01/06/2026
𝟓𝐓𝐇 𝐑𝐄𝐆𝐔𝐋𝐀𝐑 𝐒𝐄𝐒𝐒𝐈𝐎𝐍 𝐎𝐅 𝐒𝐀𝐍𝐆𝐆𝐔𝐍𝐈𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐓𝐀𝐀𝐍 𝐅𝐄𝐃𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐎𝐅 𝐋𝐎𝐒 𝐁𝐀𝐍𝐎𝐒, 𝐋𝐀𝐆𝐔𝐍𝐀
Isinagawa noong May 14, 2026 ang ika-limang pangkaraniwang na pagpupulong Sangguniang Kabataan Pederasyon ng Los Baños, Laguna para ng ito. Ito ay ginanap sa Session Hall ng Barangay Lalakay. Ang pagpupulong ay pinangunahan ni 𝑲𝒈𝒈. 𝑺𝒂𝒎𝒂𝒏𝒕𝒉𝒂 𝑵𝒊𝒄𝒐𝒍𝒆 𝑨. 𝑩𝒂𝒏𝒂𝒔𝒊𝒉𝒂𝒏-𝑶𝒓𝒕𝒆𝒈𝒂, SK Pederasyon President ng Los Baños, Laguna/ SK Chairperson ng Barangay Anos, at dinaluhan ng mga sumusunod:
Kgg. Vincent Banasihan (SK Chairperson- Barangay Batong Malake)
Kgg. Erica P. Par (SK Chairperson- Barangay Bayog)
Kgg. Catherine D. Eisma (SK Chairperson- Barangay Maahas)
Kgg. Edmund Lloyd E. Velasco (SK Chairperson- Barangay Malinta)
Kgg. Maria Anngela P. Eusebio (SK Chairperson- Barangay Mayondon)
Kgg. Ashley Joy V. Payas (SK Chairperson- Barangay San Antonio)
Kgg. Jessel C. Loria (SK Chairperson- Barangay Tadlac)
Kgg. Joemelyn E. Dela Rosa (SK Chairperson- Barangay Tuntungin Putho)
Bb. Jennica Alexis Orte (SK Secretary- Barangay Lalakay)
Sa pagpupulong na ito, kanilang pinag usapan ang mga sumusunod na agenda:
I. SK Annual Dues
II. COA Reports and Tracker
III. Laguna Intertown League
IV. LRP Basketball League
V. Information Awareness Activity
VI. Public Hearing of the Committee on Peace and Order
VII. Other matters
Hangad ng Sangguniang Kabataan Pederasyon ng Los Baños, Laguna na pagbuklud- buklodin ang bawat barangay sa pagsasagawa ng programa at proyekto na may iisang layunin, palakasin at pagyamanin ang mga Kabataang Los Baños.
16/05/2026
Narito na ang mga schedules para sa ating Sports Clinic ngayong linggo. (May 16-17, 2026)
Siguraduhing alam ninyo ang inyong training day, time, at venue — at huwag mahuhuli!
🔵 Paalala sa lahat ng participants:
✔ Dumating nang mas maaga bago ang inyong schedule
✔ Magsuot ng tamang sports attire
✔ Dalhin ang inyong training essentials
🔵Ang schedule ay maaaring magbago depende sa availability ng venue at iba pang kadahilanan. Ang anumang pagbabago ay agad na ipapaalam.
🔵 Ang mga participants na nakapagbigay ng Profile Form at waiver ang maaaring umattend ng training.
Para sa mga nais pang sumali, maaari po kayo magpunta sa mga nasabing lugar kung saan ninyo gustong mag ensayo at makipag ugnayan sa mga coaches na nakatalaga pa sa inyong sports. Magdala ng valid ID na may proof of residency at valid ID.
