17/09/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ (๐๐๐๐) ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐
๐๐๐๐๐๐๐ - ๐๐๐๐
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ (๐๐๐) ๐๐๐๐๐๐๐ ๐
Dinalaw ng Philippine Multi-Sectoral Nutrition Project (PMNP) โ Regional Project Management Office (RPMO) CALABARZON ang tanggapan ng ating Punong Bayan, Atty. Ramon A. Orfanel, upang ilahad ang resulta ng isinagawang Internal Verification ng Household Convergence Scorecard (HCSC) sa sampung barangay ng Catanauan. Kasama rin sa pagpupulong si ๐๐ข๐๐ ๐๐๐ฒ๐จ๐ซ ๐๐๐ง๐ฎ๐๐ฅ ๐. ๐๐จ๐ง๐ญ๐๐ง๐จ.
Bago ang paglalahad ng resulta, nagsagawa ang RPMO team ng house-to-house validation sa mga nabanggit na barangay upang matiyak ang katumpakan ng mga datos na nakalap ng Community Volunteer Workers (CVWs), na binubuo ng mga Barangay Nutrition Scholars (BNS) at Barangay Health Workers (BHWs).
Kabilang sa mga barangay na isinailalim sa validation ang ๐๐จ๐. ๐, ๐๐จ๐. ๐, ๐๐จ๐. ๐๐, ๐๐๐ฆ๐๐ง๐๐ข๐ข๐ฌ๐จ๐ง, ๐๐๐ฐ๐๐ฒ๐๐ง๐ข๐ง ๐๐๐๐๐, ๐๐จ๐จ๐ง๐ ๐๐ง ๐๐๐๐๐, ๐๐จ๐จ๐ง๐ ๐๐ง ๐๐ฅ๐๐ฒ๐, ๐๐๐๐๐ง๐๐๐ง๐ ๐๐๐๐๐ง๐ ๐๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐ง, ๐๐๐ง ๐๐ฌ๐ข๐๐ซ๐จ, ๐๐ญ ๐๐๐ง ๐๐จ๐ฌ๐ ๐๐ง๐ฒ๐๐จ.
Layunin nito na malaman kung ang mga datos tungkol sa bawat household ay tumutugma sa aktuwal na kalagayan ng mga pamilya, kabilang na ang kanilang access sa iba't ibang serbisyo at programa mula sa pamahalaan at lokal na pamahalaan. Partikular na binibigyang-pansin ang kalagayan ng mga buntis, mga nagpapasusong ina, at mga batang limang taong gulang pababa.
Maganda ang naging resulta ng pagsusuri sa Bayan ng Catanauan. Dahil dito, kabilang ang Catanauan sa mga mabibigyan ng PBG Tranche 3 mula sa PMNP.
Ayon din sa ulat ng RPMO CALABARZON, nangunguna ang Catanauan sa ๐๐๐๐ ๐๐๐ซ๐ข๐๐ข๐๐ ๐๐จ๐ฏ๐๐ซ๐๐ ๐ para sa ๐๐ฎ๐๐ซ๐ญ๐๐ซ ๐ ๐๐๐ญ๐ ๐๐จ๐ฅ๐ฅ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง.
Patunay ito sa patuloy na pagtutulungan ng ating mga barangay, CVWs, BNS, BHWs, at ng lokal na pamahalaan upang masubaybayan ang kalagayan ng ating mga pamilya at masiguro na nakararating sa kanila ang mga serbisyong kanilang kailangan.