02/06/2026
𝐍𝐀𝐆𝐁𝐀𝐁𝐀𝐋𝐈𝐊 𝐒𝐀 𝐈𝐊𝐀-𝐀𝐏𝐀𝐓 𝐍𝐀 𝐓𝐀𝐎𝐍 ‼️
𝐁𝐀𝐋𝐈𝐊 𝐄𝐒𝐊𝐖𝐄𝐋𝐀: 𝙇𝙄𝘽𝙍𝙀𝙉𝙂 𝙂𝙐𝙋𝙄𝙏 💈✂️
𝐀𝐍𝐎: Libreng Gupit
𝐊𝐀𝐈𝐋𝐀𝐍: June 05, 2025 (BIYERNES)
𝐒𝐀𝐀𝐍: Paciano Rizal Elementary School
𝐎𝐑𝐀𝐒: 7:30 AM-12:00 NN
𝐏𝐀𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀: Ito po ay para lamang muna sa mga estudyante o mag-aaral na nasa antas 𝐊𝐢𝐧𝐝𝐞𝐫, 𝐄𝐥𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭𝐚𝐫𝐲, 𝐇𝐢𝐠𝐡𝐬𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥, at 𝐂𝐨𝐥𝐥𝐞𝐠𝐞 na mamamayan ng 𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝐓𝐮𝐧𝐭𝐮𝐧𝐠𝐢𝐧-𝐏𝐮𝐭𝐡𝐨. Hindi na din po kailangan magpa-lista o magpa-reserve ng slot. First come first serve basis. 💇🏻💇🏻♀️
Maraming salamat po sa ating mga donors and sponsors. Bukas na bukas po ang ating tanggapan para sa mga willing pa na magbigay o magpa-abot ng kanilang tulong. 🤗
Magkita-kita po tayo! 👋🥰
01/06/2026
𝐒𝐚𝐧𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐧𝐠 𝐓𝐮𝐧𝐭𝐮𝐧𝐠𝐢𝐧-𝐏𝐮𝐭𝐡𝐨 𝟏𝟏𝐭𝐡 𝐑𝐞𝐠𝐮𝐥𝐚𝐫 𝐒𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧 👨🏻⚖️
(𝟎𝟔-𝟎𝟏-𝟐𝟎𝟐𝟔) 🗓️
Ngayong gabi ay matagumpay na naisagawa ang 𝟏𝟏𝐭𝐡 𝐑𝐞𝐠𝐮𝐥𝐚𝐫 𝐒𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧 ng 𝐒𝐚𝐧𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐧𝐠 𝐓𝐮𝐧𝐭𝐮𝐧𝐠𝐢𝐧-𝐏𝐮𝐭𝐡𝐨, kung saan tinalakay ang mga mahahalagang usapin, programa, mga panukalang resolusyon, at ordinansa na makatutulong sa patuloy na pag-unlad ng ating komunidad.
Sa pamamagitan ng masinsinang talakayan at pagpapalitan ng mga pananaw, opinyon, at suhestyon ay patuloy nating hinahanap ang mga pinakamahusay na hakbang at solusyon sa mga pangangailangan at hamon na kinakaharap ng ating mga mamamayan.
Ang bawat sesyon ay hindi lamang pagtupad sa ating tungkulin bilang isang lingkod-bayan, kundi isang pagkakataon upang higit pang mapalakas ang ating mga programa at serbisyong nakatuon sa kapakanan ng 𝐓𝐮𝐧𝐭𝐮𝐧𝐠𝐢𝐧-𝐏𝐮𝐭𝐡𝐨.
Asahan po ninyo ang aking patuloy na dedikasyon, pakikiisa, at tapat na paglilingkod para sa ikauunlad ng ating barangay.
30/05/2026
𝙊𝙁𝙁𝙄𝘾𝙀𝙍 𝙊𝙁 𝙏𝙃𝙀 𝘿𝘼𝙔 📝
(𝟎𝟓-𝟑𝟎-𝟐𝟎𝟐𝟔, 𝐒𝐚𝐭𝐮𝐫𝐝𝐚𝐲) 🗓️
27/05/2026
𝐃𝐎𝐊𝐓𝐎𝐑 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘: 𝐌𝐄𝐃𝐈𝐂𝐀𝐋 𝐌𝐈𝐒𝐒𝐈𝐎𝐍 🏥🩺👨🏻⚕️👩🏻⚕️🧑🏻⚕️
Noong 𝐌𝐚𝐲𝐨 𝟖, 𝟐𝟎𝟐𝟔, matagumpay na naisagawa ang 𝐃𝐨𝐤𝐭𝐨𝐫 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲: 𝐌𝐞𝐝𝐢𝐜𝐚𝐥 𝐌𝐢𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧 sa ating 𝐓𝐮𝐧𝐭𝐮𝐧𝐠𝐢𝐧-𝐏𝐮𝐭𝐡𝐨 𝐒𝐩𝐨𝐫𝐭𝐬 𝐂𝐨𝐦𝐩𝐥𝐞𝐱, isang programang naglalayong maghatid ng mas accessible at dekalidad na serbisyong pangkalusugan para sa ating mga mamamayan.
