Local Civil Registry Office - Lumban, Laguna

Directions

Local Civil Registry Office - Lumban, Laguna Civil registration is not just paperwork it is public service integrity. Serving the public through truth, transparency and accountability.

21/09/2026
21/09/2026

𝗣𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁:

Sa Fixed Registration Center lamang po maaring magpalit ng status, magpaupdate, o magpa-correct ng details sa National ID.

National ID Registration, EPhilID printing at verification of Delivery Status po ang services offered sa ating mga National ID Mobile Registration.

Maaari rin pong i-check online ang status ng delivery ng inyong National ID sa tracking.phlpost.gov.ph


21/09/2026
21/09/2026

𝐏𝐑𝐎𝐂𝐋𝐀𝐌𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐍𝐎. 𝟏𝟒𝟒𝟔, 𝐬. 𝟐𝟎𝟐𝟔

Declaring Tuesday, 22 September 2026, a Special (Non-Working) Day in Municipality of Lumban, Province of Laguna

Visit the Official Gazette website: https://www.officialgazette.gov.ph/xYoDgx

TARA NA SA MASAYA AT MAKULAY  NA BURDANG LUMBAN FESTIVAL 2026!🪡na may temang, Burdang Lumban Festival : “25 Taon ng Sini...
21/09/2026

TARA NA SA MASAYA AT MAKULAY NA
BURDANG LUMBAN FESTIVAL 2026!🪡
na may temang, Burdang Lumban Festival : “25 Taon ng Sining, Tradisyon at Inspirasyon.” sa darating na Setyembre 22-24, 2026

Narito ang opisyal na kalendaryo para sa inyong kasiyahan! Tunghayan ang makulay, masaya at mayamang katangian ng bayan ng Lumban!

Department of Tourism - Philippines
Department of Tourism-CALABARZON Region 4A
Laguna Provincial Tourism Office
THE PHILIPPINE FESTIVALS
Lumban Laguna




PABATID SA PUBLIKO!Ang Philippine Statistics Authority (PSA), sa pakikipag-ugnayan sa Lumban Municipal Civil Registrar’s...
27/08/2026

PABATID SA PUBLIKO!

Ang Philippine Statistics Authority (PSA), sa pakikipag-ugnayan sa Lumban Municipal Civil Registrar’s Office, ay magsasagawa ng PhilSys–National ID Mobile Registration sa September 22, 2026 sa Tanghalang Atty. Wilfredo O. Paraiso, bilang bahagi ng pagdiriwang ng 25th Burdang Lumban Festival.

Inaanyayahan ang lahat ng kwalipikadong mamamayan na magparehistro at samantalahin ang serbisyong ito.

📍 Para sa karagdagang detalye at updates, mangyaring makipag-ugnayan sa Municipal Civil Registrar’s Office o mag-message dito sa aming page.

50 slots for registration lamang po. First come , First serve po .

Para sa mga Lumbeño na gustong lumahok sa Timpalak Galing sa Pagbuburda magtungo lamang po sa tanggapan ng Municipal Civ...
27/08/2026

Para sa mga Lumbeño na gustong lumahok sa Timpalak Galing sa Pagbuburda magtungo lamang po sa tanggapan ng Municipal Civil Registrar para sa Application Form at iba pang katanungan . 🪡
Ang huling araw ng pagsusumite ng application form ay sa Setyembre 3, 2026 (Hwebes), sa ganap na ika-5:00 ng hapon. Makukuha ang materyales kasama and disenyo sa Setyembre 17, 2026 (Hwebes). Ang Timpalak Galing sa Pagbuburda ay gaganapin sa Setyembre 24, 2026 (Huwebes) sa ganap na ika-8:00 ng umaga sa Tanghalang Atty. Wilfredo O. Paraiso.

25th BURDANG LUMBAN FESTIVAL
448th FOUNDING ANNIVERSARY OF LUMBAN
September 22-24, 2026
Theme: “25 TAON NG SINING, TRADISYON AT INSPIRASYON”

TIMPALAK GALING SA PAGBUBURDA

1. Ang Timpalalak Galing sa Pagbuburda ay paligsahan bukas para sa lahat ng taga-Lumban na may angking husay at galing sa sining ng pagbuburda gamit ang malikhaing kamay. Ang mga nagwagi ng taong 2025 sa paligsahan ay hindi makakalahok ngayong taong ito.

