BFAR CALABARZON Region

Directions Website Contact the organization

BFAR CALABARZON Region "Tagapagtaguyod ng Malinis at Masaganang Katubigan"

πŸ“’ PAGBATI! πŸŽ‰Ikinagagalak po naming ipaalam na ang mga pangalan na nasa listahan ay mga kwalipikadong aplikante na kukuha...
08/10/2026

πŸ“’ PAGBATI! πŸŽ‰

Ikinagagalak po naming ipaalam na ang mga pangalan na nasa listahan ay mga kwalipikadong aplikante na kukuha ng Fisheries Scholarship Program – Nationwide Qualifying Examination (FSP-NQE) 2026 sa October 10, 2026 (Sabado).

πŸ“ OPISYAL NA TESTING CENTERS:
β€’ BFAR 4A Regional Office – Bambang, Los BaΓ±os, Laguna
β€’ Infanta National High School – Infanta, Quezon
β€’ Panukulan National High School – Panukulan, Quezon
β€’ Sariaya Municipal Hall – Sariaya, Quezon

⏰ MAHALAGANG PAALALA

Oras ng Pagdating: 6:00 A.M.
Oras ng Pagsisimula ng Pagsusulit: 8:00 A.M.

πŸ“Œ Mangyaring dumating nang eksaktong 6:00 A.M. upang maisagawa ang kinakailangang registration, verification, at iba pang proseso bago magsimula ang pagsusulit.

πŸ‘• KINAKAILANGANG KASUOTAN:
β€’ Puting polo shirt o simpleng puting T-shirt
β€’ Pantalon β€” bawal ang punit-punit na pantalon
β€’ Sapatos

πŸŽ’ MGA DAPAT DALHIN:
β€’ Kahit isang (1) balidong ID o katibayan ng pagkakakilanlan
β€’ Itim na bolpen, lapis, at pambura
β€’ Sariling pagkain at tubig, kung kinakailangan

πŸ“£ PAALALA:
Mangyaring sundin ang lahat ng tagubilin at alituntunin ng mga nangangasiwa sa pagsusulit upang maging maayos at mabilis ang proseso.

✨ Maraming salamat po sa inyong pakikipagtulungan!

πŸ“š Good luck sa inyong FSP-NQE 2026!
Kita-kits sa October 10, 2026! πŸ’™πŸŸ

πŸ“Έ PHOTO HIGHLIGHTS | MMK OK Fun Run 2026Mga ngiti, pawis, at makabuluhang hakbang para sa Malinis at Masaganang Katubiga...
08/10/2026

πŸ“Έ PHOTO HIGHLIGHTS | MMK OK Fun Run 2026

Mga ngiti, pawis, at makabuluhang hakbang para sa Malinis at Masaganang Katubigan! πŸƒβ€β™€οΈπŸŒŠπŸŸ

Balikan ang ilan sa mga tagpo mula sa MMK OK Fun Run 2026, kung saan sama-samang tumakbo ang bawat isa tungo sa mas malinis na katubigan at mas masaganang kinabukasan. πŸ’™

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at nakitakbo!

.0

πŸŽ‰ MABUHAY, MGA BAGONG FISHERIES PROFESSIONALS NG 2026! πŸŸπŸŒŠπŸ‡΅πŸ‡­Isang taos-pusong pagbati sa lahat ng matagumpay na nakapasa ...
07/10/2026

πŸŽ‰ MABUHAY, MGA BAGONG FISHERIES PROFESSIONALS NG 2026! πŸŸπŸŒŠπŸ‡΅πŸ‡­

Isang taos-pusong pagbati sa lahat ng matagumpay na nakapasa sa 2026 Licensure Examination for Fisheries Professionals (FPLE)! πŸŽ“πŸ‘

Ang tagumpay na ito ay bunga ng inyong sipag, tiyaga, determinasyon, at dedikasyon sa larangan ng pangisdaan. Higit pa sa isang lisensya at titulo, ang inyong tagumpay ay simula ng isang makabuluhang misyonβ€”ang paggamit ng inyong kaalaman at kakayahan para sa kapakanan ng ating mga mangingisda, pamayanang baybayin, yamang-tubig, at buong sektor ng pangisdaan.
Nawa’y maging bahagi kayo ng patuloy na pagsusulong ng isang mas produktibo, matatag, inklusibo, at sustenableng pangisdaan para sa kasalukuyan at susunod na henerasyon. 🌱🐠
πŸ’™

Mula sa inyong BFAR Family, taos-pusong pagbati at pagpupugay!
Mabuhay ang mga bagong Fisheries Professionals ng 2026! πŸŽ‰
Mabuhay ang ating mga bagong katuwang para sa isang masagan at sustenableng pangisdaan! πŸ‡΅πŸ‡­πŸŸ






05/10/2026

MMK 2.0 OK FUN RUN LIVESTREAM

05/10/2026

MMK 2.0 OK Takbo Para Sa Malinis at Masaganang Katubigan

π—‘π—’π—§π—œπ—–π—˜ 𝗒𝗙 π—©π—”π—–π—”π—‘π—–π—œπ—˜π—¦!!!
01/10/2026

π—‘π—’π—§π—œπ—–π—˜ 𝗒𝗙 π—©π—”π—–π—”π—‘π—–π—œπ—˜π—¦!!!

