30/08/2026
Magandang gabi po sainyong lahat!
Nais lang po namin ipaliwanag ang pinaglalaanan ng budget ng sangguniang kabataan ngayong taon. Ang budget po ng sangguniang kabataan ay nakalaan sa EDUCATION at DISASTER RISK REDUCTION OR PREPARATION ngayong taon kaya wala po kaming iniimplement na paliga. Sa kadahilanang hindi lamang po liga ang pangangailangan ng mga kabataan, nais din po namin na magbigay pansin sa iba pang mga sektor na magkakabenepisyo sa kabataan.
Kaya humihingi po kami ng pasensya kung sa tingin ninyo ay napapabayaan na namin ang larangan ng isports. Ginagawa po ng buong sanggunian ng kabataan na gawan ng paraan kahit ODL ang pagpapalaro ngayong taon sa ilalim ng event na LNK o Linggo ng Kabataan. Sa nasabing proyekto, inaasahan po namin ang lahat ng inyong partisipasyon at pakikiisa. Antabayanan po natin ang mga announcement dito sa page para sa event na ito. Salamat po at magandang gabi ulit sa ating lahat.