2. Ang tela na piña na gagamitin sa paligsahan ay sagot ng komite ng festival samantalang ang iba pang materyales tulad ng sinulid ay sagot na ng kalahok. Ang disenyong gagawin ng kalahok ay kasama ng nakaguhit sa piñang ibibigay ng komite.

3. Ang kalahok ay malayang gumamit ng iba’t-ibang kulay ng sinulid ayon sa kanyang kagustuhan sa paglalapat upang mapalutang ang disenyo.

4. Ang kalahok ay kailangan magsumite ng registration form sa Office of the Municipal Civil Registrar (MCR). Ang huling araw ng pagsusumite ng application form ay sa Setyembre 3, 2026 (Huwebes), sa ganap na ika-5:00 ng hapon. Makukuha ang materyales kasama and disenyo sa Setyembre 17, 2026 (Huwebes)

5. Ang Timpalak Galing sa Pagbuburda ay gaganapin sa Setyembre 24, 2026 (Huwebes) sa ganap na ika-8:00 ng umaga saTanghalang Atty. Wilfredo O. Paraiso.

6. Premyo:
Unang Gantimpala P 5,000.00 + tropeo
Ikalawang Gantimpala P 3,000.00 + tropeo
Ikatlong Gantimpala P 2,000.00 + tropeo

7. Ang mga kalahok na hindi nagwagi ay pagkakalooban ng isang libong piso (P1,000.00)
bilang consolation prizes. Hindi pagkakalooban ng consolation prizes ang mga kalahok na hindi natapos ang ginawang burda.

8. Kriterya:
Artistry, Creativity & Originality 30%
Use of materials & ex*****on 25%
Visual Impact 25%
Color Variety 20%
Total 100%

9. Ang desisyon ng lupon ng inampalan ay pinal.

Matagumpay na Delayed RegistrationMatagumpay na nairehistro ang ating mga 4Ps beneficiaries!Isang hakbang tungo sa pagka...
13/08/2026

Matagumpay na Delayed Registration

Matagumpay na nairehistro ang ating mga 4Ps beneficiaries!

Isang hakbang tungo sa pagkakaroon ng legal na pagkakakilanlan at kumpletong civil registry record. ❤️

Patuloy ang ating tanggapan sa pagbibigay ng serbisyo upang matulungan ang bawat mamamayan na magkaroon ng tamang dokumento at makamit ang mga benepisyong nararapat para sa kanila.

Kung ikaw wala pang rehistradong birth record, mangyaring makipag-ugnayan sa Municipal Civil Registrar’s Office upang malaman ang mga kinakailangang dokumento at proseso.

Huwag hayaang maging hadlang ang kawalan o pagkaantala ng birth registration sa pag-access ng mahahalagang serbisyo at benepisyo.

Magparehistro. Magkaroon ng legal na pagkakakilanlan. Makilahok at makinabang sa mga serbisyong para sa bawat pamilya. ❤️

Serbisyong mabilis, maayos at para sa lahat! 🇵🇭

Matagumpay na Naidaos ang Libreng Legal Advice at Affidavit Assistance.Sa pangunguna ni Konsehal Bhenson Del Valle, mata...
27/07/2026

Matagumpay na Naidaos ang Libreng Legal Advice at Affidavit Assistance.

Sa pangunguna ni Konsehal Bhenson Del Valle, matagumpay na naisagawa ang Libreng Legal Advice at Affidavit Assistance bilang bahagi ng patuloy na pagbibigay ng serbisyong legal at pampubliko sa ating mga kababayan.

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakiisa, sa ating mga legal professionals, at sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na gawaing ito. Sama-sama nating patuloy na inilalapit ang dekalidad na serbisyo sa bawat mamamayan.

27/06/2026

Address

Rizal Street Brgy. Sto. Niño
Lumban
4014

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Local Civil Registry Office - Lumban, Laguna posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share