15/10/2026
📢 PAABISO SA LAHAT NG MAGALEÑOS
Ang nakatakdang PhilSys National ID Registration sa October 17, 2026 (Saturday) ay gaganapin sa Barangay Hall, San Agustin, Magalang, Pampanga.
Inaanyayahan ang mga Magaleños na samantalahin ang pagkakataong ito upang makapagparehistro sa PhilSys National ID.
📌 MAHALAGANG PAALALA:
Bibigyang-prayoridad muna ang mga RESIDENTE NG SAN AGUSTIN, partikular ang mga nakatira sa San Agustin. Dahil limitado lamang ang bilang ng mga kliyenteng maaaring ma-accommodate, ang mga residente ng ibang barangay ay maaaring ma-accommodate lamang kung may matitirang available na slots matapos mabigyan ng pagkakataon ang mga residente ng San Agustin.
📄 MGA DAPAT DALHIN:
Magdala ng valid identification at/o supporting document tulad ng PSA/LCRO-issued Certificate of Live Birth, valid government-issued ID, o iba pang katanggap-tanggap na dokumento na maaaring gamitin upang mapatunayan ang inyong pagkakakilanlan at demographic information, kabilang ang petsa at lugar ng kapanganakan.
⚠️ Paalala: Ang mga dokumento ay sasailalim sa validation at verification alinsunod sa mga itinakdang requirements ng PhilSys.
Maraming salamat sa inyong pakikiisa at pang-unawa.