Ang makabuluhang programang ito ay pinangunahan ng ating butihing 𝐆𝐨𝐛𝐞𝐫𝐧𝐚𝐝𝐨𝐫 Sol Aragones na patuloy na nagpapakita ng malasakit at suporta sa kalusugan at kapakanan ng bawat mamamayan ng 𝐋𝐚𝐠𝐮𝐧𝐚. Lubos po ang aming pasasalamat sa kanyang tanggapan sa pagpili sa ating barangay bilang isa sa mga benepisyaryo ng programang ito. Tunay na malaking tulong ito lalo na sa mga kababayan nating nangangailangan ng serbisyong medikal.
Ipinagmamalaki rin po natin na ang programang ito ay kauna-unahang isinagawa sa ating barangay sa buong 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐋𝐨𝐬 𝐁𝐚𝐧̃𝐨𝐬, isang patunay ng patuloy na pagtutulungan at pagkakaisa para sa mas maayos na serbisyong pangkalusugan sa ating komunidad.
Bilang 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐢𝐭𝐭𝐞𝐞 𝐂𝐡𝐚𝐢𝐫𝐩𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧 𝐨𝐧 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡, 𝐍𝐮𝐭𝐫𝐢𝐭𝐢𝐨𝐧, 𝐚𝐧𝐝 𝐒𝐚𝐧𝐢𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧, buong puso po ang aking suporta at pakikiisa sa mga ganitong programa at inisyatibo na nagbibigay pag-asa, tulong, at serbisyong direktang nararamdaman ng ating mga mamamayan.
Patuloy nating ilapit ang serbisyong pangkalusugan para sa isang mas malusog at mas masagana na 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐓𝐮𝐧𝐭𝐮𝐧𝐠𝐢𝐧-𝐏𝐮𝐭𝐡𝐨.
25/05/2026
𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐍𝐔𝐓𝐑𝐈𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐂𝐎𝐌𝐌𝐈𝐓𝐓𝐄𝐄 & 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐂𝐎𝐔𝐍𝐂𝐈𝐋 𝐅𝐎𝐑 𝐓𝐇𝐄 𝐏𝐑𝐎𝐓𝐄𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐎𝐅 𝐂𝐇𝐈𝐋𝐃𝐑𝐄𝐍 𝟐𝐧𝐝 𝐐𝐔𝐀𝐑𝐓𝐄𝐑𝐋𝐘 𝐌𝐄𝐄𝐓𝐈𝐍𝐆
Noong 𝐌𝐚𝐲𝐨 𝟏𝟓, 𝟐𝟎𝟐𝟔, matagumpay nating naisagawa ang 𝟐𝐧𝐝 𝐐𝐮𝐚𝐫𝐭𝐞𝐫𝐥𝐲 𝐌𝐞𝐞𝐭𝐢𝐧𝐠 ng 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐍𝐮𝐭𝐫𝐢𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐢𝐭𝐭𝐞𝐞 (𝐁𝐍𝐂) at 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥 𝐟𝐨𝐫 𝐭𝐡𝐞 𝐏𝐫𝐨𝐭𝐞𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐨𝐟 𝐂𝐡𝐢𝐥𝐝𝐫𝐞𝐧 (𝐁𝐂𝐏𝐂) sa ating 𝐒𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐇𝐚𝐥𝐥.
Sa nasabing pagpupulong, nagkaroon ng pagkakataon ang inyong lingkod na maibahagi at maipresenta ang mga matagumpay na programa, proyekto, at aktibidad sa mga nagdaang buwan ng ating komite.
Gayundin, nagbigay ulat ang ating masisipag na Barangay Nutrition Scholar kaugnay ng mga nakahanay at mga susunod pang programang pangkalusugan at pangnutrisyon para sa ating barangay.
