Jhoenel “JOW Regala” Evangelista

Jhoenel “JOW Regala” Evangelista

Share

Gooding | Serbisyong Totoo, Keni Tana!

26/04/2026

Matagumpay na naisagawa ang opisyal na photoshoot ng Queen of Dau!

Makikilala na ang 13 na opisyal na kandidata na maglalaban-laban para sa kauna-unahang korona ng Queen of Dau. 👑

Bawat isa ay nagtataglay ng natatanging ganda, talento, at kumpiyansa—handa nilang ipaglaban ang kanilang purok at magbigay inspirasyon sa buong komunidad.

Abangan ang kanilang paglalakbay patungo sa korona! Sino kaya ang magiging kauna-unahang Queen of Dau? 🔥






💖

Photos from Jhoenel “JOW Regala” Evangelista's post 17/04/2026

✨👑 QUEEN OF DAU 2026 – FINAL SCREENING (MISS GAY PAGEANT) 👑✨

Mga sis, ito na ang inyong moment! 🌈💖�Handa ka na bang ipakita ang iyong ganda, talento, at confidence sa entablado?

📣 Inaanyayahan namin ang lahat ng aspiring Miss Gay contestants na sumali sa FINAL SCREENING bukas!

📍 Venue: Holiday Lodge, Pineda Subdivision (Morales’ Residence)�🕙 Oras: 10:00 AM – 3:00 PM

💰 GRAND PRIZE: ₱20,000! 💰

Ito na ang pagkakataon mong maging susunod na Queen of Dau 2026 at ipakita ang tunay na kagandahan at tapang ng ating LGBTQ+ community! ✨🔥

📩 Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan lamang sa:�✔️ Kahit sinong Team Boking Representative�✔️ SK ng Team Boking�✔️ O sa mga contact details na ibinigay
💄 Screening pa lamang ito, kaya hindi pa required ang full make-up.
👠 Rumampa, magpakilala, at ipaglaban ang korona! Kita-kits bukas! 💃👑


🌈

Photos from Jhoenel “JOW Regala” Evangelista's post 13/04/2026

📣 Queen of Dau 2026 (Ms. Gay) Screening Alert!👑✨

Bilang bahagi ng ating May-Time Fiesta ng Team Boking, magkakaroon po tayo ng opisyal na SCREENING para sa Ms. Gay Queen of Dau 2026 sa darating na April 17, 2026 | 1:00 PM – 3:00 PM 💖

Inaanyayahan ang bawat purok na magpadala ng kanilang Ms. Gay delegate. Ito na ang pagkakataon upang maipakita ang inyong talento, kumpiyansa, at kagandahan ✨

📌 Mga Paalala para sa lahat ng kalahok:
• Hindi pa kinakailangan ang make-up — panatilihin muna ang natural na itsura
• Magsuot ng puting t-shirt (mas mainam kung plain) para sa pagkakapare-pareho 🤍

(Please See Attached photo for Qualification and Requirements) #

Sama-sama nating ipagdiwang ang kagandahan, talento, at pagkakaisa ng ating komunidad ngayong pista. Kita-kits sa screening, mga future queens! 👑🔥

06/04/2026

✨👑 QUEEN OF DAU 2026 👑✨

Isang makulay at makasaysayang gabi ang ating inaabangan! Sa nalalapit na Queen of Dau 2026, buong puso naming hinihikayat ang bawat purok ng ating barangay na magpadala ng kanilang kinatawan at makiisa sa selebrasyon ng ganda, talento, at kumpiyansa ng ating mga reyna. 💖

Sa tulong at suporta ng ating minamahal na dating alkalde na si Mayor Boking Morales, mas magiging engrande at makabuluhan ang patimpalak na ito para sa ating komunidad.

Halina’t ipakita ang buong suporta sa ating mga kandidata at sama-sama nating ipagdiwang ang husay at kagandahan ng bawat Dau constituent! 🌟

Isang Dau, Isang Korona! 👑

04/04/2026

✨👑 QUEEN OF DAU 2026 – MS. GAY PAGEANT 👑✨

Isang engrandeng gabi ng kagandahan, talento, at kumpiyansa ang hatid sa ating minamahal na Barangay Dau! 🌈💃

Ang patimpalak na ito ay eksklusibo para sa mga residente ng Dau. Lahat ng aplikante ay dadaan sa masusing screening at kinakailangang mapatunayan na lehitimong residente ng Barangay Dau.

📣 Tawag sa bawat Purok!
Inaanyayahan ang bawat purok na magpadala ng kanilang opisyal na kinatawan na lalaban para sa korona ng Queen of Dau 2026 👑

Ipakita ang iyong ganda, talino, at talento sa entablado! Ito ay hindi lamang kompetisyon—ito ay selebrasyon ng pagkakaisa, pagkakapantay-pantay, at tunay na kagandahan ng bawat Daeño. 💖✨

📅 Gaganapin ngayong Mayo
📍 Venue: Iaanunsyo pa

🌟 Magparehistro na at maging susunod na Reyna ng Dau! 🌟

Photos from Jhoenel “JOW Regala” Evangelista's post 04/04/2026

Kahapon, matagumpay tayong nakibahagi sa prusisyon ng Our Lady of Victories Parish nitong Biyernes Santo.

Kasama natin ang Pabasa Committee ng South Daang Bakal at ang ating mga debotong taimtim na nakiisa sa paglalakbay ng pananampalataya. Nakasama rin natin ang imahen ni Maria Magdalena sa pangangalaga ni Binibining Jheng Aban at kanyang pamilya.