22/04/2026
𝐄𝐀𝐑𝐓𝐇 𝐃𝐀𝐘 𝐖𝐀𝐋𝐊𝐀𝐓𝐇𝐎𝐍 𝟐𝟎𝟐𝟔 | April 22, 2026
Bilang pakikiisa sa selebrasyon ng 𝑬𝒂𝒓𝒕𝒉 𝑫𝒂𝒚 2026 "𝑳𝒖𝒏𝒕𝒊𝒂𝒏𝒈 𝑳𝒖𝒏𝒈𝒔𝒐𝒅: 𝑮𝒓𝒐𝒘𝒊𝒏𝒈 𝑮𝒓𝒆𝒆𝒏𝒆𝒓 𝑪𝒊𝒕𝒊𝒆𝒔 𝑻𝒐𝒈𝒆𝒕𝒉𝒆𝒓," nakibahagi ang ilang Sangguniang Kabataan officials sa isinagawang 𝗘𝗮𝗿𝘁𝗵 𝗗𝗮𝘆 𝗪𝗮𝗹𝗸𝗮𝘁𝗵𝗼𝗻. Ito ay ginanap ngayong araw sa University of the Philippines Los Baños sa pangunguna ng 𝘿𝙚𝙥𝙖𝙧𝙩𝙢𝙚𝙣𝙩 𝙤𝙛 𝙀𝙣𝙫𝙞𝙧𝙤𝙣𝙢𝙚𝙣𝙩 𝙖𝙣𝙙 𝙉𝙖𝙩𝙪𝙧𝙖𝙡 𝙍𝙚𝙨𝙤𝙪𝙧𝙘𝙚𝙨 at koordinasyon sa 𝙏𝙖𝙣𝙜𝙜𝙖𝙥𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙎𝙖𝙣𝙜𝙜𝙪𝙣𝙞𝙖𝙣𝙜 𝙆𝙖𝙗𝙖𝙩𝙖𝙖𝙣 𝙋𝙚𝙙𝙚𝙧𝙖𝙨𝙮𝙤𝙣 𝙣𝙜 𝙇𝙤𝙨 𝘽𝙖ñ𝙤𝙨. Kanilang tinahak ang kahabaan mula sa Admin Building (Martin Reyes St.), Makiling Road, Valentin Sajor St., Felix Chinte St., FPRDI, Domingo Lantican Ave., at pabalik sa Admin Building.
Layunin ng gawaing ito na palakasin ang partisipasyon ng mga institusyon at ng mga mamamayan sa adbokasiya na panatilihing malinis at luntian ang daigdig. Gayundin ang pagsulong ng Eco-friendly lifestyle, kung saan parehas na pinagtutuunang importansya ang kalusugan at ang pangangalaga sa kalikasan.
Ang mga barangay na nakibahagi sa nasabing gawain ay ang mga sumusunod:
Sangguniang Kabataan ng Barangay Anos
Sangguniang Kabataan ng Barangay Bagong Silang
Sangguniang Kabataan ng Barangay Batong Malake
Sangguniang Kabataan ng Barangay Lalakay
Sangguniang Kabataan ng Barangay Malinta
Sangguniang Kabataan ng Barangay Timugan
Sangguniang Kabataan ng Barangay Tuntungin Putho
Bilang isa sa mga mandato ng Sangguniang Kabataan, patuloy na makikibahagi ang Sangguniang Kabataan ng Los Baños sa mga gawaing nagsusulong sa pagprotekta at pag aalaga sa ating daigdig at kalikasan.
