Barangay San Antonio, Los Baños, Laguna

Barangay San Antonio, Los Baños, Laguna

Share

Official page of Barangay San Antonio, Los Baños, Laguna

26/01/2024

PABATID!

Para sa mga pangalan na nasa listahan sa ibaba, kayo po ay inaabisuhan na kunin ang inyong senior citizen pension ngayong araw ng Biyernes, Enero 26, 2024 sa Treasury office sa Munisipyo.

dalhin lamang po ang inyong SC ID. salamat po

22/01/2024

PABATID!

Para sa kaalaman ng lahat ng naninirahan at motorista na dumadaan sa Patay na Riles, ang daanan sa tulay ay pansamantalang nakasarado at iniiwasan ang pagpasok ng sasakyan dahil sa ongoing project ng Pamahalaang Bayan: Rehabilitation of Drainage Canal at Sitio Sampaguita, Brgy. San Antonio, Los Baños, Laguna.

Inaasahan po namin ang pakikipagtulungan ng bawat isa.

02/01/2024

Para sa kabatiran ng lahat.

"Mga Ka-LB! 🎉

Ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Mayor Ton Genuino ay magsisimula na muli ang Business One Stop Shop o BOSS sa ating minamahal na bayan ng Los Baños! 😊 Ito ay isang magandang balita para sa ating mga negosyante dahil mas mapapadali at mapapabilis ang proseso ng pagkuha at pagrerenew ng business permit! 💼✨

Kaya mga kababayan, halina't kumpletuhin ang mga kinakailangang dokumento at sundan ang schedule ng inyong barangay para sa BOSS. Siguraduhin nating maayos ang ating mga papeles para sa mas madali at maayos na transaksiyon. 📝💪

Manigong Bagong Taon mga ka-LB! 🥳🎆 Magpatuloy tayong magsikap at magtagumpay sa ating mga negosyo! 💼✨

Sama-sama nating ipagdiwang ang bagong taon at ang pagbubukas ng BOSS! 🎉🥳


"

23/11/2023

PABATID!

Ang Philippine Statistics Authority (PSA) ay magsasagawa ng mobile registration ng ePhilID sa ating barangay sa darating na November 29 to December 14 2023. Ito po ay para mabigyan ng pagkakataon ang mga hindi pa nakakapagpa rehistro para sa National ID.

Salamat po.

Photos from Barangay San Antonio, Los Baños, Laguna's post 13/11/2023
11/11/2023
27/05/2023

Mula po sa ating Pamahalaang Barangay San Antonio, Los Baños, Laguna ...
sa mga nais po mag Audition 9yrs old below
punta lang po kayo barangay ngayon mag dala ng birth certificate ng bata at id ng parents...

Photos from Barangay San Antonio, Los Baños, Laguna's post 05/04/2023

Eto po ang listahan at schedule ng mga batang tutulian... bukas sundin po ang nakatalagang oras...

Para po sa kabatiran ng ating mga kabarangay.. ang ating operation tuli po ay first 50 po lamang para po sa ating libreng operasyon at gamot kanina po nagsagawa tayo ng screening, registration at orientation... nauna po ang screening at sumunod po ang registration para sa mga nakapasa sa screening at isinagawa ang orientation.. malinaw po sa aming post sa fb strictly no reservation kaya kung ang ginawa nyo lng po ay nagpalista kayo at hindi ninyo pina screen ang bata at hindi rin po kayo umattend ng orientation di po mapapasama ang bata sa tutulian...
mahalaga po na nascreen ang bata at nakaattend ng orientation ang magulang at bata para sa tamang pangangalaga ng kanilang mga anak dahil alam po natin ang panganib na maaring mangyari kapag napabayaan at wala tayong sapat kaalaman dito. kaya po ung mga di napasama ay mag antabay po tayo sa susunod na anunsyo. ang ating RHU din po ay nagsasagawa ng libreng tuli kaya antabay po tayo sa bakasyon ng mga bata.

Kaya sana po maunawaan nila kung bakit po tayo nagsasagawa ng screening at orientation para din po sa kaligtasan ng bata... at maiwasan ang mga panganib na hatid nito kung tayo ay walang sapat na kaalaman. Para din po sa kaalaman ng lahat ang ating pondo po ay mula sa BCPC 1% FUND halagang 30,000 lamang po dahil maliit ang pondo po nito at mahal na po ang mga gamot at materyales na gagamitin sa pagtutuli kung kayat 1st 50 lamang po ang kayang iacommodate kung nais po nilang makita ang PROGRAM OF WORK NITO BUKAS PO ANG ATING PAMAHALAANG BARANGAY. bukod po sa operasyon at kumpletong gamot 7 days kasama po sa pinondohan ang miryenda po ng batang tutulian para po may laman ang kanilang tiyan sa araw ng operasyon.

konsi Jeckel Mendoza Dimasangal

Want your business to be the top-listed Government Service in Los Baños?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Website

Address


Purok 2
Los Baños
4030