Naging makabuluhan din ang talakayan sa pamamagitan ng aktibong pagbabahagi ng mga ideya, suhestyon, at opinyon mula sa iba’t ibang sektor, na may iisang layunin: ang higit pang mapaunlad, mapaganda, at mapatatag ang mga serbisyong para sa ating mga mamamayan, lalo na para sa mga bata at pamilya ng ating komunidad.
Bilang inyong 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐢𝐭𝐭𝐞𝐞 𝐂𝐡𝐚𝐢𝐫𝐩𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧 𝐨𝐧 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡, 𝐍𝐮𝐭𝐫𝐢𝐭𝐢𝐨𝐧, 𝐚𝐧𝐝 𝐒𝐚𝐧𝐢𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 ay kasama at katuwang nyo po ang inyong lingkod sa pagsusulong ng mga programang pangkalusugan, nutrisyon, at proteksyon sa kabataan, patuloy po tayong magsisikap at magtutulungan upang makapaghatid ng mas maayos, makatao, at epektibong serbisyo para sa mga mamamayan ng ating lugar.
Sama-sama po tayong lahat para sa mas malusog, ligtas, at mas maunlad na 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐓𝐮𝐧𝐭𝐮𝐧𝐠𝐢𝐧-𝐏𝐮𝐭𝐡𝐨.
19/05/2026
𝐀𝐍𝐔𝐍𝐒𝐘𝐎: LIBRENG TULI ‼️📢
𝐒𝐀𝐀𝐍: PUTHO TUNTUNGIN BRGY. HEALTH STATION 🏥
𝐊𝐀𝐈𝐋𝐀𝐍: May 21, 2026 🗓️
𝐎𝐑𝐀𝐒: 8:00 AM - 12:00 NN 🕗
𝐏𝐀𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀: Marami pa pong slot. Maaari pa po kayong magpalista kasama ang magulang at inyong anak sa ating Health Station. Para lamang po ito sa may edad 11 anyos, pataas.
13/05/2026
𝐏𝐑𝐄𝐏𝐀𝐑𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐀𝐍𝐃 𝐃𝐄𝐌𝐎𝐍𝐒𝐓𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐎𝐅 “𝐊𝐀𝐋𝐈𝐍𝐆𝐀 𝐏𝐎𝐖𝐃𝐄𝐑”: 𝐀 𝐒𝐮𝐩𝐩𝐥𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭𝐚𝐫𝐲 𝐅𝐨𝐨𝐝 𝐟𝐨𝐫 𝐂𝐡𝐢𝐥𝐝𝐫𝐞𝐧, 𝐏𝐫𝐞𝐠𝐧𝐚𝐧𝐭 𝐖𝐨𝐦𝐞𝐧, 𝐚𝐧𝐝 𝐋𝐚𝐜𝐭𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐌𝐨𝐭𝐡𝐞𝐫𝐬🤰🏻🤱🏻
Noong 𝐌𝐚𝐲𝐨 𝟕, 𝟐𝟎𝟐𝟔, matagumpay na naisagawa sa 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐓𝐮𝐧𝐭𝐮𝐧𝐠𝐢𝐧-𝐏𝐮𝐭𝐡𝐨 𝐒𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐇𝐚𝐥𝐥 ang 𝐒𝐞𝐦𝐢𝐧𝐚𝐫 𝐚𝐧𝐝 𝐖𝐨𝐫𝐤𝐬𝐡𝐨𝐩, patungkol sa 𝐊𝐀𝐋𝐈𝐍𝐆𝐀 𝐏𝐨𝐰𝐝𝐞𝐫 isang 𝐒𝐮𝐩𝐩𝐥𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭𝐚𝐫𝐲 𝐅𝐨𝐨𝐝 na makatutulong sa nutrisyon ng ating mga bata, buntis, at mga inang nagpapasuso.
Ang nasabing programa ay pinangunahan ng ating masisipag na Barangay Nutrition Scholar at dinaluhan ng ilang miyembro at kinatawan ng 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐍𝐮𝐭𝐫𝐢𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐢𝐭𝐭𝐞𝐞 (𝐁𝐍𝐂) bilang bahagi ng ating patuloy na pagsusulong ng mga programang pangkalusugan at pangnutrisyon sa ating komunidad.