17/04/2026
𝟒𝐓𝐇 𝐑𝐄𝐆𝐔𝐋𝐀𝐑 𝐒𝐄𝐒𝐒𝐈𝐎𝐍 𝐎𝐅 𝐒𝐀𝐍𝐆𝐆𝐔𝐍𝐈𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐓𝐀𝐀𝐍 𝐅𝐄𝐃𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐎𝐅 𝐋𝐎𝐒 𝐁𝐀𝐍𝐎𝐒, 𝐋𝐀𝐆𝐔𝐍𝐀
Isinagawa noong April 10, 2026 ang ika-apat regular na pagpupulong Sangguniang Kabataan Pederasyon ng Los Baños, Laguna para ng ito. Ito ay ginanap via online. Ang pagpupulong ay pinangunahan ni 𝑲𝒈𝒈. 𝑺𝒂𝒎𝒂𝒏𝒕𝒉𝒂 𝑵𝒊𝒄𝒐𝒍𝒆 𝑨. 𝑩𝒂𝒏𝒂𝒔𝒊𝒉𝒂𝒏-𝑶𝒓𝒕𝒆𝒈𝒂, SK Pederasyon President ng Los Baños, Laguna/ SK Chairperson ng Barangay Anos, at dinaluhan ng mga sumusunod:
Kgg. Shenna M. Callo (SK Chairperson- Barangay Bagong Silang)
Kgg. Vincent Banasihan (SK Chairperson- Barangay Batong Malake)
Kgg. Franzes Madonna D. Tolentino (SK Chairperson- Barangay Baybayin)
Kgg. Erica P. Par (SK Chairperson- Barangay Bayog)
Kgg. John Kyle Pamplona (SK Chairperson- Barangay Lalakay)
Kgg. Catherine D. Eisma (SK Chairperson- Barangay Maahas)
Kgg. Edmund Lloyd E. Velasco (SK Chairperson- Barangay Malinta)
Kgg. Maria Anngela P. Eusebio (SK Chairperson- Barangay Mayondon)
Kgg. Ashley Joy V. Payas (SK Chairperson- Barangay San Antonio)
Kgg. Jessel C. Loria (SK Chairperson- Barangay Tadlac)
Kgg. Wilrose T. Yadao (SK Chairperson- Barangay Timugan)
Kgg. Joemelyn E. Dela Rosa (SK Chairperson- Barangay Tuntungin Putho)
Sa pagpupulong na ito, kanilang pinag usapan ang mga sumusunod na agenda:
I. LIKHA Music and Arts Festival
II. Annual Dues
III. COA Reports
IV. Other Matters
Hangad ng Sangguniang Kabataan Pederasyon ng Los Baños, Laguna na pagbuklud- buklodin ang bawat barangay sa pagsasagawa ng programa at proyekto na may iisang layunin, palakasin at pagyamanin ang mga Kabataang Los Baños.
16/04/2026
𝐀𝐏𝐏𝐑𝐎𝐕𝐄𝐃 𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐒𝐊 𝐀𝐍𝐍𝐔𝐀𝐋 𝐁𝐔𝐃𝐆𝐄𝐓
𝗮𝘀 𝗼𝗳 𝗔𝗽𝗿𝗶𝗹 𝟭𝟯, 𝟮𝟬𝟮𝟲
Sa Bayan ng Los Baños, 𝟏𝟐/𝟏𝟒 na barangays na ang aprubado ang kanilang SK Annual Budget para sa taong 2026.
Ang approval ng SK Annual Budget ay dumaan sa proseso mula sa consultation ng mga programa at proyekto sa Local Youth Development Office, pag-review ng Local Finance Committee , at pagtitibay ng Sangguniang Bayan ng Los Baños. Ang mga halagang nakatala ay mula sa 10% ng pondo ng kanya-kanyang barangay. At siyang ilalaan para sa Sampung (10) Centers of Active Youth Participation, kabilang ang Honoraria ng SK Councilors, SK Secretaries, at SK Treasurers.
Lubos ang pagpapasalamat ng Sangguniang Kabataan Pederasyon ng Los Baños sa lahat ng opisina na tumulong upang matiyak na nailaan sa tamang mga programa at proyekto ang pondo para sa kabataan bago ito pormal na maaprubahan.
Tinitiyak ng Opisina ng SK Federation President sa pangunguna ni 𝑯𝒐𝒏. 𝑺𝒂𝒎𝒂𝒏𝒕𝒉𝒂 𝑨. 𝑩𝒂𝒏𝒂𝒔𝒊𝒉𝒂𝒏-𝑶𝒓𝒕𝒆𝒈𝒂 na palaging palaging bukas ang tamggapan sa mga katanungan at suhestyon at isinasagawa ng bawat SK Councils sa Bayan ng Los Baños ang siyento porsyentong transparency sa paglalaan at paggamit ng pondo ng kabataan.
