11/05/2026
𝐁𝐀𝐋𝐈𝐊𝐀𝐍 | Mula sa mga paninindigan tungo sa pagkilos, balikan ang mga pahayag ng mga kandidato ng SAKBAYAN CDC SC para sa tunay na pagsisilbi sa estudyante, pakikinig sa masa, at pakikilaban para sa makamasang edukasyon at nagkakaisang pamantasan. ✊📚
Ang mga ito ay hindi lamang mga salita sa entablado, kundi mga panata ng pagkilos, pananagutan sa tiwala, at pakikiisa sa iisang panawagan. Sa bawat tindig at panawagan, naipapaalala na ang tunay na liderato ay nakaangkla sa kolektibong boses ng sangkaestudyantehan.
06/05/2026
Patuloy ang pag-alab ng militanteng pagkilos ng sangkaestudyantehan kasama ang SAKBAYAN sa pagpapalakas at pagpapalawak ng mga panawagan ng mga kapwa mag-aaral at ng sambayanan. Kaakibat nito ang pagtataguyod ng pinakamalawak na partido-alyansa para sa isang tunay na makabayan, siyentipiko, at makamasang nagsisilbi sa bayan.
Ngayon, narito ang SAKBAYAN CDC upang iharap sa inyo ang hanay ng mga lider-estudyante mula sa Kolehiyo ng Komunikasyong Pangkaunlaran. Sila ang mga lider na handang manindigan, makinig, at kumilos para sa makabuluhang pagbabago.
Higit na kilalanin ang ating mga kinatawan:
❤️🔥 Ivan C. Combate, SAKBAYAN CDC SC Chairperson
❤️🔥 Izabella “Iza” Cruz, SAKBAYAN CDC SC Vice Chairperson
❤️🔥 Alexander Viktor “Tor” Mendoza, SAKBAYAN CDC SC College Representative to the USC
❤️🔥 Nathaniel “Naths” Alvarez, SAKBAYAN CDC SC Councilor
❤️🔥 Althea Lei Itable, SAKBAYAN CDC SC Councilor
❤️🔥 Krystein May “Tein” Magadia, SAKBAYAN CDC SC Councilor
❤️🔥 Judiel Elkan Duke Mediavillo, SAKBAYAN CDC SC Councilor
❤️🔥 Crishna Sofia “Sophie” Morales, SAKBAYAN CDC SC Councilor
❤️🔥 Khen Lawrence “Ione” Natividad, SAKBAYAN CDC SC Councilor
❤️🔥 Shaina Rose “Shai” Tandang, SAKBAYAN CDC SC Councilor
𝐈𝐬𝐤𝐨𝐥𝐚𝐫 𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧, 𝐚𝐭𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐛𝐚𝐧, 𝐚𝐭𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐠𝐮𝐦𝐩𝐚𝐲!
06/05/2026
Taas-kamaong pagsuporta ang ipinaabot ng National Union of Students of the Philippines - Southern Tagalog sa mga sumusunod na lider-estudyante at staff members na makikilahok sa gaganaping UPLB USC-CSC Elections at CvSU CSG Elections:
CAVITE STATE UNIVERSITY
JON ANTHONY GANDULLAS
Running for President
CVSU Central Student Government
GERALD AMBATA
Running for Vice President
CVSU Central Student Government
UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES LOS BANOS:
GABRIEL MATTHEW ZARA
Running for Chairperson
UPLB College of Agriculture and Food Sciences Student Council
JOHN ANDRE ALCALA
Running for Chairperson
UPLB College of Arts and Sciences Student Council
IVAN COMBATE
Running for Chairperson
UPLB College of Development Communication Student Council
RED XAVIER MACARANDANG
Running for Chairperson
UPLB College of Economics and Management Student Council
CHRIS DANIELLE FERRER
Running for Councilor
UPLB College of Economics and Management Student Council
Sa lumalalang krisis pang-ekonomiya, at sa pag-igting ng panunupil sa demokratikong karapatan, ngayon mas lalo't higit nating kinakailangan ng mga lider-estudyante na handang ipagtanggol ang karapatan at kalagayan ng mga estudyante. Naniniwala ang NUSP-ST na ang mga lider-estudyanteng ito ay nagtataglay ng kakayahang pagsilbihan ang sangkaestudyantehan ng UPLB at Cavite State University.
