23/08/2026
ππ TINAWID ANG DAGAT PARA SA KALUSUGAN NG ATING MGA CHIKITING! β€οΈπΆ
Ngayong August 20, 2026, nagtungo ang aming team sa Barangay Cocoro, Magsaysay, Palawan upang ipagpatuloy ang Bakuna Ligtas Tigdas / MR-SIA at mabigyan ng karagdagang proteksyon ang ating mga chikiting laban sa tigdas at tigdas-hangin (rubella). π
π Tinawid ng aming team ang dagat upang mailapit ang serbisyong pangkalusugan sa ating mga kababayan sa Barangay Cocoro. Dahil para sa kalusugan ng ating mga anak, walang layo at walang alon na hadlang sa serbisyo! πͺβ€οΈ
Lubos ang aming pasasalamat sa mga magulang at guardians na naglaan ng oras at nagdala sa kanilang mga chikiting. Maraming salamat sa inyong pagtitiwala at sa paglalagay sa unahan ng kalusugan at kapakanan ng inyong mga anak. π
Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa Pamunuan ng Barangay Cocoro, mga barangay officials at buong komunidad sa inyong mainit na pagtanggap, pakikiisa at walang-sawang suporta sa mga programang pangkalusugan. β€οΈ
At higit sa lahat, saludo sa aming mga health workers at CVHWs na patuloy na naglilingkod nang may malasakit at dedikasyonβsa lupa man o sa kabilang pampang. ππͺ
π Serbisyong pangkalusugan, tatawid sa dagat para sa bawat bata!
π Bakuna ngayon, dagdag proteksyon para sa mas ligtas at malusog na kinabukasan!
π Barangay Cocoro, Magsaysay, Palawan
π
August 20, 2026