22/10/2026
📢 𝐒𝐄𝐂𝐎𝐍𝐃 𝐒𝐄𝐌𝐄𝐒𝐓𝐄𝐑 𝐉𝐔𝐕𝐄𝐍𝐈𝐋𝐄 𝐉𝐔𝐒𝐓𝐈𝐂𝐄 𝐃𝐈𝐀𝐋𝐎𝐆𝐔𝐄 𝟐𝟎𝟐𝟔
Bilang bahagi ng patuloy na pagpapalawak ng kaalaman at pagpapalakas ng mga programa para sa kapakanan ng mga kabataan, dumalo at nakilahok ang mga kinatawan ng Barangay Carmona sa 2nd Semester Juvenile Justice Dialogue 2026 na ginanap ngayon Oktubre 22, 2026 sa San Antonio Sports Complex, sa pangunguna ng Makati Social Welfare Department (MSWD).
Layunin ng seminar na mapalalim ang kaalaman at pag-unawa sa Juvenile Justice System, gayundin ang kahalagahan ng paggabay, pagprotekta, at pagbibigay ng angkop na suporta sa mga kabataang nangangailangan nito.