SMNI Foundation Inc.

SMNI Foundation Inc.

Share

Building resilience through every challenge.

29/10/2025

Back-to-back program ang inihandog ng SMNI Foundation sa Cabanatuan City kamakailan.

Isang anti-illegal drugs symposium ang isinagawa para sa mga estudyante ng Midway Colleges, at isang financial literacy forum naman para sa mga estudyante ng PHINMA-Araullo University.

Photos from SMNI Foundation Inc.'s post 28/10/2025

📍 Cabanatuan City

Hindi lang basta kumita — dapat marunong ding mag-ipon at magplano.

Ganito ang mensaheng dala ng Financial Literacy Forum na isinawa ng SMNI Foundation sa PHINMA-Araullo University.

Sa forum na ito, natutunan ng daan-daang BS Hospitality Management at BS Criminology students kung paano gawing habit ang smart money moves — mula sa budget hanggang sa investment, para sa mas secured na future.

Dahil hindi lang pera ang puhunan, kundi disiplina at kaalaman.


Photos from SMNI Foundation Inc.'s post 28/10/2025

📍 Cabanatuan City

Pinangunahan ng SMNI Foundation Inc. ang Anti-Illegal Drugs Symposium na nilahukan ng 500 mag-aaral ng Midway Colleges, Cabanatuan City.

Ang Drug Symposium ay isa sa mga programa o aktibidad ng foundation na nakikipag-ugnayan sa PDEA para magbigay ng impormasyon at kaalaman tungkol sa mga isyu na may kinalaman sa ilegal na droga, tulad ng paggamit, epekto, at pag-iwas nito.

Sa ilalim ng programa, kaisa ang SMNIFI para maprotektahan ang mga estudyante at mga kabataan laban sa mga panganib ng droga at magbigay ng mga kasanayan at kaalaman upang sila ay maging responsable at produktibong mamamayan.

Ang Midway Colleges na benepisyaryo ng SMNFI ay binubuo ng mga estudyanteng marino at mahalaga sa kanila ang programang ito para matulungan sila sa maayos na pangangatawan, mapangalagaan ang kalusugan at mapaghandaan nang mabuti ang kanilang kinabukasan bilang isang marino.

Kadalasan, ang mga marino ay sumasailalim sa mga mahigpit na pagsusuri at screening, kabilang ang drug testing, upang matiyak na sila ay fit at kwalipikado para sa trabaho sa dagat.

24/10/2025

Matapos umikot sa iba’t ibang panig ng bansa, muling kumilos ang SMNI Foundation Inc. — tangan ang pag-asa, ginhawa, at pagmamahal para sa mga biktima ng lindol sa San Isidro, Davao Oriental.

Sa gitna ng pagkawasak, dumating ang liwanag.

Lumuluhang pasasalamat ang isinusukli ng mga residente sa tulong na dumating — isang patunay na sa bawat trahedya, may mga kamay pa ring handang maghatid ng pag-asa.

24/10/2025

DAVAO ORIENTAL GOVERNOR EXPRESSES GRATITUDE TO SMNI FOUNDATION INC.

Governor Nelson Dayanghirang of Davao Oriental extends his heartfelt thanks to SMNI Foundation Inc. for successfully assisting hundreds of families through a two-day relief operation in the province.

SMNI-FI distributed bulk supplies of rice, food packs, and clean water to residents in the villages of San Ignacio and San Isidro in the municipality of Manay.

These relief efforts were made possible through the generous support of sponsors, televiewers, and partners of SMNI under the humanitarian programs of Pastor Quiboloy.

24/10/2025

Hanggang ngayon, dama pa rin ng isang pamilya sa Brgy. Culibao, Manay ang panghihina at takot na iniwan ng magnitude 7.4 na lindol na yumanig sa Davao Oriental.

Isang trahedyang babago sa takbo ng kanilang buhay, ngunit hindi kayang wasakin ang kanilang pag-asa.

Photos from SMNI Foundation Inc.'s post 23/10/2025

MAKITA LANG KAYONG MASAYA

Sa kabila ng mga trahedyang yumanig sa Davao Oriental, ngayon ay halakhak at ngiti na muli ang nangingibabaw sa Brgy. San Isidro, Manay.

Ang dating mga matang puno ng takot, ngayo’y kumikislap sa tuwa at pag-asa. Makikita sa bawat mukha ang taos-pusong pasasalamat—parang muling binuhay ang pag-asa sa kanilang mga puso.

Sako-sakong bigas, galon-galong tubig, balde-baldeng grocery items, at ready-to-eat meals—mga biyayang hatid ng SMNI Foundation para sa mga pamilyang unti-unting bumabangon mula sa pagkawasak.

Hindi alintana ng aming mga volunteer ang pagod, puyat, at init, maihatid lamang ang tulong at malasakit sa bawat tahanang muling bumabangon mula sa trahedya.

Dahil para sa amin, makita lang kayong masaya—iyon na ang pinakamatamis na gantimpala.

23/10/2025

Assessment sa ating matagumpay na 2-day relief drive sa Manay, Davao Oriental.

Maraming salamat sa mga nagpaabot ng tulong!

Tatag lang at mabuhay ang pagkakaisa ng bawat Pilipino!

23/10/2025

PANOORIN: Komento ng political vlogger na si Pambansang Loyal sa matagumpay na 2-day relief drive sa mga biktima ng lindol sa Manay, Davao Oriental.

23/10/2025

Komento ng political vlogger na si Boss Dada TV sa 2-Day relief operations ng SMNI Foundation Inc. sa Manay, Davao Oriental.

23/10/2025

‘DEKADA ‘80 PUMUNTA DITO SI PASTOR’

Ikinuwento ni Barangay Captain Eleazar Dajao ng San Isidro, Manay ang unang pagbisita noon ni Pastor Quiboloy sa Manay, Davao Oriental noong dekada ’80.

Nagpasalamat din siya sa butihing Pastor sa pagpapadala ng bulto-bultong ayuda sa pamamagitan ng SMNI Foundation Inc. sa kanilang barangay na epicenter ng 7.6 magnitude na lindol sa Davao Oriental.

Photos from SMNI Foundation Inc.'s post 23/10/2025

ANG HINDI NAKIKITANG BAHAGI NG MISYON

Bago pa man maramdaman ng mga residente ng Brgy. San Isidro ng Manay, Davao Oriental ang ginhawa ng tulong, may mga pusong matagal nang kumikilos sa likod ng kamera. Habang ang iba’y nagpapahinga, sila’y nagbubuhat, nagbabalot, at nagdarasal para sa bawat pamilyang aabutan ng tulong.

Sila ang Bible school student volunteers ng SMNI Foundation Inc. Sila ang mga kabataang pinanday sa aral ni Pastor Quiboloy — maging maka-Diyos, responsable, at matulungin sa nangangailangan.

Ganito kapag ang kabataan ay tinuruan ng tama, naglilingkod sila sa tama.

Want your business to be the top-listed Government Service in Makati?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Address


ACQ Tower, Sta. Rita Street , Guadalupe Nuevo
Makati
1212