Lubos po ang aming pasasalamat kay 𝐌𝐚’𝐚𝐦 𝐂𝐫𝐢𝐬𝐭𝐢𝐧𝐚 𝐒𝐢𝐬𝐨𝐧 sa pagkakataong maibahagi ang kanyang kaalaman at mahahalagang impormasyon tungkol sa importansya at benepisyo ng 𝐊𝐀𝐋𝐈𝐍𝐆𝐀 𝐏𝐨𝐰𝐝𝐞𝐫, gayundin kay 𝐌𝐫𝐬. 𝐕𝐞𝐫𝐨𝐧𝐢𝐜𝐚 𝐁𝐚𝐫𝐜𝐚𝐥𝐚 sa kanyang aktwal na pagtuturo at demonstrasyon ng tamang paghahanda nito para sa mga dumalo.
Bilang inyong lingkod at 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐢𝐭𝐭𝐞𝐞 𝐂𝐡𝐚𝐢𝐫𝐩𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧 𝐨𝐧 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡, 𝐍𝐮𝐭𝐫𝐢𝐭𝐢𝐨𝐧, 𝐚𝐧𝐝 𝐒𝐚𝐧𝐢𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧, buong puso po ang aking suporta at pakikiisa sa mga ganitong inisyatibo na naglalayong mapabuti ang kalusugan at nutrisyon ng ating mga mamamayan, lalo na ng mga sektor na higit na nangangailangan ng ating pag-aaruga at atensyon.
Sa pamamagitan ng kaalaman, tamang nutrisyon, at sama-samang pagkilos, mas napapalakas natin ang pundasyon ng isang malusog na 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐓𝐮𝐧𝐭𝐮𝐧𝐠𝐢𝐧-𝐏𝐮𝐭𝐡𝐨.
11/05/2026
𝐒𝐚𝐧𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐧𝐠 𝐓𝐮𝐧𝐭𝐮𝐧𝐠𝐢𝐧-𝐏𝐮𝐭𝐡𝐨 𝟏𝟎𝐭𝐡 𝐑𝐞𝐠𝐮𝐥𝐚𝐫 𝐒𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧 👨🏻⚖️
(𝟎𝟓-𝟏𝟏-𝟐𝟎𝟐𝟔) 🗓️
Ngayong gabi ay naging makabuluhan at produktibo ang isinagawang 𝐑𝐞𝐠𝐮𝐥𝐚𝐫 𝐒𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧, kung saan masinsinang natalakay ang mga mahahalagang usapin na nakapaloob sa ating mga agenda.
Sa pamamagitan ng bukas na talakayan at pagpapalitan ng mga opinyon, suhestyon, at ideya, mas napalalim ang ating pag-unawa sa mga isyu at hamon na kinakaharap ng ating mga mamamayan at ng ating barangay.
Ang bawat pagpupulong ay nagsisilbing mahalagang pagkakataon upang makabuo ng mga konkretong hakbang, makahanap ng mga naaangkop na solusyon, at patuloy na mapabuti ang mga serbisyong ipinagkakaloob sa ating komunidad.
Asahan po ninyo ang aking patuloy na dedikasyon, malasakit, at tapat na paglilingkod para sa ikauunlad ng 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐓𝐮𝐧𝐭𝐮𝐧𝐠𝐢𝐧-𝐏𝐮𝐭𝐡𝐨.
09/05/2026
𝐅𝐑𝐄𝐄 𝐂𝐇𝐄𝐒𝐓 𝐗-𝐑𝐀𝐘 🏥🚑
Noong 𝐌𝐚𝐲𝐨 𝟕, 𝟐𝟎𝟐𝟔, matagumpay na naisagawa ang 𝐅𝐫𝐞𝐞 𝐂𝐡𝐞𝐬𝐭 𝐗-𝐑𝐚𝐲 sa ating 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 na ginanap sa ating 𝐒𝐩𝐨𝐫𝐭𝐬 𝐂𝐨𝐦𝐩𝐥𝐞𝐱 at 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐒𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧.
Ang programang ito ay naisakatuparan sa pangunguna ng mga kinatawan mula sa 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 (𝐌𝐇𝐎) 𝐚𝐭 𝐃𝐞𝐩𝐚𝐫𝐭𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 (𝐃𝐎𝐇), katuwang ang ating masisipag na 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐖𝐨𝐫𝐤𝐞𝐫𝐬 (𝐁𝐇𝐖), 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐍𝐮𝐭𝐫𝐢𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐥𝐚𝐫𝐬 (𝐁𝐍𝐒), mga 𝐑𝐞𝐠𝐢𝐬𝐭𝐞𝐫𝐞𝐝 𝐍𝐮𝐫𝐬𝐞𝐬 ng ating 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐒𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 na pinamumunuan ng ating 𝐑𝐞𝐠𝐢𝐬𝐭𝐞𝐫𝐞𝐝 𝐌𝐢𝐝𝐰𝐢𝐟𝐞 na si 𝐌𝐚’𝐚𝐦 𝐈𝐫𝐞𝐧𝐞 𝐋. 𝐁𝐚𝐮𝐭𝐢𝐬𝐭𝐚.
