25/05/2026
โป๏ธ๐ก Environmental Police on Action ๐กโป๏ธ
Nagsagawa ng bahay-to-bahay collection ng recyclable materials at used oil ang ating masisipag na Environmental Police bilang bahagi ng pagpapanatili ng kalinisan at pangangalaga sa ating kapaligiran. ๐ฑ๐
Maraming salamat sa ating dedikadong Environmental Police sa inyong patuloy na paglilingkod at malasakit para sa mas malinis, ligtas, at maayos na komunidad! ๐ฎโโ๏ธ๐
23/05/2026
Balisampan Creek Clean-up Drive | Pasig River (J.P. Rizal St.)
Sama-sama para sa mas malinis na creek at flood-free na komunidad. ๐ฑ
Tuloy-tuloy ang pagkilos para sa kalikasanโpara sa ating Barangay. ๐
22/05/2026
๐งนโจ Kalinisan Day sa Sitio Laperal โจ๐งน
Nagsagawa ng clean-up drive at general cleaning operation sa Sitio Laperal bilang bahagi ng ating patuloy na kampanya para sa mas malinis, ligtas, at maayos na komunidad. ๐
Maraming salamat sa ating Clean and Green Special Operations Team at sa lahat ng nakiisa sa isinagawang bayanihan. Sama-sama tayong magtulungan para sa isang mas malinis, luntiang, at kaaya-ayang komunidad. ๐๐ณ
05/05/2026
Maraming salamat sa ating Infra Boyz at Clean and Green personnel sa matagumpay na pag-trim at pagtanggal ng mga buko na maaaring magdulot ng disgrasya sa ating mga mamamayan. ๐ดโ๏ธ
Dahil sa inyong maagap na aksyon, mas napapanatiling ligtas ang ating komunidad. Tunay na serbisyong may malasakit para sa kapakanan ng lahat! ๐๐
01/05/2026
๐ฉ Installation of White and Blue Flags ๐
Bilang paghahanda sa taunang pagdiriwang ng Kapistahan ng Nuestra Seรฑora de Gracia, matagumpay na isinagawa ang paglalagay ng mga puti at asul na bandila sa ating barangayโsimbolo ng ating pananampalataya, pagkakaisa, at masayang selebrasyon. ๐๐ค
Taos-pusong pasasalamat sa GV Clean & Green Committee Special Operation Team sa inyong sipag at dedikasyon sa pagpapanatiling maayos at makulay ang ating komunidad. ๐ซก๐๐ป
01/05/2026
๐ฑ๐ 4th Quarter Validation | Cleanest and Greenest Barangay 2026 (Quarterly Inspection) ๐
Isinagawa ang ika-apat na quarter validation sa ating barangay bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na mapanatili ang kalinisan, kaayusan, at luntiang kapaligiran para sa lahat. ๐ฟโจ
28/04/2026
โผ๏ธ Anti-Dengue Clean-Up Drive โผ๏ธ
Naisakatuparan ngayong umaga ang ating Anti-Dengue Clean-Up Drive sa pakikipagtulungan sa City Government of Makati. Sama-sama nating isinulong ang kalinisan at kaligtasan ng ating komunidad laban sa dengue. ๐ก๐ฆ๐งน
Ang aktibidad na ito ay naging matagumpay sa tulong at suporta ng Makati Health Department (MHD), Department of Environmental Services (DES), Department of Engineering and Public Works (DEPW), Veterinary Services Office (VSO), Public Safety Department (PSD), Makati Action Center (MAC), pati na rin ng Health and Sanitation Committee, Livelihood Committee, at Clean and Green Committee.
Lubos din ang aming pasasalamat sa patuloy na suporta ng ating butihing Mayora Nancy Binay
Sama-sama nating panatilihing malinis, ligtas, at dengue-free ang ating barangay! ๐ชโจ
23/04/2026
๐งน Eyesore/Bulky Waste Clearing Operation! ๐ช๐ผ
Maraming salamat sa ating City Government sa pamumuno ng ating butihing Mayora Nancy Binay, kasama ang DES sa pangunguna nina Sir Reginald Millarez, Sir Carlito Lopez, at Sir Teddy Acacio, sa tuloy-tuloy na pagtanggal ng mga eyesore sa ating barangay. ๐ฟ
Isang hakbang tungo sa mas malinis, maayos, at mas maginhawang Barangay Guadalupe Viejo! ๐๐ป๐
20/04/2026
Panatilihin po natin ang kalinisan ng ating kapaligiran. Ang malinis na barangay ay simbolo ng disiplinadong mamamayan. Dahil ikaw at akoโtayo ang Viejo, at ang Viejo ay tayo. ๐๐ฟ
19/04/2026
Request Granted โ
Isinagawa ang trimming operation sa Bernardino Street cor. Carballo St., pati na rin sa ating paaralan na nag-request. ๐ฟโ๏ธ
Patuloy po ang ating agarang pagtugon sa mga kahilingan ng ating mga kabarangay upang mapanatili ang maayos at ligtas na kapaligiran. ๐ช
Maraming salamat sa ating Clean and Green Special Operations Team at sa inyong pakikiisa!