πŸƒβ€β™‚οΈ πŸŒŠπ“π€πŠππŽ 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 πŒπ€π‹πˆππˆπ’ 𝐀𝐓 πŒπ€π’π€π†π€ππ€ππ† πŠπ€π“π”ππˆπ†π€π! πŸŒŠπŸƒβ€β™€οΈ1,2,3 gow, takbo na!Sama-sama tayong tumakbo, makiisa, at ipak...
23/09/2026

πŸƒβ€β™‚οΈ πŸŒŠπ“π€πŠππŽ 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 πŒπ€π‹πˆππˆπ’ 𝐀𝐓 πŒπ€π’π€π†π€ππ€ππ† πŠπ€π“π”ππˆπ†π€π! πŸŒŠπŸƒβ€β™€οΈ

1,2,3 gow, takbo na!

Sama-sama tayong tumakbo, makiisa, at ipakita ang ating suporta para sa malinis at masaganang katubigan.

Narito ang schedule ng MMK, OK RUN sa bawat rehiyon:

πŸ“ Region 1 β€” October 31, 2026 | 4:00 AM | PPMC, San Fernando City, La Union
πŸ“ Region 2 β€” September 15, 2026 | 4:00 AM | Regional Government Center, Tuguegarao City
πŸ“ Region 3 β€” November 21, 2026 | 4:00 AM | Morong, Bataan
πŸ“ Region 4A – CALABARZON β€” October 6, 2026 | 5:00 AM | San Nicolas, Batangas β€” 5KM San Nicolas BayWalk
πŸ“ Region 5 β€” October 10, 2026 (Tentative) | 3:00 PM | Sawangan Park, Legazpi City
πŸ“ Region 6 β€” September 26, 2026 | 4:00 AM (Registration) | SM City Iloilo Southpoint, Iloilo City
πŸ“ Region 7 β€” September 3, 2026 | 5:00 AM | Calape, Bohol
πŸ“ Region 8 β€” September 14, 2026 | 4:00 AM | Tacloban City β€” Magsaysay Boulevard
πŸ“ Region 10 β€” September 13, 2026 | 5:00 AM | Rio de Oro Boulevard, Puntod Entrance, Cagayan de Oro City
πŸ“ Region 12 β€” September 18, 2026 | 4:30 AM | Calumpang, General Santos City
πŸ“ Region 13 – Caraga β€” September 27, 2026 | 4:00 AM onwards | SM City Butuan
πŸ“ NIR β€” September 27, 2026 | 5:00 AM | Capitol and Lagoon, Bacolod City, Negros Occidental

Para sa karagdagang detalye at mga katanungan, maaaring makipag-ugnayan sa pinakamalapit na BFAR Regional Office. At manatiling nakatutok sa mga susunod na anunsyo, kaganapan, at aktibidad ng MMK.

Para sa iba pang impormasyon, bisitahin ang opisyal na website ng DA-BFAR sa https://www.bfar.da.gov.ph/.

BFAR CALABARZON, 63RD FISH CONSERVATION WEEKLOS BAΓ‘OS, LAGUNA β”‚ Ipinagdiwang ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resource...
22/09/2026

BFAR CALABARZON, 63RD FISH CONSERVATION WEEK

LOS BAΓ‘OS, LAGUNA β”‚ Ipinagdiwang ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) CALABARZON ang 63rd Fish Conservation Week na may temang β€œLusay, Korales, at Bakawan: Yaman ng Karagatan, Masaganang Buhay ng Pamayanan” noong Setyembre 15–16, 2026 sa BFAR Regional Office 4A, Los BaΓ±os, Laguna.

Bilang bahagi ng selebrasyon, nagsagawa ang BFAR CALABARZON ng iba't ibang aktibidad para sa mga mag-aaral mula sa Bambang Senior High School, Maranatha Christian Academy, Colegio de Los BaΓ±os, at Laguna State Polytechnic University.
Kabilang sa mga aktibidad ang QuizCon o Quiz Bee, educational tour, at painting competition, na nagbigay ng pagkakataon sa mga kabataan na maipakita ang kanilang kaalaman, pagkamalikhain, at pagpapahalaga sa yamang-dagat.
Itinampok din sa dalawang araw na pagdiriwang ang iba't ibang booth displays mula sa mga yunit ng BFAR Regional Office 4A at BFAR CALABARZON. Tampok dito ang mga impormasyon tungkol sa mga programa at serbisyong iniaalok ng ahensya, gayundin ang mga produktong may kaugnayan sa food security at sustainable livelihood.