Sama-sama nating ipagtagumpay ang patriyotiko, demokratiko, at progresibong Konseho ng mga Mag-aaral at makibaka tungo sa isang MAKABAYAN, SIYENTIPIKO, AT MAKA-MASANG tipo ng edukasyon.
05/05/2026
Buong puso ang pagtanggap ng SAKBAYAN CDC sa tawag ng tungkulin bitbit ang militanteng diwa na patuloy na pinaaalab ang hangaring isulong ang mga kampanyang isinasaalang alang ang kapakanan at karunungan ng sangkaestudyantehan.
Sumasahimpapawid mula sa kolehiyo ng komunikasyong pangkaunlaran, narito ang mga bumubuo sa SAKBAYAN College of Development Communication Student Council:
❤️🔥 Ivan C. Combate, SAKBAYAN CDC SC Chairperson
❤️🔥 Izabella “Iza” Cruz, SAKBAYAN CDC SC Vice Chairperson
❤️🔥 Alexander Viktor “Tor” Mendoza, SAKBAYAN CDC SC College Representative to the USC
❤️🔥 Nathaniel “Naths” Alvarez, SAKBAYAN CDC SC Councilor
❤️🔥 Althea Lei Itable, SAKBAYAN CDC SC Councilor
❤️🔥 Krystein May “Tein” Magadia, SAKBAYAN CDC SC Councilor
❤️🔥 Judiel Elkan Duke Mediavillo, SAKBAYAN CDC SC Councilor
❤️🔥 Crishna Sofia “Sophie” Morales, SAKBAYAN CDC SC Councilor
❤️🔥 Khen Lawrence “Ione” Natividad, SAKBAYAN CDC SC Councilor
❤️🔥 Shaina Rose “Shai” Tandang, SAKBAYAN CDC SC Councilor
Sa kasalukuyang 𝐔𝐏𝐋𝐁 𝐔𝐒𝐂-𝐂𝐒𝐂 𝐄𝐥𝐞𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬 𝟐𝟎𝟐𝟔, inaanyayahan ang lahat na dumalo at lumahok sa gaganaping 𝘾𝘿𝘾 𝙎𝙩𝙪𝙙𝙚𝙣𝙩 𝘾𝙤𝙪𝙣𝙘𝙞𝙡 𝙈𝙞𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙙𝙚 𝘼𝙫𝙖𝙣𝙘𝙚 ngayong 𝗠𝗮𝘆 𝟱, 𝟮𝟬𝟮𝟲.
𝐈𝐬𝐤𝐨𝐥𝐚𝐫 𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧, 𝐚𝐭𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐛𝐚𝐧, 𝐚𝐭𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐠𝐮𝐦𝐩𝐚𝐲!
02/05/2026
URING MANGGAGAWA, HUKBONG MAPAGPALAYA!
Taas-kamaong nakiisa ang SAKBAYAN CDC sa paggunita ng Pandaigdigang Araw ng Paggawa kahapon, ika-1 ng Mayo, 2026. Kasama ang laksa-laksang hanay ng iba't ibang unyon at mga sektor, binitbit natin ang mga panagawan para sa nakabubuhay na sahod, pagbaba ng presyo ng bilihin, pagtutol sa kontraktwalisasyon, at paggigiit ng karapatan ng bawat manggagawa mula Olivarez Plaza hanggang Crossing Calamba.
