14/07/2026
JULY 14, 2026 | MARTES
EDUCATIONAL ASSISTANCE PARA SA LIMANG PRESIDENTIAL SCHOLARS
Sa ilalim ng programang "BAWAT BARANGAY MAKIKINABANG" na isinusulong ng ating Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., matagumpay na naipamahagi ang Educational Assistance sa limang (5) napiling Presidential Scholars, na tumanggap ng โฑ20,000 bawat isa bilang suporta sa kanilang pag-aaral.
Ang layunin ng programang ito ay mabigyan ng pantay na oportunidad ang mga kabataang Pilipino na maipagpatuloy ang kanilang edukasyon sa kabila ng mga hamon sa buhay. Ito rin ay nagsisilbing tulong pinansyal upang mabawasan ang gastusin ng mga mag-aaral at kanilang mga pamilya, habang hinihikayat ang mga kabataan na magsikap at magtagumpay sa kanilang pag-aaral.
Nawa'y magsilbing inspirasyon ang programang ito sa iba pang mga estudyante na patuloy na mangarap, magsumikap, at gamitin ang edukasyon bilang daan tungo sa mas magandang kinabukasan.
Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng programang ito at taos-pusong pagbati sa ating limang Presidential Scholars! Patuloy nating suportahan ang mga programang nagbibigay ng pag-asa at oportunidad sa bawat kabataan.
12/07/2026
BARANGAY LAKANDULA ๐ฃ๐ฃ๐ฃ
MOBILE GULAYAN FOR ALL (MGA) โ NEXT STOP! ๐
Mga ka-Mabalacat, paparating na ang Mobile Gulayan for All (MGA) sa Barangay Lakandula! ๐
Ang City Government of Mabalacat, sa pamamagitan ng City Agriculture Office at sa pamumuno ni Mayor Geld Aquino, ay muling maghahatid ng LIBRENG assorted vegetable seedlings at organic fertilizer upang suportahan ang urban gardening, backyard farming, at food security ng bawat pamilya.
๐ Venue: Barangay Lakandula Barangay Hall
๐
Date: July 16, 2026
โฐ Time: 8:00 AM
Huwag palampasin ang pagkakataong makakuha ng libreng pananim at organikong pataba para sa inyong mga gulayan. Sama-sama nating palaguin ang mas luntian, mas masustansya, at mas masaganang Mabalacat! ๐ฟ
MGA: Mabalacat Government in Action โ Bringing Agriculture Closer to the People! ๐๐ฑ
04/07/2026
JULY 4, 2026 | SABADO
Sa pangunguna ng ating masipag na Punong Barangay Jerrymie "B**g" Dionisio, kasama sina Kagawad Benjamin "Noy" Sanidad at Kagawad Venjo De Leon, matagumpay nating naisagawa ang Clean-Up Drive at ang pagputol ng mga sanga ng puno/halaman na maaaring magdulot ng panganib sa mga dumaraan.
Maraming-maraming salamat sa ating mga Bantay Bayan at Health Workers na walang sawang tumulong at nakiisa sa ating clean-up drive. Dahil sa inyong bayanihan, mas nagiging malinis at ligtas ang ating barangay.
Tuloy-tuloy lang po ang sama-samang pagkilos para sa ikabubuti ng ating komunidad.
Kita-kits ulit tayo sa susunod na Sabado!
BASTA SAMA-SAMA , KAYANG-KAYA! ๐
USB**G LAKANDULA ๐ค๐ป
03/07/2026
PAALALA PARA SA MGA SENIOR CITIZENS ๐ฃ๐ฃ๐ฃ
Sa lahat po ng mga nakalista ang pangalan sa ibaba, ang inyong PAY OUT ay gaganapin sa JULY 23, 2026 (THURSDAY), alas-5:00 ng umaga sa Barangay Duquit Covered Court.
LIBRENG SAKAY
upang mas maging maginhawa ang inyong pagpunta sa payout venue, magkakaroon po tayo ng libreng sakay para sa ating mga senior citizens.
