13/02/2026
Barangay Pio Del Pilar Senior Citizen Updates
Ginawa ang Page na ito para sa updates at komunikasyon ng mga Senior Citizen sa Pio Del Pilar
13/02/2026
Magandang araw po mga Senior Citizens ng Brgy. Pio del Pilar.
Mula po kay Kapitana Hazel Ann "Popcorn" Lacia, buong Konseho at USCM (United Senior Citizen of Makati). Malugod po kaming nag-aanyaya sa gaganaping Zumba kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng mga Puso at Chinese New Year. Ito po ay sa darating na February 14, 2026 sa 5th floor ng Waltermart sa ganap na 8:00am. Ang mga Seniors na naninirahan sa mga condominium na sakop ng ating Barangay ay inaanyayahan po.
Maaari po lamang na magpatala dito sa Social Service/VAWC office ng Barangay hall. Kailangan po namin ng 150 Seniors para sa ating Zumba.
Inaasahan po namin ang inyong pakiki-isa sa gawaing ito.
Maraming Salamat po.
Magandang umaga po.
Sa mga hindi po napuntahan para mabigyan ng Notice ng Social Pension Payout, magsadya lamang po dito sa Barangay hall, Social Service/VAWC Office.
Maraming salamat po.
Magandang araw po.
Hindi po matutuloy ang orientation for Blu card bukas, Sabado February 7, 2026. Hintayin na lamang po ang mga susunod na anunsyo.
Maraming salamat po.
Magandang araw po.
Kung may kilala/kamaganak o kapitbahay po kayong SENIOR CITIZEN NA BEDRIDDEN. Maaari pong ipagbigay alam ninyo dito sa ating Barangay.
Magtungo lamang po sa Social Service - Women and Family/VAWC office at magpa-tala.
Maraming salamat po.
Sa mga nais po mag-apply ng DSWD Social Pension for Indigent Senior Citizens, tumatanggap na po muli ng mga bagong aplikante. Magpunta lamang po sa Barangay hall para malaman ang requirements.
PAALALA: Para lamang po ito sa mga INDIGENT SENIORS, ibig sabihin WALANG SSS, WALANG GSIS at WALANG SUSTENTO GALING ABROAD.
Sa lahat po ng Senior Citizens na nagpa-register last year, October 2025 sa PhilHealth YAKAP, maaari pong magpunta sa Pio Del Pilar Health Center Washington St. para sa panibagong registration.
Maraming Salamat po.
22/10/2025
Isang paalala.
Yun lamang pong 220 senior citizens na nakapagpatala at na-accommodate sa Waltermart noong Tuesday, October 21, 2025 ang makaka-claim ng card (dito sa VAWC office) mula sa Philhealth.
Wala pa po ang card ng mga nag-walk in sa Waltermart at mga nagpatala sa "Philhealth Profiling" sa Pio Health center.
Hintayin na lamang po ang announcement sa pag-claim ng inyong mga card.
Maraming Salamat po.
Magandang araw po!
Ang ating venue for Social Pension payout sa Thrusday, October 23, 2025 ay gaganapin sa P. Binay corner Cuangco St. Sitio Parada.
Maraming Salamat po.
As of 3:12PM today, October 8, 2025. Sarado na po ang pagpapa lista ng mga Senior para sa orientation ng Philhealth.
Maraming salamat po.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
Barangay Hall
Makati
Opening Hours
| Monday | 9am - 5pm |
| Tuesday | 9am - 5pm |
| Wednesday | 9am - 5pm |
| Thursday | 9am - 5pm |
| Friday | 9am - 5pm |
| Saturday | 9am - 5pm |
