18/10/2026
🤝🚂 TULONG PANGHANAPBUHAY PARA SA MGA PAMILYANG APEKTADO NG PNR SOUTH LONG HAUL PROJECT SA CANDELARIA, QUEZON!
Nagsanib puwersa ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP), Department of Labor and Employment (DOLE), at ang Lokal na Pamahalaan ng Candelaria, Quezon upang magpaabot ng agarang tulong at suporta sa ating mga kababayang naapektuhan ng PNR South Long Haul Project.
Nitong nakaraang Oktubre 15, 2026, matagumpay na isinagawa ang payout para sa programang TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Workers) sa Barangay Mangilag Sur Covered Court. Mahigit 800 benepisyaryo mula sa apat (4) na apektadong barangay ang nakatanggap ng sweldong nagkakahalaga ng ₱6,000 bawat isa, na may kabuuang ₱4,800,000. 💸✨
Personal na dinaluhan at sinaksihan ang naturang pamamahagi nina PCUP Chairperson Usec. Michelle Anne "Che-Che" B. Gonzales at Office of the Cabinet Secretary Usec. Atty. Bret Monsanto, kasama ang mga kinatawan mula sa DOLE at LGU Candelaria.
🌱 Sa loob ng sampung (10) araw, buong-pusong nakiisa ang mga benepisyaryo sa iba't ibang gawaing pangkomunidad tulad ng community gardening, pagtatanim ng mga puno, at pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa kani-kanilang pamayanan.
Sa pangunguna at inisyatiba ni DOLE Secretary Francis N. TOLentino, patuloy na tinutupad ng programang ito ang pangakong magbigay ng mahahalagang suporta sa kabuhayan at pansamantalang trabaho sa ating mga masisipag na manggagawang Pilipino.
Maraming salamat sa inyong sipag, dedikasyon, at paglilingkod sa bayan!
Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, hindi lamang naipagkaloob ang pansamantalang trabaho at karagdagang kita para sa mga pamilya, kundi naging katuwang din sila sa pagpapaganda at pangangalaga sa kapaligiran ng bayan ng Candelaria.
Patuloy ang maayos na pakikipag-ugnayan at pagtutulungan ng PCUP, DOLE, at LGU Candelaria upang matiyak na sa gitna ng modernisasyon at pag-unlad ng imprastraktura, protektado at hindi maiiwanan ang kapakanan at kabuhayan ng ating mga mamamayan. 🤝❤