Laguna Environmental Advocate for The Future - LEAF

Directions Website

Laguna Environmental Advocate for The Future - LEAF "MAKAKALIKASANG KABATAAN"

23/05/2026
STEP SIERRA MADRE
22/05/2026

STEP SIERRA MADRE

Mula sa mga kabataan ng LEAF: Isang taos-pusong pasasalamat sa STEP SIERRA MADRE SECCAD CAMP 🫶🌿 Maraming, maraming salam...
22/05/2026

Mula sa mga kabataan ng LEAF: Isang taos-pusong pasasalamat sa STEP SIERRA MADRE SECCAD CAMP 🫶🌿

Maraming, maraming salamat po sa STEP SIERRA MADRE SECCAD CAMP sa napakagandang karanasan, pagtanggap, at pagmamahal na ipinadama ninyo sa amin mula pa sa simula hanggang sa huli. Hindi po namin malilimutan ang bawat sandali ng pag-aaral, masasayang gawain, at pagkakaisa na aming naranasan dito. Ang inyong pagsisikap at dedikasyon upang maging matagumpay at makabuluhan ang CAPM na ito ay lubos po naming hinahangaan at pinasasalamatan.

At taos-puso rin kaming nagpapaabot ng aming pasasalamat sa NAGSKKA. 🥰🙏 Maraming salamat po sa inyong walang pagod na paghahanda ng aming makakain — sa bawat ulam, sa bawat kainan, at sa pagmamahal na inyong isinama sa bawat hapag-kainan. Sobrang sarap po ng lahat, at higit sa lahat, naramdaman namin ang inyong malasakit at pag-aalaga sa amin. Busog po hindi lamang ang aming tiyan, kundi pati na rin ang aming mga puso.

Dala namin pauwi ang mga aral, magagandang alaala, at mas matibay na paninindigan para pangalagaan ang ating kalikasan. Hinding-hindi po namin kayo makakalimutan.

Muli, maraming salamat po at pagpalain nawa kayo ng Maykapal! 💚✨

— Mga Kabataan ng LEAF 🍃



Isang makakalikasng pagbati sa iyong karawan Bb. Loraine malugod po naming ipinapaabot ang aming pagbati sa inyong kaara...
18/05/2026

Isang makakalikasng pagbati sa iyong karawan Bb. Loraine malugod po naming ipinapaabot ang aming pagbati sa inyong kaarawan! Nawa'y maging masaya at makabuluhan ang araw na ito para sa inyo.

Bilang isang lider na nagmamalasakit sa kalikasan, saludo po ako sa inyong pagsisikap. Hangad ko na matupad ninyo ang inyong mga plano para sa ating inang kalikasan, at patuloy kayong maging inspirasyon sa ating komunidad.

At naway makamit mo ang iyong pangarap at asahan ninyo ang aming suporta. Nawa'y maging matagumpay kayo sa inyong mga layunin.

🌿💚
10/05/2026

🌿💚

“Kung paanong ang isang ina ay walang sawang nag-aaruga, ganoon din ang kalikasan—tahimik na nagbibigay, yumayakap, humuhubog at nagsasakripisyo para sa atin araw-araw.”
‎
‎Sa pagdiriwang ng Mother’s Day, hindi lamang natin binibigyang-pugay ang ating mga ilaw ng tahanan, kundi pati ang ating Inang Kalikasan na patuloy na nagbibigay-buhay sa mundo. Mula sa hanging ating nilalanghap, tubig na ating iniinom, hanggang sa mga punong nagbibigay-lilim at pag-asa—lahat ito’y bunga ng kanyang walang kapantay na pag-aaruga at pagmamahal.
‎
‎Ngayong Mother’s Day, alagaan natin hindi lamang ang ating mga ina, kundi pati ang mundong matagal nang nag-aaruga sa atin. Dahil ang tunay na pagmamahal ay hindi lang ipinapakita sa salita, kundi sa pagkilos para sa kinabukasan ng ating kalikasan.


HAPPY MOTHER'S DAY OUR DEAREST MAMA , MUMMY, NANAY, NAY, INA HAPPY MOTHER'S OUR DEAREST INANG KALIKASAN, Sa araw na ito,...
09/05/2026

HAPPY MOTHER'S DAY OUR DEAREST MAMA , MUMMY, NANAY, NAY, INA

HAPPY MOTHER'S OUR DEAREST INANG KALIKASAN,

Sa araw na ito, taos-puso kaming nagpupugay at nagpapasalamat sa inyong dalawa—ang dalawang dakilang nilalang na nagbigay sa akin ng buhay, pagmamahal at tahanan.

Ikaw, tanging INA, ang nagbuhat sa amin sa iyong sinapupunan, nagpalaki, nagturo, at nag-alaga nang walang pagod at walang hinihintay na kapalit. Ang iyong pagmamahal ay parang liwanag na gumagabay sa akin sa bawat hakbang, at ang iyong mga sakripisyo ay walang katumbas na kayamanan.

Ikaw naman, INANG KALIKASAN, ang nagbigay ng hangin na aking nilalanghap, tubig na aking iniinom, pagkaing nagbibigay lakas, at ganda ng paligid na nagpapasaya sa aking puso. Ang iyong pagkalinga ay walang hanggan, at ikaw ang tahanan nating lahat.

Pangako ko, mamahalin, iingatan at pasasalamatan ko kayo habang ako’y nabubuhay. Maligayang Araw ng mga INA sa inyong dalawa!



Isang makakalikasng pagbati sa iyong karawan Bb. Florie May malugod po naming ipinapaabot ang aming pagbati sa inyong ka...
09/05/2026

Isang makakalikasng pagbati sa iyong karawan Bb. Florie May malugod po naming ipinapaabot ang aming pagbati sa inyong kaarawan! Nawa'y maging masaya at makabuluhan ang araw na ito para sa inyo.

Bilang isang lider na nagmamalasakit sa kalikasan, saludo po ako sa inyong pagsisikap. Hangad ko na matupad ninyo ang inyong mga plano para sa ating inang kalikasan, at patuloy kayong maging inspirasyon sa ating komunidad.

At naway makamit mo ang iyong pangarap at asahan ninyo ang aming suporta. Nawa'y maging matagumpay kayo sa inyong mga layunin.

Address

Sitio Binacuran
Mabitac
4020

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Laguna Environmental Advocate for The Future - LEAF posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share