25/09/2026
๐๐๐๐๐-๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐-๐๐๐! ๐
Patuloy ang ating PROJECT KANAL bilang bahagi ng pagsisikap ng Sangguniang Barangay ng Cotta kasama ang Sangguniang Kabataan, Barangay Staffs, at Purok Leaders na mapanatili ang kalinisan, kaayusan. Ngayong araw, isinagawa ang paglilinis at clearing operation sa Purok Pinag-isa, bilang tugon sa pangangailangan ng ating mga residente at upang makatulong sa pag-iwas sa pagbabara ng mga kanal at posibleng pagbaha.
Ang simpleng paglilinis ng kanal ay isang mahalagang hakbang tungo sa mas malinis, ligtas, at maayos na pamayanan. Higit sa lahat, ang tagumpay ng programang ito ay nakasalalay hindi lamang sa serbisyo ng ating barangay, kundi maging sa pakikiisa ng bawat residente sa pagpapanatili ng kalinisan sa ating kapaligiran.
Patuloy nating isusulong ang mga programang may direktang pakinabang sa ating mga kabarangay. Sama-sama nating pangalagaan ang ating barangayโdahil ang malinis at ligtas na Cotta ay responsibilidad nating lahat.
Sa Nagkakaisang Cotta, tuloy-tuloy ang serbisyong may puso. ๐