14/10/2024
𝑷𝒂𝒂𝒍𝒂𝒎 𝒔𝒂 𝒏𝒂𝒈-𝒊𝒊𝒔𝒂𝒏𝒈 𝑲𝑨𝑷𝑰𝑻𝑨𝑵 𝒏𝒂 𝒏𝒂𝒔𝒂 𝒑𝒖𝒔𝒐 𝑵𝑰Ñ𝑶.
He is a true leader who dedicated his life to the service with his unwavering commitment for the people of West Rembo. His leadership and compassion for his constituents have left a lasting impact in their hearts. He will be forever missed and never forgotten.
Magkakaroon po tayo ng public viewing sa labi ng ating namayapang Kapitan Niño Cunanan ngayong Miyerkules, October 16, 2024 sa ganap na 3:00 ng hapon hanggang 8:00 ng umaga ng Oct.17, 2024 sa West Rembo Sports complex.
Sa mga nais bumisita at makiramay, magtungo lamang po sa nasabing lugar. Maraming Salamat po.
12/10/2024
𝐍𝐚𝐢𝐢𝐧𝐢𝐩 𝐧𝐚 𝐛𝐚 𝐤𝐚𝐲𝐨, 𝐖𝐞𝐬𝐭 𝐑𝐞𝐦𝐛𝐨𝐳𝐞𝐧𝐬?!
Baka nagtataka kayo kung saan makakakuha ng tickets ang mga puwedeng dumalo? Pwes, narito na ang guidelines para sa pagkuha ng tickets para sa Gabi ng Kabataan (GnK):
1. Mayroon lamang tayong 𝟯𝟬𝟬 𝗧𝗜𝗖𝗞𝗘𝗧𝗦 para sa event na ito. Ang mga ticket holder lamang ang maaaring sumali sa raffle at pumasok sa loob ng barricade.
2. Magsisimula ang Registration and Claiming of Tickets mamayang 𝟱:𝟬𝟬 𝗣𝗠, 𝘀𝗮 𝗪𝗲𝘀𝘁 𝗥𝗲𝗺𝗯𝗼 𝗤𝘂𝗮𝗱𝗿𝗮𝗻𝗴𝗹𝗲.
3. Mga kabataan mula sa 𝗪𝗲𝘀𝘁 𝗥𝗲𝗺𝗯𝗼 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝘆 𝗲𝗱𝗮𝗱 𝟭𝟱 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝟯𝟬 lamang ang puwedeng kumuha ng tickets.
4. Kinakailangang magdala ng anumang Valid ID na mayroong 𝗛𝗼𝗺𝗲 𝗔𝗱𝗱𝗿𝗲𝘀𝘀 𝗮𝘁 𝗕𝗶𝗿𝘁𝗵𝗱𝗮𝘆 upang makakuha ng ticket. 𝗡𝗢 𝗜𝗗, 𝗡𝗢 𝗧𝗜𝗖𝗞𝗘𝗧!
5. Opisyal na magsisimula ang GnK mamayang 7:00 PM. Upang hindi matagalan, inaaanyayahan na pumunta nang mas maaga dito. Ipakita lamang ang ticket upang makapasok sa loob ng barricade.
Paano naman kung napili ka sa mga raffle?
1. Kung sakaling mapili sa raffle, kinakailangang maipakita ang 𝗧𝗜𝗖𝗞𝗘𝗧 at 𝗜𝗗 upang makuha ang premyo. NO ID and TICKET, NO PRIZE!
2. Kinakailangang 𝗣𝗛𝗬𝗦𝗜𝗖𝗔𝗟𝗟𝗬 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗘𝗡𝗧 ang mga napili. Para maging patas, hindi papayagan ng Sangguniang Kabataan ng West Rembo na magkaroon ng kinatawan ang mapipili sa raffle.
Pinapaalala namin na mahigpit na 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗪𝗔𝗟 𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗨𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗚𝗨𝗟𝗨𝗛𝗔𝗡 na magaganap sa pagkuha ng tickets at maging sa GNK mismo.
Kitakits mamaya, West Rembozens!
12/10/2024
HETO NA... HETO NA... HETO NA! 🤩
Kabataan, mag-ingay! Ilang oras nalang at mapapanood na natin ang mga naggagalingang grupo ng kabataan sa pagsayaw at pagkanta. Sino kaya ang mananalo? Ang mananaig? Ang magwawagi? Alamin ang lahat ng ito mamayang gabi sa Barangay West Rembo Quadrangle!
Pinapaalala lamang ng Sangguniang Kabataan ng West Rembo na sundin ang house rules at proper etiquette sa pagdalo sa Gabi ng Kabataan.
