleano Lontoc, Hon. Rolando Simon, Mr. Angeles Guico III, maging sa ating mga BNS na sina Tita Au, Tita Baby, at Tita Eileen, at sa mga nanay sa pagdalo! Ang inyong suporta at pagkakaisa ay nagbibigay sa amin ng inspirasyon. Sana ay patuloy nating isulong ang mga adhikaing ito para sa ating komunidad.
Nawa'y manatili ang pagkakaisa at tagumpay sa ating barangay! 🌻
05/06/2023
Tara na sa kusina at tikman ang sarap ng 𝐥𝐮𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐡𝐚𝐲! 🍛
Hatid ng ating proyektong "𝐋𝐮𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐡𝐚𝐲, 𝐤𝐚𝐲 𝐌𝐚𝐲 𝐚𝐭 𝐃𝐨𝐧 𝐈𝐛𝐢𝐠𝐚𝐲," isang recipe book na naglalaman ng mga piling pagkain at merienda na abot kaya, masarap at masustansiya. Naglalayon din itong magbigay alam at diin sa 𝐏𝐢𝐧𝐠𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐢𝐧𝐨𝐲 para sa mga 𝟑-𝟓 𝐭𝐚𝐨𝐧𝐠 𝐠𝐮𝐥𝐚𝐧𝐠 na bata. 🍽👧👦
Gamit ang recipe book na ito, matutuklasan ang mga sampung natatanging putahe at merienda na hindi lang masustansya, kundi madaling ihanda sa sariling tahanan.
Tayo ay nakapaghandog ng 22 copies ng recipe book sa mga nanay na naging kalahok sa ating cooking contest.👩🍳
03/06/2023
𝗠𝗼𝗻𝗶𝘁𝗼𝗿𝗶𝗻𝗴 of Interventions through 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗩𝗶𝘀𝗶𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀, and Posting of 𝟭𝟬 𝗞𝘂𝗺𝗮𝗶𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁𝘀 on May 30, 2023. 🍞🍽️
31/05/2023
Talaga nga namang 𝗗𝗮𝗯𝗲𝘀𝘁 𝗻𝗮 𝗔𝗹𝗮𝘆 ang 🥬𝗟𝘂𝘁𝗼 𝗻𝗶 𝗡𝗮𝗻𝗮𝘆🍎, kaya’t nagdaos tayo ng isang Cooking Competition para sa Wastong Nutrisyon na dinaluhan ng mga 𝐒𝐮𝐩𝐞𝐫𝐦𝐨𝐦𝐬 ng Brgy. Mayondon Purok 1-3 na may mga anak na 3-5 taong gulang, sa Barangay Health Center nitong nakalipas na May 27.
Lubos ang aming pasasalamat sa mga masisigasig na 👩🏻👱🏼♀️𝐒𝐮𝐩𝐞𝐫𝐦𝐨𝐦𝐬👩🏽🦱👵🏻 na dumalo, nakiisa, at naghain ng kanilang mga creative at masusustansyang pagkain para sa mga bata. Gayundin sa suporta ng Barangay Council, sa pangunguna ni Brgy. Captain Esbby Eusebio Maningas na kinatawanan ni Kons. Fe Caunca. Sa mga masisipag na BNS na pinangungunahan ni Tita Auring Lontoc na aming kasama simula pag-iimbita ng mga kalakok hanggang sa pag-iimplementa ng mga aktibidad, maraming salamat po!
Gayundin sa mga hurado na nagbigay ng importanteng parte sa pagsusuri ng pinaka-𝗗𝗮𝗯𝗲𝘀𝘁 𝗻𝗮 𝗔𝗹𝗮𝘆 na 𝗟𝘂𝘁𝗼 𝗻𝗶 𝗡𝗮𝗻𝗮𝘆🍴— Chef Ian Ebron, MNAO Madeleine Menguito Alforja, at BNC Councilor Emil Lontoc.
Layunin po ng ating programa na hikayatin ang mga magulang na maghanda at magluto ng sapat at masusustansyang pagkain ng pamilya sa pamamagitan ng Pinggang Pinoy. Kasabay rin ang pamimigay ng isang Recipe Book📕 na maaaring sundan ng mga 𝐒𝐮𝐩𝐞𝐫𝐦𝐨𝐦𝐬 sa pagluluto.
26/05/2023
Iniimbitahan po namin ang mga 𝐒𝐮𝐩𝐞𝐫𝐦𝐨𝐦𝐬 ng Brgy. Mayondon Purok 1-3 na may anak na 𝑺𝒕𝒖𝒏𝒕𝒆𝒅 𝒂𝒕 𝑶𝒗𝒆𝒓𝒏𝒐𝒖𝒓𝒊𝒔𝒉𝒆𝒅 na 3-5 taong gulang sa gaganaping “𝗟𝘂𝘁𝗼 𝗻𝗶 𝗡𝗮𝗻𝗮𝘆, 𝗗𝗮𝗯𝗲𝘀𝘁 𝗻𝗮 𝗔𝗹𝗮𝘆!” Cooking Competition sa Wastong Nutrisyon bukas, May 27, sa ganap na ika-1 ng hapon sa Barangay Health Center.
25/05/2023
Ilang araw na lamang ay matatapos na ang pagsasagawa natin ng mga 𝘯𝘶𝘵𝘳𝘪𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘪𝘯𝘵𝘦𝘳𝘷𝘦𝘯𝘵𝘪𝘰𝘯𝘴, ikinagagalak naming ibalita sa inyo na nakakalap tayo ng kabuuang halaga na ✨ 𝐏𝐡𝐩 𝟨𝟦,𝟨𝟤𝟪 ✨mula sa ating mga naging 𝘳𝘦𝘴𝘰𝘶𝘳𝘤𝘦 𝘨𝘦𝘯𝘦𝘳𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘱𝘳𝘰𝘫𝘦𝘤𝘵𝘴!!!
Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa inyong suporta upang matugunan ang aming mga pinansyal na pangangailan! Asahan nyong lahat ng ito ay mapupunta sa mga mamamayan ng Barangay Mayondon.
24/05/2023
Maraming salamat sa lahat ng sumali sa aming workshop sa hydroponics! Natutuwa kami na nakatulong kami sa inyo upang matuto tungkol sa ganitong paraan ng pagtatanim. Sana'y magamit ninyo ang inyong bagong kaalaman sa inyong mga sariling halamanan. Hanggang sa susunod nating pagkikita!
 🌱 🥕 🥗 🥦
TINGNAN: Noong ika-20 ng Mayo sa Barangay Health Center, naganap ang seminar at workshop ukol sa Hydroponic Gardening na pinamagatang “Sa Tanim Kong Gulay, Lalago ang Buhay”. Ito ay pinangunahan ni Bb. Bea Suavengco, ang founder ng City Farm sa Taguig at Urban Farmer TV sa TikTok, na bumuo ng komunidad ng mahigit 125,000 katao sa social media sa pamamagitan ng kanyang mga pang-edukasyon at malikhaing video.
Sa workshop na ito, natuto ang mga participant ng mga kaalaman tungkol sa hydroponics, na isang modernong paraan ng pagtatanim ng mga gulay at prutas na hindi na kailangan ng lupa at ng malaking espasyo. Sa pamamagitan din nito, makakatipid sa tubig at mapapabilis ang paglaki ng mga halaman.
Umaasa kami na ang proyektong ito ay nakapagbigay ng pag-asa at kakayahan sa mga pamilya na labanan ang isyu sa suplay ng sariwang prutas at gulay at mapagtagumpayan ang larangan ng nutrisyon at kalusugan.