Ang protective custody ay hindi para pagtakpan o patakasin ang aarestuhin. Malinaw: may mga duwag at kasabwat ng duwag sa pananagutan.
ML Partylist
Para sa Pilipinas, Para sa bawat Pilipino. 🇵🇭
14/05/2026
Sa Senate premises po ako mapayapang humarap at nagpa-aresto noong Feb. 24, 2017. Get your facts straight, SP Alan!
Ang pinakamainam na solusyon ngayon ay sumuko na si Sen. Bato dela Rosa sa awtoridad. Wala nang dapat maging gulo o madamay pa. Dasal natin ang kaligtasan ng mga nasa Senado.
13/05/2026
Binabalot ang Senado ng mga pangyayaring hindi dapat: armed personnel with long fi****ms within the building, at nagkaroon pa ng putukan.
Masakit sa mata ang mga balitang nagaganap sa Senado ngayong gabi. Dapat na itong itigil.
Alam nating lahat kung saan nag-uugat ito — ito ay dahil sa pag-serve ng warrant of arrest para sa isang senador na matagal nang nagtago, at ngayon ginagamit na kanlungan ang institusyon para makaiwas sa pananagutan ng batas.
Nananalangin tayo na magtapos ito nang mapayapa. Umaasa ako na makipagnegosasyon ang gobyerno para sa mapayapang resolusyon nang hindi isinasakripisyo ang panawagan para sa mabilis na katarungan. Walang sinuman ang dapat masaktan para sa isang taong tumakas sa pananagutan.
𝐀𝐧𝐠 𝐒𝐞𝐧𝐚𝐝𝐨 𝐚𝐲 𝐢𝐬𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐡𝐮𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐧𝐝𝐢𝐠𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐝𝐞𝐦𝐨𝐤𝐫𝐚𝐬𝐲𝐚. 𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐢𝐭𝐨 𝐝𝐚𝐩𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐞𝐧𝐭𝐚𝐛𝐥𝐚𝐝𝐨 𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐫𝐚𝐡𝐚𝐬𝐚𝐧 𝐨 𝐤𝐚𝐧𝐥𝐮𝐧𝐠𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐬𝐢𝐧𝐮𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐮𝐦𝐚𝐭𝐚𝐤𝐛𝐨 𝐬𝐚 𝐛𝐚𝐭𝐚𝐬.
This should not be happening to the Senate of the Philippines.
13/05/2026
Happy Birthday, Sec. Mar Roxas! 🎉
We continue to look up to leaders like you who have shown what a true statesman is — a public servant true to his words, and a leader guided by integrity, competence, sincere service and compassion for the Filipino people.
Maraming salamat sa tapat at makabuluhang paglilingkod sa bayan.
Wishing you good health, bountiful blessings, and a joyful celebration with your beautiful family.
Maligayang kaarawan, Sec. Mar! ✨
13/05/2026
Arestuhin na 'yan!
13/05/2026
Matigas ang mukha ni Bato, ginagawang hotel ang Senado!
13/05/2026
SARA, LITISIN! BATO, ARESTUHIN! ✊🏻
Tara na at sama-sama nating kalampagin ang Senado para ilabas na si Bato Dela Rosa at litisin na si Sara Duterte.
Sara, Litisin!
Bato, Arestuhin!
Ang panawagan namin sa ML Partylist, sa pangunguna ni Manay Leila, magkaroon ng pananagutan . Gawin ng Senado ang kanilang tungkulin at hayaang gumulong ang proseso ng katarungan.
12/05/2026
One year has passed since the May 12, 2025 elections. Anniversary ng ating sama-samang tagumpay!
Kapos man sa pondo at mga resources, sinikap nating makarating sa malalayong lugar at komunidad para ikampanya ang plataporma at ipakilala ang mga adbokasiya ng ML Partylist. Marami tayong nakasama, nakausap, pinakinggan, at mga natutuhan — mga nagsilbing aral at inspirasyon hanggang ngayon sa pagsusulong ng panukalang mga batas at resolusyon na tunay na makatutulong lalo na sa mas nangangailangang mga sektor.
We extend our heartfelt thanks to everyone who continues to stand with us, support us, and join us in this journey. Maraming, maraming salamat po sa patuloy na suporta. Hinding-hindi po namin sasayangin ang inyong tiwala.
Day by day, we grow more determined to continue what we have started. Para sa pananagutan. Para sa katotohanan. Para sa hustisya at reporma. Para sa bayan. ✊🏻🇵🇭
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Contact the business
Telephone
Address
LGF AGS Bldg. EDSA Guadalupe
Makati
1212