Sa kasalukuyan, lantad na lantad ang pagiging tali ng mga kinakaharap na isyu ng mga manggagawang Pilipino sa tatlong salot ng lipunan-- ang imperyalismo, pyudalismo, at burukrata kapitalismo. Nariyan ang patuloy na pagyurak ng mga dambuhalang korporasyon sa batayang karapatan ng mga manggagawa sa patas at nakabubuhay na sahod, ang pangangamkam ng mga lupang ninuno mula sa mga magsasaka, at ang mga patakaran tulad ng 12% VAT at excise tax, na malinaw na patunay ng pagpapasa ng bigat ng krisis sa balikat ng ating mga manggagawa na dati na ngang kuba dahil sa pamamasista ng estado, mas lalo pang kinukuba ng hindi makatao at makatarungang sistema. Sa gitna ng lumalalang krisis pang-ekonomiya dahil sa giyerang agresyon ng imperyalistang US-Israel sa Gitnang Silangan, naniniwala tayo sa SAKBAYAN na ngayon higit kailanman, ay kailangan ng makamasa, demokratiko, at makatarungang pagbabago.
Sa ating pagmartsa nitong Mayo Uno, bitbit natin ang pagkilala at pagpupugay sa uring manggagawa bilang hukbong mapagpalaya. Binigyang pagkilala at pagpupugay ang danas ng mga kaguruan, panadero, tsuper, magsasaka, mangingisda, at lahat ng manggagawa saan mang dako ng bansa. Taas-noo nating kinikilala ang kanilang dakilang kontribusyon sa ating lipunan, higit lalo sa kanilang malaking papel sa ating pakikibaka tungo sa demokratikong lipunan.
Kaya naman, mga Iskolar ng Bayan, ngayon higit kalianman, patuloy nating paigtingin at pagtibayin ang boses ng mga maralita laban sa pamamasista ng estadong nagsisilbi para sa interes ng iilan lamang. Patuloy nating bitbitin ang alab ng militanteng pakikibaka tungo sa makamasang pagbabago. Patuloy nating kondenahin ang bulok na sistemang sumusupil sa pagkamit natin ng ating mga karapatan. Higit lalong ipagpatuloy natin ang paglaban para sa isang lipunang kinikilala ang mga manggagawa bilang maso at karit na magpapanday at mag-aani ng ating tagumpay.
22/04/2026
TINGNAN | Pormal nang naghain ng Certificate of Candidacy (COC) ang mga kandidato ng SAKBAYAN-CDC para sa patakbo sa College of Development Communication Student Council (CDCSC) ngayong Abril 22.
Kabilang sa kasamang kandidato ay sina:
❤️🔥 Ivan C. Combate (SAKBAYAN CDC-SC Chairperson)
❤️🔥 Izabella Aleli “Iza” A. Cruz (SAKBAYAN CDC-SC Vice Chairperson)
❤️🔥 Alexander Viktor “Tor” C. Mendoza (SAKBAYAN CDC-SC College Representative to the USC)
❤️🔥 Nathaniel “Naths” Alvarez (SAKBAYAN CDC-SC Councilor)
❤️🔥 Althea Lei “Lei” R. Itable (SAKBAYAN CDC-SC Councilor)
❤️🔥 Krystein May “Tein” A. Magadia (SAKBAYAN CDC-SC Councilor)
❤️🔥 Judiel Elkan Duke “Duke” Medivillo (SAKBAYAN CDC-SC Councilor)
❤️🔥 Crishna Sofia “Sophie” T. Morales (SAKBAYAN CDC-SC Councilor)
❤️🔥 Khen Lawrence “Ione” P. Natividad (SAKBAYAN CDC-SC Councilor)
❤️🔥 Shaina Rose “Shai” Tandang (SAKBAYAN CDC-SC Councilor)
Bitbit ng mga kandidato ang panawagang nakatahi sa kaunlaran ng komunikasyon at pamamahayag, layuning mapatambol at mabaka ang laban sa tunggaliang namamagitan sa anti-siyentipiko at hindi maka-estudyanteng panukala sa loob ng pamantasan, at mga anti-mamamayang polisiya sa mas malawak na hanay ng lipunan.
