08/06/2026
ADVISORY!
EMERGENCY WATER SERVICE INTERRUPTION
ACTIVITY HOURS/DATE: June 8, 2026 (10:00 PM) hanggang June 9, 2026 (03:00 AM)
AFFECTED AREAS:
Timugan Purok 4, 5, 7
Pinapayuhan ang lahat na mag-imbak ng sapat na tubig upang may pansamantalang magamit sa oras ng aktibidad.
Samantala, kung kayo po ay may mga katanungan at nais ipagbigay alam, maaari kayong tumawag sa aming customer service hotline o di kaya ay mag private message sa aming page.
Maraming salamat po sa patuloy na pangunawa.
Los Banos Office - 09985853723/09190616163
Calauan Office - 09988875310
08/06/2026
Naghatid ng saya at suporta sa mga mag-aaral na Los Bañense ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa isinagawang pamamahagi ng school supplies para sa mga Pre-Elementary at Grade 1 students nitong Hunyo 8, 2026 (Lunes) sa Los Baños Central Elementary School, Lalakay Elementary School, at Tadlac Elementary School. Pinangunahan ang programa nina Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon at Hon. Vice Mayor Marlo PJ A. Alipon, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Barangay na sina Hon. Miko C. Pelegrina, Hon. Aldous Amiel B. Perez, Hon. Muriel Laisa B. Dizon, Hon. Leren Mae M. Bautista, Hon. Rand Edouard R. De Jesus, Hon. Myla E. Alinsunurin, at Hon. Jay A. Rolusta, gayundin si SK Federation President Samantha Banasihan Ortega. Ito ay pagpapatuloy ng programang Abante Kabataan, Abante sa Kaalaman School Supplies Distribution 2026” sa pangunguna ng Local Youth Development Office na pinamumunuan ni Ms. Revilyn Perez, OIC-LYDO.
Naging katuwang sa matagumpay na pagsasagawa ng aktibidad si Ms. Roderica Camacho, Education Program Supervisor, SDO Laguna at Dr. Soledad Villanueva, Public School District Supervisor (PSDS) ng Department of Education (DepEd) Los Baños, kasama ang mga g**o at school aides ng mga nabanggit na paaralan. Bahagi ang programang ito ng patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan na suportahan ang edukasyon at matulungan ang mga mag-aaral sa kanilang paghahanda para sa panibagong taong panuruan, tungo isang mas maayos at mas maliwanag na kinabukasan.
08/06/2026
Pinangunahan ng Barangay Bayog ang Weekly Flag Raising Ceremony nitong Hunyo 8, 2026 sa Pamahalaang Bayan ng Los Baños. Sa kanyang ulat, ibinahagi ni Punong Barangay Eduardo E. Delminguez ang mga programa at tagumpay ng kanilang barangay. Dinaluhan ito nila Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, at Hon. Vice Mayor Marlo PJ A. Alipon, kasama ang mga miyembro NG Sangguniang Bayan na sina Hon. Miko C. Pelegrina, Hon. Aldous Amiel B. Perez, Hon. Muriel Laisa "Mec" B. Dizon, Hon. Leren Mae M. Bautista, Hon. Rand Edouard R. De Jesus, Hon. Myla E. Alinsunurin, Hon. Jay A. Rolusta, at SK Federation President Samantha Banasihan Ortega.
Ipinahayag naman ni Municipal Health Officer Dr. Alvin A. Isidoro ang pagsasagawa ng Dugong Bayani Blood Donation Activity sa Hunyo 12 sa Municipal Activity Area, habang inanunsyo ni Public Safety Officer Edilco Abad ang Libreng Sakay Program gamit ang E-Vehicles mula Hunyo 8 hanggang Hulyo 8, 2026 sa iba’t ibang ruta sa Los Baños. Bilang pakikiisa sa Pandaigdigang Pride Month, pinangasiwaan ni Gender and Development Officer Karen L. Mercado ang pag-unveil ng Rainbow Flag sa municipal entrance na pinangunahan ni Mayor Nocon at iba pang mga opisyal.
Ibinahagi naman ni Konsehala Mec Dizon ang nalalapit na Fashion Show tampok ang Philippine Textiles and Fabrics mula sa Natural Plant Species sa pakikipagtulungan ng Philippine Textile Research Institute (PTRI) at Department of Science and Technology (DOST), na gaganapin sa Hunyo 19 sa Sunset at the Park sa General Paciano Rizal Park. Magkakaroon din ng exhibit tampok ang mga obra mula Hunyo 15–18. Samantala, iniulat ni Queenshala Leren Mae M. Bautista ang matagumpay na Misa at Musika sa Mercado sa Batong Malake Public Market at inimbitahan ang publiko na suportahan ang programang ito na gaganapin tuwing unang Sabado ng buwan.
