10/05/2025
UPLB University Student Council 4 KABATAAN 💙
𝙋𝘼𝙂-𝘼𝙎𝘼 𝙉𝙂 𝘽𝘼𝙔𝘼𝙉! 𝙆𝘼𝘽𝘼𝙏𝘼𝘼𝙉! 💙💛
Taas-kamaong ine-endorso ng laksa laksang hanay ng mga estudyante ng UPLB ang KABATAAN PARTYLIST—ang nag-iisa, tunay, at natatanging representante ng kabataan sa Kongreso!
Sa gitna ng lumalalang krisis sa edukasyon, sa harap ng tuloy-tuloy na red-tagging, budget cuts, at militarisasyon ng mga pamantasan, tumitindig ang mga estudyante ng UPLB para sa kinatawang hindi kailanman naging tahimik, hindi kailanman naging kasabwat, at hindi kailanman iniwan ang masang Pilipino lalo na ang mga mag-aaral.
Noong 25 Abril 2025, nagtipon ang iba’t ibang lider-estudyante ng UPLB sa 10th Council of Student Leaders, kung saan kinilala ng mga mag-aaral ang bilang tunay na kinatawan ng kabataan sa Kongreso. Sa mga nagdaang taon, naging pangunahing tagapagtaguyod ang KPL ng mga makabuluhang panukalang batas gaya ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act na sa esensya libreng edukasyon sa state universities and colleges at tinatamasa ngayon ng libo-libong estudyante. Isinusulong din nila ang Students’ Rights Bill upang tiyakin ang kabutihan at kagalingan ng mga mag-aaral, at ang Anti-’No Permit, No Exam’ Law na layuning alisin ang patakarang naglilimita sa mga estudyanteng hindi pa bayad ang matrikula.
Ngayong araw din, naghain ang Kabataan Partylist Southern Tagalog, katuwang ang National Union of Students of the Philippines - Southern Tagalog, ng position paper na nananawagan sa pagbabalik ng academic calendar sa Hunyo hanggang Marso bilang tugon sa tumitinding init ng panahon. Ang mga hakbanging ito ay patunay ng patuloy na paninindigan ng KPL para sa karapatan, kapakanan, at kinabukasan ng kabataang Pilipino.
Dito sa Timog Katagalugan, dama ang presensya ng sa pamamagitan ng kanilang konkretong pagkilos para sa kabataan. Noong 2021, ibinahagi ng KPL sa Kongreso ang Safe Haven Resolution kasama ang Defend UP Network bilang mekanismo upang protektahan ang mga progresibong indibidwal laban sa atake sa kalayaan sa pamamahayag at kalayaang pang-akademiko. Pagsapit ng 2023–2024, isinulong ng KPL–ST ang ST Five-Point Student Demands na tumugon sa mga pangunahing isyu ng mga estudyante sa rehiyon. Sa kanilang muling pagtakbo, dala nila ang 10-Point Youth Agenda, platapormang nakatuon sa edukasyon, trabaho, pambansang soberanya, tunay na repormang agraryo, kalusugan, batayang serbisyo, hustisya, kapayapaan, aksyong pangklima, at pagsugpo sa diskriminasyon sa kasarian. Ito ay dahil kinikilala ng KPL na ang kabataan ay nahahati pa sa iba't ibang sektor gaya ng mga kabataang manggagawa, magsasaka, estudyante, kababaihan, LGBTQ+, at iba pa.
Ang KABATAAN PARTYLIST ay hindi lamang naninindigan, bagkus ay mangahas na nagmumulat, nag-oorganisa at nagpapakilos din. Sa laban para sa libre at aksesibleng edukasyon, demokratikong espasyo, karapatan ng mga estudyante, at hustisya para sa mamamayan, andiyan ang KPL—kinokonsolida ang lakas ng kabataan para ating mapanindigan ang pagiging pag-asa ng bayan.
Hindi ito simpleng suporta. Ito’y paninindigang galing sa hanay ng mga Iskolar ng Bayan. Suportang may kasaysayan, may laman, at may panata.
Ipaglaban ang edukasyon. Ipaglaban ang karapatan. Ipanalo ang kabataang lumalaban. Ipanalo ang !