07/10/2026
𝟔𝟎𝐭𝐡 𝐑𝐞𝐠𝐮𝐥𝐚𝐫 𝐒𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧
𝐎𝐜𝐭𝐨𝐛𝐞𝐫 𝟓, 𝟐𝟎𝟐𝟔
𝐌𝐨𝐧𝐝𝐚𝐲
𝗦𝗕 𝗦𝗘𝗦𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗛𝗜𝗚𝗛𝗟𝗜𝗚𝗛𝗧𝗦 | 𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢 • 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡 • 𝗟𝗢𝗦 𝗕𝗔Ñ𝗢𝗦 𝗣𝗥𝗜𝗗𝗘
𝗚𝗔𝗥𝗕𝗔𝗚𝗘 𝗧𝗥𝗨𝗖𝗞𝗦, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚-𝗨𝗦𝗔𝗣𝗔𝗡!
Inulat ng Committee on Environment ang mga hakbang para maresolba ang problema sa mga garbage trucks na nakabinbin at maibalik sa serbisyo para mapakinabangan muli ng bayan.
𝗞𝗔𝗠𝗣𝗘𝗢𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡!
Pagbati po sa ating U17 at U25 Laguna Intertown Basketball Tournament Teams na kapwa nag-uwi ng 1st Place sa Laguna Sports Complex Gymnasium, Sta. Cruz, Laguna! Isang malaking karangalan para sa ating Bayan ng Los Banos.
𝗟𝗕 𝗣𝗥𝗜𝗗𝗘 𝗦𝗔 𝗕𝗢𝗗𝗬𝗕𝗨𝗜𝗟𝗗𝗜𝗡𝗚!
Bumisita rin sa Sangguniang Bayan si Mr. Khier Andrei Abubakar ng Brgy. Anos, na kalahok sa Athlene Natural Championship 2026 – Bodybuilding Competition ngayong Oct. 9–10 sa Palacio de Manila.
Mula Session Hall hanggang sports arena, patuloy ang suporta para sa serbisyo, kabataan, at mga atletang ipinagmamalaki ng Los Baños.
Isang Makakalikasan at Isang Makatarungang Araw po sa ating lahat at Mabuhay ang Bayan ng Los Banos!