04/10/2026
𝗦𝗖𝗛𝗢𝗟𝗔𝗥 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗣𝗔𝗚-𝗔𝗦𝗔 𝗢𝗥𝗗𝗜𝗡𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗢𝗙 𝟮𝟬𝟮𝟲📚🧑🎓
𝐀𝐩𝐩𝐫𝐨𝐯𝐞𝐝 𝐨𝐧 𝐢𝐭𝐬 𝐭𝐡𝐢𝐫𝐝 𝐚𝐧𝐝 𝐥𝐚𝐬𝐭 𝐫𝐞𝐚𝐝𝐢𝐧𝐠
𝐌𝐚𝐡𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐡𝐚𝐠𝐢 𝐧𝐠 𝐎𝐫𝐝𝐢𝐧𝐚𝐧𝐬𝐚:
1. Ang mga kwalipikadong scholars ay makakatanggap ng pro-rata na pinansyal na tulong kada-semester hanggang sa makatapos sila ng pag-aaral sa kolehiyo.
2. Kwalipikasyon ng mga Scholars; (a.) Residente ng Barangay, (b.) Mula sa pamilyang wala pang nakaka-graduate sa kolehiyo (Only one for each family), (c.) Pamilyang nakakaranas ng pinansyal na hirap, at(d.) Estudyanteng wala o hindi nakakatanggap ng ibang scholarship sa ibang government agencies;
3. Mga kailangan sa aplikasyon;
4. Pagbuo ng Scholarship Selection at Verification Committee para sa patas at tapat na pagpili ng mga Barangay Scholars;
5. Application at Selection na proseso;
6. Kinakailangan grado upang manatili sa scholarship, hindi bababa ng 80 sa kahit anong subject para sa mga regular na estudyante at pagbibigyan naman ang mga estudyanteng “working students, students caregivers, extreme circumtances” na magkaroon ng maximum na grado na 75-79.
7. Dahilan na pagkakaalis sa scholarship; at
8. Pagmumulan ng pondo (50% mula sa Barangay Funds at 50% mula sa SK Funds).
Sa ika-19 na regular session ng Sangguniang Barangay ng Pag-asa, ngayong Oktubre 04, 2026 ay inaprubahan ang Proposed Ordinance No. 004, Series of 2026 na naglalayong magkaroon ng at least isang College Graduate sa kada isang pamilya sa ating Barangay.
Nagpapasalamat tayo sa bumubuo ng Sangguniang Barangay, sa pangunguna ni Kap. Sherwin De Luna, SB Members at Barangay Treasurer at Barangay Secretary sa pagsuporta sa hangaring sumuporta sa ating mga estudyante.
Bagamat ito ay maliit lamang na tulong kumpara sa mga gastusin sa pag-aaral, umaasa pa rin kami na ito ay makakatulong upang kayo ay makapagtapos sa inyong pag-aaral at sa hangaring mabago nito ang inyong buhay.
Maraming Salamat!
Para sa bawat mamamayan ng Pag-asa ito!
Para sa kabuuang detalye, buksan ang gdrive na ito;
👉https://drive.google.com/drive/folders/1xISctcW4pcEeJFVFrYyWe2QTPEfs1k2h?usp=sharing