Sa harap ng patuloy na mga hamon sa sektor ng edukasyon, inaanyayahan ng SAKBAYAN ang mas malawak na pakikiisa at partisipasyon ng mga estudyante. Ipagpatuloy ang militanteng diwa ng paglilingkod, isang pamumunong hindi lamang kumakatawan kundi aktibong nakikibaka para sa karapatan, kapakanan, at kinabukasan ng bawat iskolar ng bayan.
Alagad ng midya, ipagpatuloy ang militanteng laban hanggang sa tagumpay!
21/04/2026
TINGNAN | Pormal nang naghain ng Certificate of Candidacy (COC) ang Standard Bearers para sa University Student Council (USC)
Bitbit ang mga prinsipyong pro-people at pro-student, pinangunahan nina Zeadric Roxas, ang SAKBAYAN USC Chairperson, at Andrea Jariel, ang SAKBAYAN USC Vice Chairperson, ang pagpapakita ng kanilang kahandaang maglingkod at manindigan para sa mga Iskolar ng Bayan sa gitna ng mga hamon ng panahon.
Bilang mga lider-estudyante, patuloy ang mga panawagan at pagkilos para sa pagkakaroon ng mga kinatawang titindig laban sa mga krisis na sumasakal sa ating komunidad mula sa banta ng demolisyon, kakulangan ng budget sa unibersidad, at sa nalalapit na Chancellor’s selection, hanggang sa epekto ng pagtaas ng presyo ng langis at mga bilihin. Sa sistemang isinasangkalan ang kinabukasan ng mga kabataan sa pamamagitan ng mga bandaid solutions tulad ng 4-Day Work Week at 100% Online classes, higit na kinakailangan natin ng kolektibong pagkilos.
Kaya naman, patuloy ang paglaban para sa ating mga demokratikong karapatan at katarungang panlipunan.
Hindi hiwalay ang ating pakikibaka sa loob ng kampus sa laban ng malawak na masa. Kilalanin at suportahan ang mga susunod na lider na hindi lamang magsisilbi sa opisina, kundi magiging matibay na representante ng sangkaestudyantehan sa pamantasan, at maging sa lansangan!
15/04/2026
𝐃𝐄𝐕𝐂𝐎𝐌𝐌𝐔𝐍𝐈𝐓𝐘, 𝐌𝐀𝐊𝐈𝐈𝐒𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐇𝐀𝐁𝐈 𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐒𝐀𝐘𝐒𝐀𝐘𝐀𝐍! 𝐒𝐔𝐌𝐀𝐌𝐀 𝐒𝐀 𝐒𝐀𝐊𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐂𝐃𝐂! ❤️🔥🔻
Sa gitna ng lumalalang krisis na kinakaharap ng mga mag-aaral at mamamayan—mula sa mga di-siyentipiko, anti-estudyante, at komersyalisadong polisiya sa loob ng pamantasan, hanggang sa panandalian at mapanlinlang na tugon ng isang reaksyunaryo at pabayang estado—lalo lamang luminaw ang ating pangangailangan sa mga 𝐥𝐢𝐝𝐞𝐫-𝐞𝐬𝐭𝐮𝐝𝐲𝐚𝐧𝐭𝐞𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐲 𝐦𝐚𝐭𝐢𝐛𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐧𝐢𝐧𝐢𝐧𝐝𝐢𝐠𝐚𝐧, 𝐦𝐚𝐲 𝐝𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐢𝐥𝐢𝐭𝐚𝐧𝐭𝐞, 𝐚𝐭 𝐭𝐮𝐧𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐤𝐮𝐦𝐚𝐤𝐚𝐭𝐚𝐰𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐢𝐧𝐭𝐞𝐫𝐞𝐬 𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐫𝐚𝐫𝐚𝐦𝐢.
𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐡𝐢𝐰𝐚𝐥𝐚𝐲 𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐫𝐚𝐧𝐚𝐬𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐤𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧𝐠 𝐞𝐬𝐭𝐮𝐝𝐲𝐚𝐧𝐭𝐞 𝐬𝐚 𝐦𝐚𝐬 𝐦𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐤 𝐧𝐚 𝐤𝐫𝐢𝐬𝐢𝐬 𝐧𝐚 𝐤𝐢𝐧𝐚𝐤𝐚𝐡𝐚𝐫𝐚𝐩 𝐧𝐠 𝐢𝐛𝐚’𝐭 𝐢𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐞𝐤𝐭𝐨𝐫 𝐬𝐚 𝐥𝐢𝐩𝐮𝐧𝐚𝐧. 𝐌𝐚𝐥𝐢𝐧𝐚𝐰 𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐢𝐮𝐠𝐚𝐭 𝐢𝐭𝐨 𝐬𝐚 𝐭𝐚𝐭𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐥𝐨𝐭 𝐧𝐚 𝐧𝐚𝐠𝐩𝐚𝐩𝐚𝐡𝐢𝐫𝐚𝐩 𝐬𝐚 𝐬𝐚𝐦𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐚𝐤𝐩𝐚𝐰𝐢𝐬. Sa ilalim ng 𝐢𝐦𝐩𝐞𝐫𝐲𝐚𝐥𝐢𝐬𝐦𝐨, nananatiling kontrolado ng dayuhang interes ang ating politika, kultura, at ekonomiya, hanggang sa edukasyon, kung saan ang karapatang makapag-aral ay ginagawang kalakal. Kasabay nito ay pinatitindi naman ng 𝐩𝐲𝐮𝐝𝐚𝐥𝐢𝐬𝐦𝐨 ang malawak na kahirapan at kawalan ng tunay na reporma sa lupa, dahilan upang maraming pamilyang Pilipino ang manatiling salat at limitado ang akses sa edukasyon. Samantala, pinaiiral ng 𝐛𝐮𝐫𝐮𝐤𝐫𝐚𝐭𝐚 𝐤𝐚𝐩𝐢𝐭𝐚𝐥𝐢𝐬𝐦𝐨 ang sistemang inuuna ang interes ng iilan sa kapangyarihan, habang pinapabayaan ang serbisyong panlipunan at ang kapakanan ng mamamayan.
Sa harap ng mga ito, nananawagan ang Samahan ng Kabataan para sa Bayan CDC (SAKBAYAN CDC), ang pinakamalawak na partido alyansa sa buong UP System, sa lahat ng estudyanteng may diwang makabayan at handang tumindig at lumaban—𝐬𝐮𝐦𝐚𝐦𝐚 𝐬𝐚 𝐡𝐚𝐧𝐚𝐲 𝐧𝐠 𝐨𝐫𝐠𝐚𝐧𝐢𝐬𝐚𝐝𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐥𝐚𝐛𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐤𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧 𝐧𝐚 𝐤𝐮𝐦𝐢𝐤𝐢𝐥𝐨𝐬 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐭𝐮𝐧𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐛𝐚𝐛𝐚𝐠𝐨 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐦𝐛𝐚𝐧𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐥𝐚𝐲𝐚.
Lumabas sa komportable. Panahon na upang tanganan ang responsibilidad. 𝐌𝐚𝐠𝐥𝐢𝐧𝐠𝐤𝐨𝐝, 𝐦𝐚𝐠-𝐨𝐫𝐠𝐚𝐧𝐢𝐬𝐚, 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐤𝐢𝐛𝐚𝐤𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐬𝐚𝐧𝐠𝐤𝐚𝐞𝐬𝐭𝐮𝐝𝐲𝐚𝐧𝐭𝐞𝐡𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐬𝐚𝐦𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧𝐚𝐧.
𝐒𝐚𝐠𝐮𝐭𝐚𝐧 𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐟𝐨𝐫𝐦 𝐬𝐚 𝐢𝐛𝐚𝐛𝐚:
🔗 https://forms.gle/nujBEV58gKXpCPLj8
🔗 https://forms.gle/nujBEV58gKXpCPLj8
🔗 https://forms.gle/nujBEV58gKXpCPLj8
𝗟𝘂𝗺𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀, 𝗹𝘂𝗺𝗮𝗹𝗮𝘄𝗮𝗸, 𝗹𝘂𝗺𝗮𝗹𝗮𝗯𝗮𝗻 — 𝗦𝗔𝗞𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡!