MEETING PLACE
: BARANGAY HALL
WAITING TIME
: 4:40 A.M
DATE
: JULY 23, 2026
Inaanyayahan po ang lahat ng mga beneficiaries na nasa listahan na dumating nang maaga upang makaalis tayo sa tamang oras at maging maayos ang proseso ng ating pagpunta sa payout venue.
Kung may mga katanungan po kayo maari po kayong magtungo sa opisina po ni Senior President Erlinda Boada sa 12th Street Covered Court katabi po ng Barangay Outpost po natin.
MARAMING SALAMAT PO!
02/07/2026
๐๐๐๐ ๐โ๐, ๐๐๐๐ | PAGPAPATUPAD NG SCHOOL SAFETY ASSISTANCE
Sa pangunguna ng ating Punong Barangay, Kap. Jerrymie Dionisio, katuwang sina Kagawad Benjamin Sanidad at Ex-O Ronnie Cortez, nagtalaga po tayo ng mga Barangay Public Safety Officers (BPSO) sa paligid ng Lakandula Elementary School upang tumulong sa pagpapanatili ng kaayusan at masig**o ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral sa oras ng kanilang pagpasok at pag-uwi.
Layunin ng inisyatibong ito na matulungan ang mga batang ligtas na makatawid sa kalsada, maiwasan ang anumang aksidente, at makapagbigay ng agarang tulong sakaling magkaroon ng anumang insidente sa paligid ng paaralan. Naniniwala ang inyong pamunuan na ang kaligtasan ng bawat mag-aaral ay isang mahalagang responsibilidad na nangangailangan ng pagtutulungan ng barangay, paaralan, mga magulang, at ng buong komunidad.
Kami po ay humihingi ng paumanhin sa anumang panandaliang abalang maaaring maidulot ng aming pagpapatupad ng mga hakbang sa seguridad. Ang lahat ng ito ay ginagawa lamang upang matiyak na ligtas ang ating mga mag-aaral habang sila ay pumapasok at umuuwi mula sa paaralan.
Maraming salamat sa ating masisipag na mga Barangay Public Safety Officers (BPSO) sa kanilang dedikasyon, disiplina, at walang sawang paglilingkod. Gayundin, taos-puso kaming nagpapasalamat sa pakikiisa, pag-unawa, at suporta ng ating mga residente.
Ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral ay responsibilidad nating lahat. Sama-sama nating pangalagaan ang kanilang kinabukasan.
30/06/2026
BARANGAY LAKANDULA ๐ฃ๐ฃ๐ฃ
JUNE 29 โ 30, 2026
(LUNES at MARTES)
Sa pangunguna ng ating masipag na Punong Barangay Jerrymie "B**g" Dionisio, katuwang sina Kagawad Benjamin "Noy" Sanidad at Ex-O Ronnie Cortez, nagsagawa ng bag inspection ang ating mga masisipag na Barangay Tanod at Purok Leaders sa mga mag-aaral ng Dr. Adelaido C. Bernardo High School.
Ang layunin ng isinasagawang inspeksyon ay tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng bawat mag-aaral sa loob at paligid ng paaralan. Sa pamamagitan ng maayos at maingat na pag-iinspeksyon ng mga school bag, nais nating maiwasan ang pagpasok ng anumang ipinagbabawal o mapanganib na bagay na maaaring magdulot ng hindi kanais-nais na insidente.
Ang gawaing ito ay bahagi ng patuloy na programa ng ating Barangay na mapanatili ang isang ligtas, mapayapa, at disiplinadong komunidad, lalo na para sa ating mga kabataan.
Isinagawa rin ang inspeksyon nang may paggalang, kaayusan, at pakikipagtulungan sa pamunuan ng paaralan upang matiyak ang kapakanan ng bawat mag-aaral.
Lubos po ang aming pasasalamat sa administrasyon ng Dr. Adelaido C. Bernardo High School, sa mga g**o, mga magulang, at higit sa lahat sa mga mag-aaral na nakiisa at nagpakita ng kooperasyon sa isinagawang aktibidad.
