13/05/2026
Sa pagdiriwang ng fiesta ng ating minamahal na barangay, taos-pusong pagbati at pasasalamat sa lahat ng TODA ng Brgy. Lakandula na patuloy na nagsisilbi at tumutulong sa ating komunidad araw-araw.
Bilang munting pagpapahalaga, naglaan ng pagkain at drinks ang Team Mallari upang makiisa sa masaya at makabuluhang selebrasyon ng ating fiesta.
Sa pangunguna ni Kgwd Edgar Mallari kasama ang buong Team Mallari, patuloy na isinusulong ang serbisyong may malasakit, paggalang, at tunay na pakikiisa sa mamamayan.
Isang mapayapa, masaya, at makabuluhang Fiesta sa ating lahat! 💙
• HON. EDGARDO S. MALLARI
• Kag. Eduardo “DHO” San pedro
• Kag. Brenda “Sec” Dapitan
• Kag. Venjo De Leon
• Kag. Reynaldo “Rey” Mangilit
• Kag. Junio “Fox” Odullo
• Kag. Librado “Day” Pine
• Kag. Elmer “Kulot” Madlambayan
💪
12/05/2026
Maligayang Fiesta, Barangay Lakandula ✨
Buong paggalang na ipinapaabot ni Kgwd Edgar Mallari at ng bumubuo sa TEAM MALLARI ang kanilang taos-pusong pakikiisa sa pagdiriwang na ito—na sumasalamin sa ating pagkakaisa, bayanihan, at malasakit sa kapwa.
Nawa’y magsilbing inspirasyon ang okasyong ito upang higit pa nating patatagin ang diwa ng bayanihan—isang pundasyong magdadala sa atin tungo sa mas maayos, ligtas, at maunlad na pamayanan. Sa patuloy na pagtitiwala at suporta ng mamamayan, hangad niya ang isang mas progresibo at inklusibong Barangay Lakandula para sa kasalukuyan at sa susunod na henerasyon.
Isang mainit at taos-pusong pagbati sa inyong lahat. Nawa’y maging makabuluhan, ligtas, at hitik sa biyaya ang pagdiriwang ng ating pista.
HON. EDGARDO S. MALLARI
MALLARITANALAKANDULA
11/05/2026
May 11, 2026 Sunday Morning
Muling nagkaisa ang Team Mallari
upang ayusin at tapusin ang naiwan
na proyekto ng Team Mallari sa
Lakandula Elementary School.
Ang layunin ng pagsasaayos ng naturang
proyekto ay upang mapanatili ang kaayusan
at mapakinabangan ng mga mag-aaral ng
Lakandula Elementary School ang hallway
ng paaralan.
Sa pangunguna ng ating butihing
Kagawad Edgar Mallari,
soon-to-be Barangay Kapitan,
ay muling nagbayanihan
ang Team Mallari upang matapos ang
proyekto sa Lakandula Elementary School.
04/05/2026
Sa nalalapit na kapistahan ngayong Mayo 12–13, 2026, nawa’y mapuno ng saya, pagkakaisa, at pagpapala ang bawat tahanan.
Isang pagpupugay sa ating mayamang kultura, matibay na samahan, at walang sawang bayanihan ng bawat Lakandueño. 💙
Sama-sama nating ipagdiwang ang ating fiesta nang may ngiti, respeto, at pagmamalasakit sa isa’t isa.
03/05/2026
May 03, 2026 | Sunday Morning
Sa pangunguna ng ating butihing
Kagawad Edgar Mallari (soon-to-be Punong Barangay),
muling nagbayanihan ang Team Mallari,
kaagapay ang mga masisipag na kagawad:
• Kag. Brenda “Sec” Dapitan
• Kag. Eduardo “DHO” Sanpedro
• Kag. Elmer “Kulot” Madlambayan
• Kag. Junio “Fox” Odullo
• Kag. Reynaldo “Rey” Mangilit
• Kag. Librado “Day” Pine
• Kag. Venjo De Leon
• Kag. Jimmy “Jim” Flores
Asahan po ninyo ang patuloy na malasakit
at tuloy-tuloy na serbisyo para sa lahat ng mamamayan.
27/04/2026
Happy birthday
Hon. Mayor Geld Aquino
26/04/2026
Muling nag bayanihan ang team mallari at suporters nitong araw ng linggo
April 26,2026
Maraming salamat po MALLARI TANA
LAKANDULA sa pag tugon sa bayanihan
Project ng Team Mallari
At sa pag tatapos ng Bayanihan project ngayong araw ng team mallari sa
Lakandula elementary school
Saludo po kmi sa kasipagan at sacripisio
Ng team mallari maraming salamat po
Mabuhay po kayo!