Sa kanyang mensahe, hinikayat ni Mayor Nocon ang lahat na makiisa sa ika-128 taong pagrdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12 sa Old Municipal Building, tampok ang Flag Raising Ceremony at theatrical reenactment ng kasaysayan ng kalayaan sa pamamagitan ng The Artist Inc. Nagtapos ang programa sa pagbabasbas ng mga E-Vehicles para sa Libreng Sakay. Dinaluhan din ito ng mga Department at Unit Heads sa pamumuno nina Municipal Administrator Atty. Virgilio Tiongson at Chief of Staff Mr. Anatoly “Pong” Guinto, mga kinatawan ng DILG (PNP, BFP, BJMP), PCG, BSP, GSP, at iba pang kawani ng pamahalaan, bilang pagsusulong ng Serbisyong Diretso sa Tao para sa patuloy na pag-abante ng bayan ng Los Baños.
08/06/2026
📚✨ Balik Eskwela na, Los Baños!
Panibagong taon, panibagong kaalaman, at panibagong mga pangarap ang ating haharapin. Sa bawat pagpasok ng ating mga mag-aaral, dala nila ang pag-asa para sa mas maliwanag na kinabukasan.
Handa na ba kayo? Tara na at sama-sama nating simulan ang isang ligtas, masaya, at makabuluhang school year!
07/06/2026
MISA AT MUSIKA SA MERCADO
Naging sentro ng pagkakaisa ang bagong-renovate na Batong Malake Public Market sa isinagawang “Misa at Musika sa Mercado” nitong Hunyo 6, 2026 (Sabado). Pinangunahan ni Rev. Fr. Diwane B. Cacao ng San Antonio De Padua Parish ang Banal na Misa, na dinaluhan nina Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, Queenshala Hon. Leren Mae Bautista, Hon. Jay Rolusta, mga Department Heads ng Pamahalaang Bayan, at mga mamamayan ng Los Baños.
Matapos ang misa, nagbigay ng masiglang pagtatanghal ang Afterclass Band, na naghatid ng musika at kasiyahan sa mga dumalo. Naging pagkakataon din ang programa upang higit na mapalakas ang ugnayan, pananampalataya, at pagkakaisa ng komunidad sa loob ng pamilihan.
Naging matagumpay ang aktibidad sa pangangasiwa ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños, katuwang ang Municipal Economic Enterprise - Market sa panguguna ni Market Supervisor Mr. Jonard Pua at ng Municipal Tourism Office, bilang bahagi ng patuloy na pagbibigay-buhay sa Batong Malake Public Market bilang sentro hindi lamang ng kalakalan kundi pati ng mga gawaing nagbubuklod sa mga mamamayan.
06/06/2026
LIBRENG SAKAY PARA SA BALIK-ESKWELA 2026!
Bilang suporta sa ligtas at maginhawang pagbabalik-eskwela, at pangalagaan ang ating kapaligiran sa pamamagitan ng makabago at mas luntiang transportasyon, inilulunsad ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, sa pamamagitan ng Public Order and Safety Office (POSO) at Operation Center (OPCEN), at pakikipagtulungan ng Department of Education (DepEd), ang programang Libreng Sakay gamit ang E-Vehicles mula Hunyo 8, 2026 (Lunes) hanggang Hulyo 8, 2026 (Miyerkules), tuwing 6:00 AM–9:00 AM at 3:00 PM–6:00 PM.
Saklaw ng programa ang mga rutang:
• Municipal Hall, Brgy. Timugan hanggang U.P. Gate via National Road (Vice Versa)
• Poblacion Market hanggang Malinta at Mayondon (Vice Versa)
• Municipal Hall, Brgy. Timugan hanggang Lalakay at Tadlac (Vice Versa)
• Old Caltex Station hanggang Maahas via National Road (Vice Versa)
• 7-Eleven Bangkal Extension hanggang Bayog (Vice Versa)
Hangad ng programang mabawasan ang gastusin sa pamasahe at matiyak ang maayos na pagpasok at pag-uwi ng mga estudyante at mamamayan. Patuloy na isinusulong ng lokal na pamahalaan ang mga programang nagbibigay ng ligtas at serbisyong diretso para sa bawat Los Bañense, tungo sa isang matagumpay at maayos na Balik-Eskwela 2026.
05/06/2026
𝑫𝒐𝒏𝒂𝒕𝒆 𝒃𝒍𝒐𝒐𝒅, 𝑺𝒂𝒗𝒆 𝒍𝒊𝒗𝒆𝒔!🩸
Sa 𝗶𝗸𝗮-𝟭𝟮𝟴 𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗶𝗯𝗲𝗿𝘀𝗮𝗿𝘆𝗼 𝗻𝗴 𝗔𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗹𝗮𝘆𝗮𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝘀, gaganapin ang 𝗗𝘂𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻𝗶: 𝗕𝗹𝗼𝗼𝗱 𝗗𝗼𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗔𝗰𝘁𝗶𝘃𝗶𝘁𝘆 🇵🇭
🗓️ June 12, 2026 (Friday)
⏰ 8:00am to 2:00pm
📍Activity Area, Los Baños Municipal Hall
Magkita-kita tayo sa araw na ito, mga Dugong Bayani ng Los Baños!