Ang mga ganitong aktibidad ay napakahalaga upang matukoy nang mas maaga ang mga posibleng kondisyon o karamdaman sa ating pangangatawan, at upang mas mapangalagaan ang kalusugan ng ating mga mamamayan sa pamamagitan ng maagap na konsultasyon at tamang interbensyon.
Bilang inyong lingkod at 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐢𝐭𝐭𝐞𝐞 𝐂𝐡𝐚𝐢𝐫𝐩𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧 𝐨𝐧 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡, 𝐍𝐮𝐭𝐫𝐢𝐭𝐢𝐨𝐧, 𝐚𝐧𝐝 𝐒𝐚𝐧𝐢𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧, buong puso po ang aking suporta at pakikiisa sa mga programang naglalayong magbigay ng dekalidad at accessible na serbisyong pangkalusugan sa ating lugar.
Taos-puso rin po ang aking pasasalamat sa lahat ng mga naging katuwang at sa ating mga kabarangay na naglaan ng oras upang makiisa at makinabang sa mahalagang programang ito.
Patuloy po nating unahin ang kalusugan, dahil ang isang malusog na komunidad ay pundasyon ng isang maunlad na barangay.
04/05/2026
𝐒𝐚𝐧𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐧𝐠 𝐓𝐮𝐧𝐭𝐮𝐧𝐠𝐢𝐧-𝐏𝐮𝐭𝐡𝐨 𝟗𝐭𝐡 𝐑𝐞𝐠𝐮𝐥𝐚𝐫 𝐒𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧 👨🏻⚖️
(𝟎𝟓-𝟎𝟒-𝟐𝟎𝟐𝟔) 🗓️
𝐔𝐏𝐂𝐎𝐌𝐈𝐍𝐆 𝐇𝐄𝐀𝐋𝐓𝐇 & 𝐍𝐔𝐓𝐑𝐈𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐀𝐂𝐓𝐈𝐕𝐈𝐓𝐈𝐄𝐒:
📍 𝐌𝐚𝐲 𝟕, 𝟐𝟎𝟐𝟔 (𝐓𝐡𝐮𝐫𝐬𝐝𝐚𝐲) | 𝟖:𝟎𝟎 𝐀𝐌
• 𝙁𝙧𝙚𝙚 𝘾𝙝𝙚𝙨𝙩 𝙓-𝙍𝙖𝙮 𝙋𝙧𝙤𝙜𝙧𝙖𝙢
📍 𝐌𝐚𝐲 𝟕, 𝟐𝟎𝟐𝟔 (𝐓𝐡𝐮𝐫𝐬𝐝𝐚𝐲) | 𝟏:𝟎𝟎 𝐏𝐌
• 𝙏𝙋-𝘽𝙁𝙎𝙂 & 𝘽𝙉𝙎 𝙆𝙖𝙡𝙞𝙣𝙜𝙖 𝙋𝙧𝙤𝙙𝙪𝙘𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙒𝙤𝙧𝙠𝙨𝙝𝙤𝙥 𝙖𝙣𝙙 𝙇𝙚𝙘𝙩𝙪𝙧𝙚 𝙬𝙞𝙩𝙝 𝙈𝙖’𝙖𝙢 𝘾𝙧𝙞𝙨𝙩𝙞𝙣𝙖 𝙎𝙞𝙨𝙤𝙣
📍 𝐌𝐚𝐲 𝟖, 𝟐𝟎𝟐𝟔 (𝐅𝐫𝐢𝐝𝐚𝐲) | 𝟔:𝟎𝟎 𝐀𝐌
• 𝙁𝙧𝙚𝙚 𝙈𝙞𝙣𝙞 𝙈𝙚𝙙𝙞𝙘𝙖𝙡 𝙈𝙞𝙨𝙨𝙞𝙤𝙣 𝙛𝙧𝙤𝙢 𝙩𝙝𝙚 𝙊𝙛𝙛𝙞𝙘𝙚 𝙤𝙛 𝙂𝙤𝙫𝙚𝙧𝙣𝙤𝙧 Sol Aragones
Inaanyayahan po namin ang lahat na makiisa at samantalahin ang mga programang ito bilang bahagi ng ating patuloy na pagsusulong ng kalusugan, nutrisyon, at kapakanan ng bawat mamamayan ng ating barangay.