08/10/2026
311 BARIL BOLUNTARYONG ISINUKO SA AWTORIDAD
ILOILO β Kinilala ng PRO6 ang 11 LGUs, barangay officials at police units ng Iloilo 5th District matapos makamit ng lahat ng 301 barangay ang 100% participation sa Project RTT 3389.
Ang RTT ay Restrict, Track and Turn-In, kampanya laban sa loose fi****ms na naglalayong matukoy at maalis sa mga komunidad ang mga baril na walang kaukulang legal na dokumento, habang hinihikayat ang boluntaryong turnover ng mga ito sa kapulisan.
Pinangunahan ni PBGEN RANDULF T TUAΓO, Regional Director, PRO6, ang pagkilala. Ginawaran ng Plaques at Certificates of Appreciation ang local at barangay officials, habang Medalya ng Papuri naman ang ipinagkaloob sa 11 Chiefs of Police.
Bilang bahagi ng naunang RTT accomplishment ng distrito, 311 loose fi****ms ang boluntaryong na-turn over. Kinilala rin ang San Rafael bilang unang munisipalidad sa Western Visayas na nakamit ang 100% barangay participation.
Ang kampanya ay bahagi ng patuloy na pagsusulong ng PRO6 sa peace and public safety, alinsunod sa PNP Focused Agenda sa ilalim ng pamumuno ni PGEN JOSE MELENCIO C. NARTATEZ JR., Chief, PNP.
Source: PNP-RPIO6
PNP Police Regional Office 6