07/10/2026
π§π¦ πππππ-πππππ ππ ππππππππ, ππππ ππ πππππππππ ππ πππππππππ
Patuloy na kumikilos ang Sangguniang Barangay ng Cotta upang matugunan ang ibaβt ibang pangangailangan ng ating mga kabarangay. Sa isinagawang simultaneous na mga aktibidad, nagsagawa ng water rationing sa Purok Mutya at Purok Matahimik Isla bilang tugon sa patuloy na kakulangan ng suplay ng tubig, habang isinagawa naman ang misting operation sa St. Jude Village, Purok Tulungan bilang bahagi ng ating mga hakbang laban sa dengue at iba pang sakit na maaaring dulot ng lamok.
Magkakaiba man ang pangangailangan ng bawat purok, iisa ang layuninβang makapaghatid ng agarang serbisyo, proteksyon, at konkretong tugon sa ating mga kabarangay. Hindi man kayang lutasin agad ang lahat ng suliranin, patuloy nating gagawin ang mga hakbang na nasa ating kakayahan upang makatulong at makapaglingkod nang may puso.
Ang mga gawaing ito ay patunay na ang serbisyo ay hindi lamang nasusukat sa laki ng proyekto, kundi sa kahandaang kumilos kapag kinakailangan at pagdamay sa bawat pamilyang nangangailangan.
π Sa Nagkakaisang Cotta, tuloy-tuloy ang serbisyong may puso.