Bilang bahagi rin ng aktibidad, itinampok sa mga booth ang β‚±20 rice mula sa Kadiwa ng Pangulo, gayundin ang mga halaman at binhing ipinamahagi sa pakikipag-ugnayan sa Bureau of Plant Industry (BPI).

Samantala, binigyang-pagkilala rin ng BFAR CALABARZON ang mga empleyadong patuloy na naglilingkod sa ahensya sa pamamagitan ng Loyalty Awards. Iginawad ang parangal sa mga kawani na naglaan ng 10 taon o higit pa ng kanilang serbisyo sa BFAR bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon, katapatan, at patuloy na ambag sa ahensya at sa sektor ng pangisdaan.

Isinagawa rin ang awarding ceremony para sa BFAR Sportsfest, bilang pagkilala sa mga empleyadong nakiisa at nagpakita ng husay, sportsmanship, at camaraderie sa paligsahan.

Sa pamamagitan ng mga gawaing ito, patuloy na itinataguyod ng BFAR CALABARZON ang kamalayan, pagpapahalaga, at pangangalaga sa yamang pangisdaan, habang pinalalakas ang ugnayan sa mga kabataan, kawani, at mga katuwang na institusyon.

𝐖𝐄 𝐀𝐑𝐄 π‡πˆπ‘πˆππ†!!! The Department of Agriculture – Bureau of Fisheries and Aquatic Resources 4A is looking forβ€’ Administra...
21/09/2026

𝐖𝐄 𝐀𝐑𝐄 π‡πˆπ‘πˆππ†!!!
The Department of Agriculture – Bureau of Fisheries and Aquatic Resources 4A is looking for
β€’ Administrative Officer III
β€’ Administrative Assistant III
Interested and qualified applicants should signify their interest in writing. Attach the following documents to the application letter and send to the address below not later than September 25, 2026.

1. Fully accomplished Personal Data Sheet (PDS) with Work Experience Sheet and recent passport-sized or unfiltered digital picture (CS Form No. 212, Revised 2025); digitally signed or electronically signed;
2. Hard copy or electronic copy of Performance rating in the last rating period
(if applicable);
3. Hard copy or electronic copy of proof of eligibility/rating/license; and
4. Hard copy or electronic copy of Transcript of Records.

π’π€πŒπŒπ˜ 𝐀. πŒπ€π‹π•π€π’, π‚π„π’πŽ 𝐕 π‘πžπ π’π¨π§πšπ₯ πƒπ’π«πžπœπ­π¨π«
𝐁𝐅𝐀𝐑 π‘πžπ π’π¨π§ πˆπ•-𝐀
Submit your applications to the Human Resource Management Unit or via e-mail at [email protected]

DA-BFAR CALABARZON adheres to confidentiality and respects the Gender Equality, Disability, and Social Inclusion (GEDSI) Principle, which includes a policy of no discrimination based on age, gender identity, civil status, disabilities, religion, Indigenous group membership, or other similar factors in the implementation of its Human Resource Merit, Selection, and Promotion Plan.

21/09/2026

ππ€ππŽπŽπ‘πˆπ | π’π€πŒπ„ πƒπ€π˜ π„πƒπˆπ“



Sa pagtatapos ng kauna-unahang Women fiSHER Congress, hindi nagtatapos sa dalawang araw ang kuwento ng mga kababaihang mangingisda. Sa halip, nagsisimula ang panibagong yugto ng pagkilos tungo sa pantay na oportunidad, pagkilala, at mas makabuluhang partisipasyon ng kababaihan sa sektor ng pangisdaan.

Mula sa kanilang mga kuwento ng pangarap, katatagan, at tagumpay, patuloy na pinatutunayan ng mga kababaihan na hindi lamang sa apat na sulok ng tahanan umiikot ang kanilang mundo. Sila ay malalakas, madiskarte, at may kakayahang bumangon at humarap sa anumang hamon para sa kanilang pamilya, komunidad, at sektor pangisdaan.

Sa bawat paglalayag, pagnenegosyo, paglikha, at pagsisikap, patuloy na makikiisa ang FishCoRe Project at DA-BFAR sa mga kababaihan ng pangisdaan upang palawakin ang kanilang mga oportunidad at suportahan ang kanilang mga pangarap.

Sapagkat kapag pantay ang karapatan at oportunidad, mas sama-sama at mas mabilis nating maisasagwan ang sektor ng pangisdaan patungo sa mas matatag at inklusibong kinabukasan. Sabay-sabay nating balikan ang makabuluhang dalawang araw ng pagkakaisa, inspirasyon, at empowerment.



Address

Purok 3, Brgy Bambang
Los BaΓ±os
4030

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BFAR CALABARZON Region posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to BFAR CALABARZON Region:

Shortcuts

Share