Southern Luzon Command, AFP

Directions Contact the organization

Southern Luzon Command, AFP The Official page of the Southern Luzon Command, Armed Forces of the Philippines. This is your AFP's story in CALABARZON, MIMARO & Bicol Region

SOLCOM Welcomes Newly Assigned Personnel, Recognizes Outstanding Units, and Commends Newly Promoted Civilian Human Resou...
08/10/2026

SOLCOM Welcomes Newly Assigned Personnel, Recognizes Outstanding Units, and Commends Newly Promoted Civilian Human Resources

Camp Guillermo Nakar, Lucena City — 05 October 2026 — The Southern Luzon Command, Armed Forces of the Philippines (SOLCOM), welcomed newly assigned personnel, recognized outstanding units for their contributions to the Command, and witnessed the oath-taking of newly promoted Civilian Human Resources during its regular Flag Raising Ceremony held at Headquarters SOLCOM.

During the ceremony, COMMODORE MARCO N BUENA PN, Deputy Commander, SOLCOM, formally welcomed LTC HAZ VINCENT M RAMONEDA PA and SMS ARIEL F. COBARDO PA as they joined the Command. He expressed confidence that their expertise, dedication, and commitment to duty will further strengthen SOLCOM’s capabilities in accomplishing its mission.

The Command also presented Certificates of Recognition to representatives from the Tactical Operations Wing, Southern Luzon, Philippine Air Force, and the 401st Ready Reserve Infantry Battalion, Reserve Command, Philippine Army, in recognition of their exemplary performance, dedication, and unwavering commitment to strengthening the AFP Reserve Force in Southern Luzon.

The recognition underscored the vital role of the Reserve Force in augmenting the AFP’s operational capabilities and enhancing the Command’s readiness to respond effectively to various security and humanitarian challenges within its area of responsibility.

Meanwhile, Ms. Jill A. Nollido, CivHR, took her oath of office following her well-deserved promotion. Her oath-taking signified her renewed commitment to uphold the highest standards of integrity, professionalism, and excellence in the performance of her duties as a member of the AFP civilian workforce.

In his message, COMMODORE BUENA conveyed the message of LTGEN CERILO C. BALAORO JR PA, Commander, SOLCOM, congratulating the newly assigned personnel and recognizing the valuable contributions of the Command’s civilian workforce and reserve units.

“This morning, we welcome two (2) newly assigned personnel who will carry the responsibilities that come with being part of the “Pangkat ng Magigiting”. I am confident that your contributions will further strengthen our collective efforts and enable us to meet the demands of our mission with greater purpose and determination.”

“To our Civilian Human Resources, whose dedication and professionalism sustain the day-to-day operations of this Command, I extend my heartfelt congratulations to Ms. Jill A. Nollido and Ms. Farrah Jane N. Villamayor on your well-deserved promotions. May your advancement inspire you to further excel in the performance of your duties and continue serving with integrity and excellence.”

“I likewise express my deepest appreciation to the Tactical Operations Wing, Southern Luzon, and the 401st Ready Reserve Infantry Battalion for your outstanding performance, dedication, and unwavering commitment to strengthening the AFP Reserve Force in Southern Luzon. Your contributions enhance our operational readiness and reinforce the vital role of the Reserve Force in accomplishing our mission.”

The ceremony concluded with a renewed commitment among SOLCOM personnel to uphold excellence, strengthen organizational unity, and remain steadfast in the performance of their duties.

With the continued dedication of its military and civilian personnel, together with the support of its reserve and partner units, the Pangkat ng Magigiting remains committed to advancing peace, security, and sustainable development for the people and communities of Southern Luzon.




SOLCOM Katuwang sa Paglulunsad ng Kapit-All-You Program, Isinusulong ang Kapayapaan at Kaunlaran sa QuezonCAMP GUILLERMO...
08/10/2026

SOLCOM Katuwang sa Paglulunsad ng Kapit-All-You Program, Isinusulong ang Kapayapaan at Kaunlaran sa Quezon

CAMP GUILLERMO NAKAR, Lucena City — 05 Oktubre 2026 — Nakiisa ang Southern Luzon Command, Armed Forces of the Philippines (SOLCOM, AFP), sa paglulunsad ng Kapit-All-You Program na isinagawa sa Quezon Convention Center, Lucena City, bilang bahagi ng sama-samang pagsisikap ng pamahalaan na isulong ang pangmatagalang kapayapaan, pagkakaisa, at kaunlaran sa Lalawigan ng Quezon.

Pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon, katuwang ang Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) at SOLCOM, ang naturang programa na naglalayong magbigay ng konkretong suporta at oportunidad sa mga benepisyaryo, partikular sa mga dating kasapi ng New People’s Army (NPA) at kanilang mga pamilya, upang magkaroon sila ng pagkakataong makapagsimula muli at makapamuhay nang mapayapa at produktibo.

