25/08/2022
DSWD REGION IV-A EDUCATIONAL ASSISTANCE ADVISORY
[Para sa mga updates, sundan ang post ng DSWD Region IV-A: https://www.facebook.com/photo/?fbid=376163788022911&set=a.164321512540474]
--
PARA PO SA MGA RESIDENTE NG CALABARZON NA NAIS MAG-APPLY NG EDUCATIONAL ASSISTANCE:
PAKIBASA PO NANG BUO ANG POST NA ITO:
Para sa mga nais mag-apply ng educational assistance mula sa DSWD, narito ang proseso para sa rehistrasyon sa DSWD Field Office IV-A upang maging maayos ang sistema at maiwasan ang pag-ipon ng maraming tao sa mga opisina ng DSWD:
1. Mag-register gamit ang link o QR code na nasa baba. Siguruhing tama ang mga detalye, lalong lalo na ang cellphone number.
2. Hintayin ang text message mula sa DSWD Field Office IV-A para sa confirmation ng inyong registration at schedule at lokasyon ng inyong assessment.
3. Tumungo sa lokasyon at schedule ng assessment na nakasaad sa text message na matatanggap.
4. Magdala ng valid ID at ang mga requirements na nakalista sa text message.
Paalala: Ang prosesong ito ay para sa mga taga-CALABARZON (Cavite, Laguna, Rizal, Batangas, Quezon) lamang.
Maraming salamat po
REGISTRATION LINK: https://forms.gle/Y6AExQQWwyjkx89B7
*Ang registration po ay tuluy-tuloy hanggang September 23. P'wede pong magrehistro sa ibang oras o ibang araw upang hindi magkaroon ng 'traffic' sa online registration.
*Dahil sa sabay-sabay na pagrerehistro ng publiko, mayroong mga nakararanas ng delay sa pag-reregister sa link. Ang inyong pasensya ay aming hinihiling, at kung maaari ay sumubok muli sa ibang oras. Maraming salamat po
Para sa mga katanungan ukol sa programa, mangyaring makipag-ugnayan sa DSWD Region IV-A.

09/09/2020
14/05/2020
29/04/2020
22/03/2020
16/02/2020
20/06/2019
24/05/2019