23/03/2026
𝟑𝐑𝐃 𝐑𝐄𝐆𝐔𝐋𝐀𝐑 𝐒𝐄𝐒𝐒𝐈𝐎𝐍 𝐎𝐅 𝐒𝐀𝐍𝐆𝐆𝐔𝐍𝐈𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐓𝐀𝐀𝐍 𝐅𝐄𝐃𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐎𝐅 𝐋𝐎𝐒 𝐁𝐀𝐍𝐎𝐒, 𝐋𝐀𝐆𝐔𝐍𝐀
Isinagawa noong March 13, 2026 ang ikatlong regular na pagpupulong Sangguniang Kabataan Pederasyon ng Los Baños, Laguna para ng ito. Ito ay ginanap sa Barangay Malinta Session Hall. Ang pagpupulong ay pinangunahan ni 𝑲𝒈𝒈. 𝑺𝒂𝒎𝒂𝒏𝒕𝒉𝒂 𝑵𝒊𝒄𝒐𝒍𝒆 𝑨. 𝑩𝒂𝒏𝒂𝒔𝒊𝒉𝒂𝒏-𝑶𝒓𝒕𝒆𝒈𝒂, SK Pederasyon President ng Los Baños, Laguna/ SK Chairperson ng Barangay Anos, at dinaluhan ng mga sumusunod:
Kgg. Shenna M. Callo (SK Chairperson- Barangay Bagong Silang)
Kgg. John Kyle Pamplona (SK Chairperson- Barangay Lalakay)
Kgg. Catherine D. Eisma (SK Chairperson- Barangay Maahas)
Kgg. Edmund Lloyd E. Velasco (SK Chairperson- Barangay Malinta)
Kgg. Maria Anngela P. Eusebio (SK Chairperson- Barangay Mayondon)
Kgg. Ashley Joy V. Payas (SK Chairperson- Barangay San Antonio)
Kgg. Jessel C. Loria (SK Chairperson- Barangay Tadlac)
Kgg. Joemelyn E. Dela Rosa (SK Chairperson- Barangay Tuntungin Putho)
G. Patrick Arcinue (SK Secretary- Barangay Bayog)
Sa pagpupulong na ito, kanilang pinag usapan ang mga sumusunod na agenda:
I. KKDAT
II. LB Sports Council
III.2024 & 2025 SK Federation Annual Dues
IV. 2026 SK Annual Budget Updates
V. COA Liquidation
VI. SK Oath Taking Ceremony
VII. Other Matters
Hangad ng Sangguniang Kabataan Pederasyon ng Los Baños, Laguna na pagbuklud- buklodin ang bawat barangay sa pagsasagawa ng programa at proyekto na may iisang layunin, palakasin at pagyamanin ang mga Kabataang Los Baños.
18/03/2026
𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐂 𝐒𝐄𝐑𝐕𝐈𝐂𝐄 𝐈𝐒 𝐀 𝑽𝑬𝑹𝑩. “Isinasabuhay. Hindi sapat na ang liderato ay manatili lamang na isang “theoretical exercise.” Ang tunay na antas ng kahusayan ay nasusukat kapag ang lider ay handang lumabas mula sa apat na haligi ng Teorya ng Pamamahala, handang ialay ang sarili, hindi para sa sarili, kundi para sa Bayang Tinatangi.”
—SK President Hon. Samantha Banasihan - Ortega
Pinakamataas na pagkilala mula sa Sangguniang Kabataan Pederasyon ng Los Baños para kina Hon. John Carlo Gubs, Hon. Karl Labarete, at Sir Jimuell Legaspi (former SK Councilor). Sa gitna ng mahigpit na hamon ng sinumpaang tungkulin sa kani-kanilang mga barangay, pinatunayan ninyo na ang pagod at puyat ay maliit na halaga lamang kapalit ng isang dakilang mithiin.
Ang tagumpay ng Los Baños ay hindi lamang bunga ng inyong likas na talento, kundi isang matibay na manipestasyon ng inyong hindi matatawarang disiplina at dedikasyon. Sa huli, ang inyong sakripisyo ay naging saksi na lamang sa mas mataas na mithiin: ang magbigay ng karangalan sa Bayang tinatangi.
Kaya naman buong pagmamalaki ko kayong ipinagyayabang sa bawat sulok ng Los Baños! Mabuhay kayo at ang inyong hindi matatawarang malasakit. Nawa’y patuloy kayong magsilbing tanglaw bilang paalala na ang tunay na liderato ay isinasabuhay, araw-araw, sa maliit man o malaking paraan.