Sa ilalim ng programa, humigit-kumulang ₱14 milyon ang inilaan para sa livelihood assistance, skills training, at scholarship. Kabilang sa mga ipinagkaloob ang 41 scholarship grants, 29 livelihood packages, anim (6) na karinderya o turo-turo packages, 17 livestock packages, at isang tahian package para sa mga benepisyaryo.

Ayon kay LTGEN CERILO C BALAORO JR PA, Commander, SOLCOM, ang programa ay higit pa sa pagbibigay ng materyal na tulong sapagkat ito ay konkretong pagpapakita ng malasakit at pangako ng pamahalaan sa mga mamamayang nagnanais na muling itayo at isaayos ang kanilang buhay.

“Ngayong umaga, tayo ay nagkakaisa hindi lamang upang ilunsad ang isang programa, kundi upang manindigan na ang kapayapaan ay dapat maramdaman sa bawat sulok ng ating lipunan. Sapagkat ang kapayapaan ay higit pa sa kawalan ng kaguluhan. Dapat itong magbigay ng pagkakataong makapagsimula muli, mapatatag ang bawat pamilya, at mabigyan ang bawat indibidwal ng dahilan upang harapin ang kinabukasan nang may pag-asa at positibong pananaw,” ani LTGEN Balaoro.

Dagdag pa niya, “Mahalagang bahagi ng pagpapanatili ng kapayapaan ang pagkakaroon at pagbibigay ng mga oportunidad na magbibigay-daan sa mga benepisyaryo na maging produktibo at ganap na makilahok sa lipunan.”

“The Kapit-All-You Program plays a significant role in advancing our campaign, the Road to Peace in Southern Luzon. More particularly, it contributes to the sustainment phase, where the challenge is no longer simply to establish peace, but to preserve, strengthen, and make its gains enduring.” saad pa ni LTGEN Balaoro.

Patuloy na nakikipagtulungan ang SOLCOM sa mga national government agencies, local government units, at iba pang katuwang na organisasyon upang suportahan ang mga programa ng pamahalaan na naglalayong tugunan ang mga ugat ng tunggalian at palakasin ang mga mekanismo para sa pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran.

Sa pamamagitan ng mga programang tulad ng Kapit-All-You, nabibigyan ang mga dating kasapi ng NPA at kanilang mga pamilya ng pagkakataong makapagsimula muli, magkaroon ng marangal at matatag na kabuhayan, at maging aktibong bahagi ng mapayapa at produktibong pamayanan.

Sa kapayapaan, may kabuhayan. Sa kabuhayan, may pag-asa. At sa pag-asa, sama-sama nating pinangangalagaan, mas matatag nating naitataguyod ang isang mapayapa, maunlad, at nagkakaisang Quezon.




07/10/2026

AFP COMMUNITY NEWS | 07 October 2026
News Anchor: Jhai Simbajon

"MILITARY AND NATIONAL NEWS"
-NO COPYRIGHT INFRINGEMENT INTENDED-
DWDD 1134 kHz AM on your Radio Dial
Please Subscribe to our Youtube Channel : DWDD AFP RADIO
https://www.youtube.com/DWDDAFPRADIO










06/10/2026

"PULSO AT BALITA" | 07 October 2026
Hosted by: Katropang Nick Lipana Echevarria

"MILITARY AND NATIONAL NEWS"
NO COPYRIGHT INFRINGEMENT INTENDED
DWDD 1134 kHz AM on your Radio Dial
Please Subscribe to our Youtube Channel : DWDD AFP RADIO
https://www.youtube.com/DWDDAFPRADIO









06/10/2026

AFP COMMUNITY NEWS | 06 October 2026
News Anchor: Jhai Simbajon

"MILITARY AND NATIONAL NEWS"
-NO COPYRIGHT INFRINGEMENT INTENDED-
DWDD 1134 kHz AM on your Radio Dial
Please Subscribe to our Youtube Channel : DWDD AFP RADIO
https://www.youtube.com/DWDDAFPRADIO










Bagong Simula sa Ilalim ng Road to Peace, 1 NPA Boluntaryong Sumuko sa Sorsogon Camp Guillermo Nakar, Lucena City — Isa ...
06/10/2026

Bagong Simula sa Ilalim ng Road to Peace, 1 NPA Boluntaryong Sumuko sa Sorsogon

Camp Guillermo Nakar, Lucena City — Isa na namang mahalagang hakbang tungo sa pagsusulong ng kapayapaan sa Southern Luzon ang naitala matapos boluntaryong sumuko sa mga kasundaluhan ang isang miyembro ng New People’s Army.

Boluntaryong nagbalik-loob si alyas Capt, miyembro ng Komiteng Larangang Gerilya 2, Sub-Regional Committee 3, Bicol Regional Party Committee sa mga kasundaluhan ng 22nd Infantry “Valor” Battalion sa Brgy. San Francisco, Bulan, Sorsogon nitong ika-28 Setyembre 2026. Isinuko rin niya sa mga awtoridad ang 1 cal .38 na baril at mga bala.

