21/10/2026
🍲💖 Maraming-maraming salamat po, Ma’am Ruth Rivera-Manzano. Taos-puso pong nagpapasalamat ang Mabini Central School (MCS) sa inyong patuloy na pagsuporta at pagiging sponsor ng aming Monthly Feeding Program. Malaking tulong po ang inyong kabutihang-loob upang mabusog, mapasaya, at mapanatiling masigla ang ating mga mag-aaral.
Nawa'y patuloy kayong pagpalain ng Panginoon ng mabuting kalusugan, kaligayahan, at mas marami pang biyaya. Maraming salamat po sa inyong pusong mapagbigay at pagmamahal sa ating mga bata! ❤️🙏
Busog ang tiyan, masigla ang isipan!💗