17/03/2026
[𝐄𝐋𝐁𝐈 𝐒𝐀𝐘𝐀𝐖𝐈𝐓 𝐂𝐋𝐈𝐍𝐂𝐇𝐄𝐒 𝐀𝐍𝐈𝐋𝐀𝐆 𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐆𝐑𝐀𝐍𝐃 𝐂𝐇𝐀𝐌𝐏𝐈𝐎𝐍𝐒𝐇𝐈𝐏] The Office of the Sangguniang Kabataan (SK) Federation led by SK President Samantha Banasihan - Ortega extends its highest commendation to ELBI Sayawit Troupe for their stellar performance, clinching the Grand Championship at the 2026 Anilag Level Up Sayawit competition!
Your performance mirrored the relentless spirit of the Kabataang Elbi: fearless, creative, and deeply rooted in our local narrative. In a stage that demanded a “Level Up” of artistry, you didn't just meet the standard; you set it. 🔥🔥🔥
To the performers, the choreographers, and the community that stood behind them through every rehearsal, this victory belongs to you! You have once again proven that Los Baños is the heart of cultural excellence in Laguna.
Thank you for representing our municipality with such brilliance. Continue to move the community, challenge the status quo, and tell our stories through every beat.
Para sa Sining at sa Bayan. Padayon, Los Baños Sayawit!
17/03/2026
𝐀𝐏𝐏𝐑𝐎𝐕𝐄𝐃 𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐒𝐊 𝐀𝐍𝐍𝐔𝐀𝐋 𝐁𝐔𝐃𝐆𝐄𝐓
𝗮𝘀 𝗼𝗳 𝗠𝗮𝗿𝗰𝗵 𝟭𝟲, 𝟮𝟬𝟮𝟲
Sa Bayan ng Los Baños, 10/14 na barangays na ang aprubado ang kanilang SK Annual Budget para sa taong 2026.
Ang approval ng SK Annual Budget ay dumaan sa proseso mula sa consultation ng mga programa at proyekto sa Local Youth Development Office, pag-review ng Local Finance Committee , at pagtitibay ng Sangguniang Bayan ng Los Baños. Ang mga halagang nakatala ay mula sa 10% ng pondo ng kanya-kanyang barangay. At siyang ilalaan para sa Sampung (10) Centers of Active Youth Participation, kabilang ang Honoraria ng SK Councilors, SK Secretaries, at SK Treasurers.
Lubos ang pagpapasalamat ng Sangguniang Kabataan Pederasyon ng Los Baños sa lahat ng opisina na tumulong upang matiyak na nailaan sa tamang mga programa at proyekto ang pondo para sa kabataan bago ito pormal na maaprubahan.
Tinitiyak ng Opisina ng SK Federation President sa pangunguna ni 𝑯𝒐𝒏. 𝑺𝒂𝒎𝒂𝒏𝒕𝒉𝒂 𝑨. 𝑩𝒂𝒏𝒂𝒔𝒊𝒉𝒂𝒏-𝑶𝒓𝒕𝒆𝒈𝒂 na palaging palaging bukas ang tamggapan sa mga katanungan at suhestyon at isinasagawa ng bawat SK Councils sa Bayan ng Los Baños ang siyento porsyentong transparency sa paglalaan at paggamit ng pondo ng kabataan.
07/03/2026
[𝐏𝐀𝐇𝐀𝐘𝐀𝐆] Mariing kinokondena ng opisina ng Sangguniang Kabataan Pederasyon ng Los Baños sa pamumuno ng inyong lingkod ang anumang pahayag o kilos na nagmumula sa mababang uri ng “imahinasyon” ng sinumang nagpapababa sa dignidad ng kababaihan.
Ang ganitong klase ng kaisipan ay walang puwang sa anumang sibilisadong talakayan, lalo na sa loob ng hallowed halls ng Kongreso. Ang mga institusyong tagapagtatag ng batas ay dapat magsilbing ehemplo ng respeto at pagkakapantay-pantay, hindi bilang kanlungan ng mga makalumang pananaw na nagnanais lamang na gawing “object of desire” ang mga babae.
Bilang isang babae, at bilang isang pinuno, mariin kong tinututulan na ang ganitong asal ay maging normal sa mata ng mga kabataan. Ang mga institusyon ay dapat magsilbing ehemplo ng respeto at pagkakapantay-pantay, hindi bilang kanlungan ng pambabastos.
Maligayang buwan ng mga kababaihan! Tandaan: babae ka, hindi babae lang. Ipagdiwang mo ang iyong pagkababae nang may taas-noong dangal.