Barangay Segunda Pulo- Lumban, Laguna

Directions Contact the organization

Barangay Segunda Pulo- Lumban, Laguna Barangay Segunda Pulo Lumban, Laguna

4TH QUARTER NATIONWIDE SIMULTANEOUS EARTHQUAKE DRILL (NSED)Matagumpay na isinagawa ng Barangay Segunda Pulo ang 4th Quar...
05/11/2026

4TH QUARTER NATIONWIDE SIMULTANEOUS EARTHQUAKE DRILL (NSED)

Matagumpay na isinagawa ng Barangay Segunda Pulo ang 4th Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kahandaan at kaligtasan ng bawat mamamayan sa panahon ng lindol at iba pang kalamidad.

Layunin ng gawaing ito na mapalawak ang kaalaman at mapahusay ang kakayahan ng mga opisyal ng barangay, kawani, at mga residente sa tamang pagtugon sa oras ng sakuna.

Sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga ganitong pagsasanay, higit nating napagtitibay ang kahalagahan ng disiplina, koordinasyon, at kahandaan upang mapangalagaan ang buhay at kaligtasan ng bawat isa.

Patuloy ang Barangay Segunda Pulo sa pagsusulong ng isang ligtas, handa, at matatag na pamayanan.

Tandaan: Ang kahandaan sa sakuna ay responsibilidad nating lahat.




05/11/2026

4TH QUARTER NATIONWIDE SIMULTANEOUS EARTHQUAKE DRILL (NSED)

04/11/2026

Taos-pusong pagpupugay sa lahat ng kawani at volunteers na naglaan ng kanilang oras, lakas, at dedikasyon upang matiyak ang ligtas, payapa, at maayos na paggunita ng Undas 2026.

Ang DILG Laguna ay lubos na nagpapasalamat at nagpupugay sa inyong walang sawang paglilingkod at malasakit.

Sa likod ng isang ligtas at maayos na Undas ay ang inyong tapat na serbisyo.




04/11/2026

Patuloy ang ating pagpapatupad ng seguridad sa pamamagitan ng sama-samang pagroronda ng ating mga Barangay Public Safety Officers (BPSO) katuwang ang mga Lumban Municipal Police Personnel.

Layunin ng gawaing ito na mapanatili ang kapayapaan, kaayusan at kaligtasan ng bawat mamamayan, gayundin ang maagap na pagtugon sa anumang insidente sa ating nasasakupan.

Sa pagkakaisa at pagtutulungan, mas nagiging ligtas at panatag ang ating komunidad.

Serbisyong may malasakit, seguridad na maaasahan!





04/11/2026

BUKAS NA ANG FOURTH QUARTER NATIONWIDE SIMULTANEOUS EARTHQUAKE DRILL (NSED)!

Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa Fourth Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) sa Nobyembre 5, 2026, sa ganap na alas-9:00 ng umaga upang matutuhan ang mga tamang hakbang sa oras ng lindol.

Magsisimula ang programa ng NSED sa alas-8:00 ng umaga, na susundan ng ceremonial pressing of the button sa ganap na alas-9:00 ng umaga bilang hudyat ng pagsasagawa ng Duck, Cover, and Hold at evacuation drill.

Bilang bahagi ng earthquake drill at pakikiisa sa World Tsunami Awareness Day, isasagawa rin ang full-scale exercise on earthquake-tsunami scenario sa Cagayan Valley, na magsisilbing pangunahing ceremonial site ng NSED.

Abangan ang livestream ng NSED sa Civil Defense PH at NDRRMC pages.







Huwag po kayong magreklamo na hindi naglilinis ang Barangay Segunda Pulo, at tapos kayo ay hindi niyo po kayang disiplin...
04/11/2026

Huwag po kayong magreklamo na hindi naglilinis ang Barangay Segunda Pulo, at tapos kayo ay hindi niyo po kayang disiplinahin ang sarili ninyo! Sa susunod po ay ipopost nanamin ang mga mukha ninyo, dahil kitang kita po kayo sa CCTV!

Ang tunay na serbisyo ay hindi nasusukat sa honorarium, kundi sa pusong handang maglingkod.Ang pagiging Barangay Public ...
01/11/2026

Ang tunay na serbisyo ay hindi nasusukat sa honorarium, kundi sa pusong handang maglingkod.

Ang pagiging Barangay Public Safety Officer (BPSO) ay hindi lamang tungkol sa pagtupad ng tungkulin o pagtanggap ng honorarium. Ito ay tungkol sa dedikasyon, malasakit, disiplina at kahandaang magsakripisyo ng oras at lakas para sa kaligtasan at kapakanan ng bawat mamamayan.

Hindi man kalakihan ang kapalit, ang tunay na halaga ng serbisyo ay makikita sa tapat na pagtupad sa responsibilidad, kahit walang nakakakita at walang kapalit na pagkilala.

Saludo sa lahat ng BPSO na patuloy na naglilingkod nang may malasakit at paninindigan!

01/11/2026

Break time lang po sa duty ng Oplan Undas 2026💪

Patuloy na ginagampanan ng mga Barangay Public Safety Officers (BPSO) ang kanilang tungkulin sa pagbabantay, pagroronda,...
01/11/2026

Patuloy na ginagampanan ng mga Barangay Public Safety Officers (BPSO) ang kanilang tungkulin sa pagbabantay, pagroronda, at pagpapanatili ng kaayusan at seguridad ngayong Oplan Undas 2026.

Layunin ng deployment na matiyak ang kaligtasan, kaayusan, at maayos na daloy ng mga mamamayan na dumadalaw sa mga sementeryo at pampublikong lugar.

Maraming salamat sa ating mga BPSO sa kanilang dedikasyon, serbisyo, at patuloy na pagbabantay para sa kapakanan ng komunidad.

Serbisyong Tapat, Ligtas na Barangay!

Address

Segunda Pulo
Lumban
4014

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Segunda Pulo- Lumban, Laguna posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Barangay Segunda Pulo- Lumban, Laguna:

Share

Nearby government services