Taos-pusong pasasalamat din kay MJ Paragas sa pagpapahiram ng kanilang generator set na naging malaking tulong sa ating pagdiriwang.

Isang makabuluhang araw ng pananampalataya, pagkakaisa, at debosyon. 🙏

Photos from Jhoenel “JOW Regala” Evangelista's post 02/04/2026

Sa ika-10 taon ng ating Panata, muli nating pinatunayan ang lalim ng ating pananampalataya at pagkakaisa. Kahapon, matagumpay nating naisakatuparan ang gawaing ito kung saan bawat penitente ay nagbuhat ng krus—may dalang kanya-kanyang dasal, sakripisyo, at pag-asa.

Mula sa simpleng simula ng iilang kabataang aktibo ng South Daang Bakal (SouthBoys), ngayon ay lumawak na ang ating samahan kasama ang mga kapatid nating purok mula sa North Daang Bakal, Maharlika, Quezon Drive, at Magsaysay. Isang patunay na ang panata, kapag sinamahan ng puso at pananampalataya, ay nagbubuklod sa atin bilang isang komunidad.

Dala natin ang panalangin sa Patron ng SDB, Virgen Delos Remedios. Ang Panatang ito ay hindi magiging makabuluhan kung wala ang suporta ng mga VDLR Panata Committee na Pinangungunahan ng ating mga Kaibigan na si Allen Sampana, Eriz Calma at Jayson Ignacio katuwang ang ating mga miyembro.

Sa banal na panahong ito, nawa’y patuloy nating dalhin ang diwa ng sakripisyo, pag-ibig, at pag-asa. 🙏🏼

Photos from Jhoenel “JOW Regala” Evangelista's post 31/03/2026

Isang simpleng pagbisita na puno ng pasasalamat 🙏

Kahapon, nakapaglibot tayo sa unang batch ng iba’t ibang Puni sa Barangay Dau kasama ang ating mga Youth Leaders sa pangunguna ni Lee “Broom-Broom” Elizalde.

Nag-abot tayo ng canned biscuits bilang munting pasasalamat sa mga masisipag na Puni Committee na patuloy na naglilingkod ngayong Semana Santa.

Maraming salamat kina dating Mayor Marino “Boking” Morales at Tita Niña Morales, kasama ang Team Boking, sa kanilang tulong at suporta na naging daan upang maisakatuparan ang gawaing ito.

Patuloy nating isabuhay ang diwa ng pagkaka isa at malasakit sa ating komunidad. 💛

Photos from Jhoenel “JOW Regala” Evangelista's post 30/03/2026

Nairaos natin ang unang araw ng semana santa.
Taos-pusong pasasalamat sa Pabasa Committee ng South Daang Bakal na pinangungunahan ni Jheng Aban 🙏🏼

Namahagi ng pagkain at inumin ang South Boys, kasama sina Win Canlas, Ayan Dela Cruz, Jeng Ignacio, at ang inyong lingkod, naging makabuluhan at puno ng pananampalataya ang ating paggunita ngayong Semana Santa.

Ang inyong dedikasyon, sakripisyo, at taimtim na paglilingkod ay nagsilbing gabay upang mapanatili ang diwa ng kabanalan at pagkakaisa sa ating komunidad.

Sa bawat awit ng pabasa at bawat oras na inyong inilaan, dama ang inyong taos-pusong pag-aalay at malasakit para sa kapwa. Kayo ay tunay na inspirasyon ng bayanihan at debosyon.

Maraming salamat sa inyong walang sawang paglilingkod. Nawa’y patuloy kayong pagpalain at gabayan sa inyong mabuting adhikain. 💛🙏

Photos from Jhoenel “JOW Regala” Evangelista's post 29/03/2026

Muling nagbalik tayo sa North Daang Bakal at Abad Santos upang ihatid ang kanilang hiling na microphone para sa kanilang mga gawain.

Kasama ko sa pagbisita ang ating masipag na Youth Leader na si Lee “Broom Broom” Elizalde—patunay na kapag nagtutulungan ang komunidad, mas napapadali ang pag-abot ng tulong.

Lubos din ang aming pasasalamat kay JOTOK sa pagbibigay ng microphone. Malaking tulong ito sa ating mga kabarangay. 🙏

Maraming salamat sa mainit na pagtanggap. Patuloy lang tayo sa pakikipag-ugnayan at pagtugon sa pangangailangan ng bawat isa. 🤝

Photos from Jhoenel “JOW Regala” Evangelista's post 28/03/2026

Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na pagpaparehistro ng mga ka-barangay nating hindi pa rehistradong botante. 💙

Sa tulong at gabay ng ating dating Mayor, Marino “Boking” Morales, at sa sama-samang pagkilos ng Team Boking, naipakita natin na mas nagiging makabuluhan ang serbisyo kapag may tunay na malasakit at pagkakaisa.

Hindi lang ito simpleng pagpaparehistro, ito ay pagbibigay ng boses sa bawat mamamayan, at hakbang tungo sa mas maayos at mas inklusibong kinabukasan.

Maraming salamat sa tiwala at pakikiisa. Tuloy-tuloy lang po ang ating serbisyong totoo. 🙏

Shout out sa ating mga natatanging kabataan na pinangungunahan ni Lee “Broom Broom” Elizalde

Want your business to be the top-listed Government Service in Mabalacat?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Dau
Mabalacat
2010