𝗜𝘀𝗸𝗼𝗹𝗮𝗿 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻, 𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗯𝗮𝗻! ✊🏽🔻
07/04/2026
𝙈𝘼𝙂𝙄𝙉𝙂 𝘽𝘼𝙃𝘼𝙂𝙄 𝙉𝙂 𝙎𝘼𝙆𝘽𝘼𝙔𝘼𝙉 𝘾𝘿𝘾!
Sa nalalapit na USC–CSC General Elections, muling nananawagan ang SAKBAYAN CDC—ang pangkolehiyong balangay sa College of Development Communication ng pinakamalawak na partido alyansa sa buong UP System—𝙝𝙖𝙣𝙙𝙖𝙣𝙜 𝙩𝙪𝙢𝙞𝙣𝙙𝙞𝙜, 𝙢𝙖𝙠𝙞𝙗𝙖𝙠𝙖, 𝙖𝙩 𝙢𝙖𝙜𝙡𝙞𝙣𝙜𝙠𝙤𝙙 𝙨𝙖 𝙢𝙖𝙨𝙖.
Hinubog ng kasaysayan ang SAKBAYAN sa tradisyon ng militanteng pagkilos at pamumunong nakaugat sa batayang sektor. Ito ay kolektibong paninindigan laban sa patuloy na pang-aapi ng reaksyunaryong estado at burgis na pamantasan, at patuloy na pakikibaka para sa karapatan at kinabukasan ng mga iskolar ng bayan at iba pang sektor na kasama sa ating kampanya!
𝙆𝙪𝙣𝙜 𝙞𝙠𝙖𝙬 𝙖𝙮 𝙢𝙖𝙮 𝙙𝙞𝙬𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙞𝙡𝙞𝙩𝙖𝙣𝙩𝙚, 𝙠𝙧𝙞𝙩𝙞𝙠𝙖𝙡 𝙣𝙖 𝙥𝙖𝙜-𝙞𝙞𝙨𝙞𝙥, 𝙖𝙩 𝙩𝙪𝙣𝙖𝙮 𝙣𝙖 𝙢𝙖𝙠𝙖𝙗𝙖𝙮𝙖𝙣, 𝙞𝙩𝙤 𝙣𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝙞𝙮𝙤𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙜𝙠𝙖𝙠𝙖𝙩𝙖𝙤𝙣 𝙥𝙖𝙧𝙖 𝙢𝙖𝙠𝙞𝙗𝙖𝙝𝙖𝙜𝙞! Makiisa sa hanay ng mga lider-estudyante-aktibista na hindi kailanman natitinag sa harap ng hamon, at patuloy na lumalaban para sa isang makatarungan at makamasang pamantasan.
Sagutan ang form sa ibaba:
https://forms.gle/aDswB5DRfoYRKHzi9
https://forms.gle/aDswB5DRfoYRKHzi9
https://forms.gle/aDswB5DRfoYRKHzi9
𝙇𝙪𝙢𝙖𝙡𝙖𝙠𝙖𝙨. 𝙇𝙪𝙢𝙖𝙡𝙖𝙬𝙖𝙠. 𝙇𝙪𝙢𝙖𝙡𝙖𝙗𝙖𝙣.
𝙎𝘼𝙆𝘽𝘼𝙔𝘼𝙉!
04/12/2025
‼️ VOTING PERIOD IS NOW ‼️
The voting period for the USC-CSC Special Elections 2025 has now started.
You may access this link or scan the QR code below to cast your vote: halalan.uplb.edu.ph
Iskolar ng bayan, bumoto at magpaboto ngayong Special Elections!
‼️ VOTING PERIOD IS NOW ‼️
The voting period for the USC-CSC Special Elections 2025 has now started.
You may access this link or scan the QR code below to cast your vote: halalan.uplb.edu.ph
Iskolar ng bayan, bumoto at magpaboto ngayong Special Elections!