Magkita-kita tayo mamaya, West Rembozens! Tandaan, mayroon lamang tayong 300 TICKETS para sa raffle mamaya. Kinakailangan mo lamang pumila at magdala ng Valid ID upang makakuha ng ticket.
Sponsors:
BARANGAY WEST REMBO
OGCJM
ORGANO
KANTO FRIES
CAFELY
KIMCHIBOG
🎨 Jhannary Fernandez
11/10/2024
ISANG TULOG NALANG! 🥳
Naiinip na ba kayo, West Rembozens?! Kating-kati na ba kayo gumiling-giling? Gustong-gusto niyo na bang mapaos sa pagsigaw, hiyaw, at pagkanta? Puwes, wag kayong mag-alala dahil isang tulog nalang at Gabi ng Kabataan na!
Hindi lang sayawan at jamming ang handog ng Sangguniang Kabataan ng West Rembo sa inyo. Hindi lang din hanggang grocery packs at gift certificates ang ipamimigay namin. Mayroon tayong dagdag raffle prizes mula sa mga piling sponsors... at siyempre, ang Grand Prize na Laptop! Kaya't halina at dumalo sa Gabi ng Kabataan bukas sa West Rembo Quadrangle!
NOTE: Ang mga makaka-SECURE ng tickets at ang PHYSICALLY PRESENT lamang ay ang mayroong tiyansa manalo ng mga raffle prizes. Kinakailangan ng Valid ID sa pagkuha ng ticket at premyo.
Sponsors:
BARANGAY WEST REMBO
OGCJM
ORGANO
KANTO FRIES
CAFELY
KIMCHIBOG
🎨 Jhannary Fernandez
10/10/2024
DALAWANG TULOG NALANG! 🤘🏽
A one... two... three! West Rembozens, handa na ba kayo?! Dalawang tulog nalang at Gabi ng Kabataan na! Tunghayan ang isang gabing hindi niyo malilimutan dahil handog ng Sangguniang Kabataan ng West Rembo ang Battle of the Bands at Dancetravaganza para sa inyo. Tayo rin ay magkakaroon ng raffle prizes tulad ng Grocery Packs at Starbucks Gift Certificates para sa kabataan na dadalo sa Sabado, October 12!
Sponsors:
BARANGAY WEST REMBO
OGCJM
ORGANO
KANTO FRIES
CAFELY
KIMCHIBOG
🎨 Jhannary Fernandez
10/10/2024
This is it, West Rembozens! 🎉
Ito na ang pinaka-aabangan nating 𝐆𝐀𝐁𝐈 𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐓𝐀𝐀𝐍 𝟐𝟎𝟐𝟒! 🪩
Mapapanuod na kung sino-sino ang maglalaban sa 𝐁𝐚𝐭𝐭𝐥𝐞 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐁𝐚𝐧𝐝𝐬 🎸 at 𝐃𝐚𝐧𝐜𝐞𝐭𝐫𝐚𝐯𝐚𝐠𝐚𝐧𝐳𝐚 🕺 sa 𝐎𝐜𝐭𝐨𝐛𝐞𝐫 𝟏𝟐, 𝟐𝟎𝟐𝟒, 𝟔:𝟎𝟎 𝐏𝐌, sa 𝐖𝐞𝐬𝐭 𝐑𝐞𝐦𝐛𝐨 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐇𝐚𝐥𝐥 𝐐𝐮𝐚𝐝𝐫𝐚𝐧𝐠𝐥𝐞.
Hindi lang yan, may mga 𝐫𝐚𝐟𝐟𝐥𝐞 𝐩𝐫𝐢𝐳𝐞𝐬 din ang Sangguniang Kabataan - West Rembo para sa mga dadalo—kaya i-ready niyo na ang inyong energy para maka-sabay sa pagkanta at indak kasama ang mga kalahok sa gabing iyon!
Pero 'wag magpapahuli dahil 200 tickets 🎫 lang ang ipapamigay ng SK West Rembo para sa mga gustong dumalo! Kitakits!
✍️: Patricia Francia
10/10/2024
𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆! 🎤
Malapit na ang inaabangan na GABI NG KABATAAN 2024! 🎉 Ready na ba ang lahat? Narito ang ilang paalala.
📌 DO'S AND DON'TS
Alamin ang mga alituntunin para sa maayos at isang masiglang pagdiriwang para sa lahat! ✅❌
🗺️ FLOOR PLAN
Gamitin ang floor plan ng di maligaw at magpahuli sa panonood ng iba't ibang pagtatanghal! 📍
🙌 SPONSORS
Salamat sa suporta at pagtitiwala! Abangan ang ilan sa mga sorpresa nila. 🙏✨
Sabay-sabay nating sulitin ang gabi! Kita-kits! 🌃