Patuloy po nating isulong ang kultura ng pag-iingat, disiplina, at pagkakaisa para sa isang mas ligtas na paaralan at mas maunlad na barangay.
20/06/2026
HAPPY FATHER'S DAY sa lahat ng magigiting na ama ng Barangay Lakandula! ๐๐
Sa araw na ito, ating ipinagdiriwang at pinaparangalan ang lahat ng mga tatay na walang sawang nagsisikap, nagsasakripisyo, at nagsisilbing haligi ng kanilang pamilya. Maraming salamat sa inyong pagmamahal, gabay, sipag, at dedikasyon upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang inyong mga anak at mahal sa buhay.
Isang espesyal na pagbati rin ng Happy Father's Day sa Ama ng Barangay Lakandula - Kap JERRYMIE "B**G" DIONISIO Maraming salamat po Kap, sa inyong walang kapagurang paglilingkod, malasakit, at mga sakripisyong ginagawa para sa kapakanan ng ating barangay. Kayo po ay nagsisilbing inspirasyon hindi lamang bilang isang lider kundi bilang isang responsableng ama na inuuna ang kapakanan ng pamilya at komunidad.
Nawa'y patuloy kayong pagpalain ng mabuting kalusugan, lakas, at karunungan upang maipagpatuloy ang inyong mabuting hangarin at serbisyo sa ating mga kabarangay.
Muli, HAPPY FATHER'S DAY SA LAHAT NG AMA! Saludo kami sa inyong pagmamahal, sakripisyo, at walang kapantay na dedikasyon para sa inyong pamilya at sa ating komunidad. ๐๐จโ๐งโ๐ฆ
20/06/2026
PAUNAWA ๐ฃ๐ฃ๐ฃ
Sa mga may katanungan tungkol sa aming post kahapon hinggil sa listahan ng mga Senior Citizen na edad 70 taong gulang pataas, maaari po kayong magtungo sa ating Barangay Hall sa Martes, Hunyo 23, 2026, mula 3:00 PM hanggang 5:00 PM.
Sasagutin po ng ating Senior Citizen President na si Nanay Linda Boado ang lahat ng inyong mga katanungan, kabilang ang:
โ
Mga maling detalye o correction sa pangalan
โ
Mga nakalistang yumao na po
โ
Mga hindi naisama o hindi nakalista sa batch na ito
โ
Iba pang kaugnay na katanungan tungkol sa listahan
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at pang-unawa.
19/06/2026
BARANGAY LAKANDULA ๐ฃ๐ฃ๐ฃ
Sa mga Senior Citizen po na nagpalista sa ating Kapitan Jerrymie V. Dionisio - narito na po ang 1st Batch ng listahan (70 years old pataas).
Inaanyayahan po ang lahat na tingnan ang nakapaskil na listahan upang malaman kung kabilang ang inyong pangalan.
Maghintay lamang po tayo ng susunod na anunsyo para sa eksaktong petsa, oras, at lugar ng payout.
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at pag-unawa.
13/06/2026
BARANGAY LAKANDULA ๐ฃ๐ฃ๐ฃ
EXHIBITION GAME 2026 ๐
Handa na ba kayo sa isang kapanapanabik na laban? Sama-sama nating suportahan ang ating mga kinatawan sa nalalapit na Exhibition Game ng ating barangay!
TEAM KAPITAN ๐ TEAM SK CHAIRMAN
KAILAN
: JUNE 14, 2026
ORAS
: 5:00 NG HAPON
SAAN
: 12TH STREET - COVERED COURT
Inaanyayahan namin ang lahat ng residente na makiisa at makisaya sa isang gabi ng pagkakaisa, palakasan, at kasiyahan. Dalhin ang inyong pamilya at mga kaibigan at suportahan ang inyong paboritong koponan!
Tara na at tunghayan kung sino ang magwawagi sa labanang ito ng husay, diskarte, at pagkakaisa!
KITA-KITS SA COURT!