Patuloy na paiigtingin ng SOLCOM ang pagpapatupad ng Road to Peace sa Southern Luzon bilang bahagi ng pangkalahatang pagsisikap na mapatatag ang kapayapaan at seguridad, mapalakas ang tiwala ng mga komunidad, at mabuksan ang mas maraming pagkakataon para sa pagbabagong-buhay at reintegrasyon.

Ayon kay LTGEN CERILO C BALAORO JR PA, SOLCOM Commander, “Ang kapayapaan ay nagsisimula sa matapang na desisyong talikuran ang karahasan at muling piliin ang pamilya, komunidad, at isang mas maayos na kinabukasan. Nakahanda ang SOLCOM na suportahan ang kanilang mapayapang pagbabalik at muling pagyakap sa lipunan.”

Sa bawat desisyong talikuran ang armadong pakikibaka, muling nabubuksan ang daan tungo sa pagkakaisa, pag-asa, at isang kinabukasang nakatuon sa pangmatagalang kapayapaan.




05/10/2026

"PULSO AT BALITA" | 06 October 2026
Hosted by: Katropang Nick Lipana Echevarria

"MILITARY AND NATIONAL NEWS"
NO COPYRIGHT INFRINGEMENT INTENDED
DWDD 1134 kHz AM on your Radio Dial
Please Subscribe to our Youtube Channel : DWDD AFP RADIO
https://www.youtube.com/DWDDAFPRADIO









05/10/2026

AFP COMMUNITY NEWS | 05 October 2026
News Anchor: Jhai Simbajon

"MILITARY AND NATIONAL NEWS"
-NO COPYRIGHT INFRINGEMENT INTENDED-
DWDD 1134 kHz AM on your Radio Dial
Please Subscribe to our Youtube Channel : DWDD AFP RADIO
https://www.youtube.com/DWDDAFPRADIO










Road to Peace sa Southern Luzon Pinaiigting, 2 Milisyang Bayan Boluntaryong Nagbalik-Loob sa Camarines SurCamp Guillermo...
05/10/2026

Road to Peace sa Southern Luzon Pinaiigting, 2 Milisyang Bayan Boluntaryong Nagbalik-Loob sa Camarines Sur

Camp Guillermo Nakar, Lucena City — Patuloy na pinaiigting ng Southern Luzon Command, Armed Forces of the Philippines, ang pagpapatupad ng mga programa at inisyatiba sa ilalim ng Road to Peace, katuwang ang mga lokal na pamahalaan at iba pang stakeholders, upang maisulong ang pangmatagalang kapayapaan, seguridad, at kaunlaran sa Southern Luzon.

Boluntaryong sumuko sa 81st Infantry “Spartan” Battalion sina alyas June at alyas May sa Brgy. Baya, Ragay, Camarines Sur nitong ika-26 Setyembre 2026.

Si alyas June ay nagsilbing Vice Commanding Officer, Milisyang Bayan, ng Komiteng Larangang Gerilya 1, Sub-Regional Committee 1, Bicol Party Regional Committee. Samantalang si alyas May rin ay miyembro ng Milisyang Bayan ng KLG1, SRC1, BRPC. Isinuko rin nila ang isang M14 r***e, 1 magazine, at 26 rounds ng 7.62 mm am******on.

Turan ni LTGEN CERILO CAL BALAORO JR PA, SOLCOM Commander, “Ang Road to Peace ay higit pa sa mga operasyon para sa seguridad. Nakatuon din ito sa pagpapatatag ng ugnayan sa mga komunidad, pagsusulong ng kapayapaan, at pagbubukas ng mga landas tungo sa pagbabagong-buhay at produktibong pakikilahok sa lipunan para sa mga indibidwal na nais nang talikuran ang karahasan.”

Ang boluntaryong pagbabalik-loob ng 2 Milisyang Bayan ay dagdag na patunay ng patuloy na pagsisikap ng mga kasundaluhan at pamahalaan na makamit ang kapayapaan sa pamamagitan ng pagpapanatili ng seguridad at pakikipag-ugnayan sa mga komunidad.

Patuloy namang nakikipagtulungan ang SOLCOM sa mga lokal na pamahalaan at iba pang katuwang na ahensya upang higit pang mapalakas ang Road to Peace sa Southern Luzon. Sa pamamagitan ng pagkakaisa at sama-samang pagkilos, patuloy na isinusulong ang isang kapayapaang nagbubukas ng mas ligtas, matatag, at maunlad na kinabukasan para sa mga mamamayan ng Timog Luzon.




04/10/2026

"PULSO AT BALITA" | 05 October 2026
Hosted by: Katropang Nick Lipana Echevarria

"MILITARY AND NATIONAL NEWS"
NO COPYRIGHT INFRINGEMENT INTENDED
DWDD 1134 kHz AM on your Radio Dial
Please Subscribe to our Youtube Channel : DWDD AFP RADIO
https://www.youtube.com/DWDDAFPRADIO









Address

Camp Guillermo Nakar
Lucena
4301

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Southern Luzon Command, AFP posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Southern Luzon Command, AFP:

Shortcuts

Share