Municipal Government of Los Baños

Municipal Government of Los Baños

Share

Welcome to the official page of the Municipality of Los Baños. Official Page of the Local Government Unit of Los Baños

Photos from Municipal Government of Los Baños's post 15/11/2022

Nagsagawa ng Enhancement Skills Training for Barangay Tanod ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños, sa pamamagitan ng DILG Los Baños, noong nakaraang Huwebes.

Ito ay bahagi ng patuloy na training ng mga magigiting nating Barangay Tanod mula sa iba't ibang barangay. Mayroong 63 kalalakihan at 4 na kababaihan ang dumalo sa pagsasanay na ginanap sa Multi-purpose Hall at Activity Area ng Munisipyo.

Pinangunahan ni G. Redentor Volpane ng LB Arnis Team ang pagsasanay sa Basic Arnis at nagturo naman si PMAJ Reymond-IV Asistores ng Arrest and Seizure Techniques.

Layunin ng taunang aktibidad na ito na maiangat ang kapasidad ng mga Barangay Tanod sa tamang pagdepensa at pagsaway sa mga taong lumalabag sa batas.

“Bilang katuwang ng pamahaalang bayan at kapulisan, marapat na taglayin nila ang tamang skills upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa kani-kanilang komunidad,” pahayag ni MLGOO Michiko Escalante.


Photos from Municipal Government of Los Baños's post 10/11/2022

Sama-samang nakiisa ang mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños, sa pamamagitan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, sa 4th Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill.

Sabay-sabay na nag-“Duck, Cover, and Hold" ang mga empleyado, upang maipakita ang ating kahandaan sa posibleng pagtama ng lindol sa ating komunidad.



Photos from Municipal Government of Los Baños's post 09/11/2022

Naapektuhan man ng pandemya ang ekonomiya ng ating bansa kabilang ang bayan ng Los Baños ay hindi naman tumigil ang ating Pamahalaang Lokal sa pagsasagawa ng mga programang titiyak sa Food Security and Food Sustainability ng ating bayan.

Kaya naman malaki ang pasasalamat natin sa mga katuwang natin sa print media gaya ng Laguna Courier at The Wednesday Herald sa paglalathala ng balita tungkol sa ating mga programang pang-agrikultura upang maipaabot sa ating mga kababayan ang tungkol dito.


Photos from Municipal Government of Los Baños's post 08/11/2022

My heart made its choice, and it chose you"

Ito ang sigaw ng puso ng ating newlywed couples sa kanilang naging pag-iisang dibdib sa Pamahalaang Bayan ng Los Baños.

Right choice din ang kanilang pagpapakasal sa ilalim ng programang dahil sa munting handog ni Mayor Ton tulad ng:
-Libreng pre-nuptial pictorial
-Intimate wedding backdrop at set up
-Wedding background music
-Wedding token mula kay Mayor Ton Genuino

Para sa civil wedding applications o karagdagang impormasyon, tumawag lamang sa mga numerong (049) 530-2818 local 107/0918-6611-178. Maaari ring bisitahin ang Facebook ng Mcro LB, o magpunta sa ating Municipal Civil Registry Office.


Photos from Municipal Government of Los Baños's post 08/11/2022

Pinamunuan ni Mayor Anthony "Ton" Genuino ang pagbubukas ng exhibit at trade fair sa Munisipyo kahapon. Marka ito ng pag-uumpisa ng selebrasyon ng Annual National Rice Awareness Month.

Sa temang, “Be Riceponsible: A, B, K, D. A Adlay, mais, saba atbp. ay ihalo sa kanin, B Brown rice ay kainin, K Kanin ay huwag sayangin, at D Dapat bigas ng Pilipinas ang bilhin,” mayroong inihandang exhibit na nilahukan ng PhilRice-LB, ATI-4A, DOST-PCAARRD, BIOTECH-UPLB, at RCPC-4A na nagpapakita ng iba’t iba nilang research at makabagong teknolohiya. Makatutulong ang mga ito sa rice industry development ng ating bayan.

Mayroon ring trade fair na nag-aalok ng mga locally produced rice na mabibili lamang sa abot-kayang halaga.

Kaugnay ng selebrasyon, magkakaroon din ng mga aktibidad sa buong buwan ng Nobyembre ang pamahalaang lokal, sa pamamagitan ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor, gaya ng Parol at Poster Making Contest, pamamahagi ng farm inputs, mga pagsasanay at marami pang iba.



07/11/2022

Ang Pamahalang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Mayor Anthony Genuino ay buong pusong nagpapasalamat sa mga kaibigan natin sa print media tulad ng Tribune Post.

Sa pamamagitan nito ay mas malawak namin naipaaabot sa publiko ang mga programa at inisyatibo ng ating Pamahalaang Lokal upang matiyak ang kaayusan at katahimikan sa bayan ng Los Baños sa pamamagitan ng Project MAG (Municipal Action Group).


Photos from Anthony "Ton" Genuino's post 31/10/2022

Patuloy ang paglilibot ni Mayor Ton sa Los Baños para personal na tingnan ang sitwasyon ng mga residenteng apektado ni Bagyong Paeng. Isa na rito ang natumbang poste ng kuryente sa barangay Tuntungin-Putho.

Personal ding nakikipag-ugnayan ang Alkalde sa Meralco para bigyang-pansin ang kawalan ng kuryente sa nasabing lugar, maging sa iba pang barangay.


Photos from Anthony "Ton" Genuino's post 31/10/2022

Ang Lokal na Pamahalaan ng Los Banos sa pangunguna ni Mayor Ton Genuino ay personal na umaksyon kasama ang iba’t-ibang team sa mga kabahayang lubog sa baha para mamahagi ng mga relief goods.

Ayon sa Alkade, gumagawa ang kanyang administrasyon ng konkretong mga plano para sa pang-matagalang solusyon laban sa mga sakuna tulad ng mga super typhoon.



Photos from Anthony "Ton" Genuino's post 30/10/2022

Ang Pamahalaang Bayan ng Los Banos ay naglaan ng lugar para sa libreng charging ng inyong gadgets. Kasalukuyang walang kuryente pa rin sa tahanan ng marami nating kababayan.

Para sa mga nais mag-charge, maaari lamang pumunta sa ground floor ng ating munisipyo.



Photos from Anthony "Ton" Genuino's post 30/10/2022

Ang Pamahalaang Bayan ng Los Banos, sa pamumuno ni Mayor Ton, ay patuloy sa pagpapaabot ng tulong sa mga residenteng wala pa ring supply ng tubig.

Antabayan lang sa inyong barangay ang rasyon ng tubig. Ang lokal na pamahalaan ay ginagawa ang lahat para sa mabilis na pag-aksyon sa mga pangangailangan ng bawat residente sa panahong ito.



29/10/2022

Mga Ka-LB, sama-sama po tayong manalangin sa gitna ng panananalasa ng Bagyong Paeng. Nawa'y patuloy tayong bigyang-gabay at proteksyon ng ating Panginoon.

Ang lokal na pamahalaan ay nakaalerto sa ano mang pangangailangan ng ating mga kababayan.

Para sa emergency situations, maaaring tumawag sa hotline numbers ng Municipal Action Center sa 536-2564, 0919-499-4351 at 0977-850-9357.

Manatiling ligtas, mga Ka-LB.



Want your business to be the top-listed Government Service in Los Baños?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Address


Timugan
Los Baños
4030