11/05/2026
Aksyon Laban sa Tambak na Basura sa Guadalupe Nuevo!
Muli nating pinatutunayan na sa pagkakaisa at tamang pamumuno, mabilis ang aksyon ng ating barangay!
Nitong mga nakaraang araw, napaulat ang mga bulto-bultong basura at construction debris na itinambak sa iba’t ibang bahagi ng ating barangay bunsod ng mga ginagawang renovation at paglilinis ng bahay ng ilan nating mga kababayan.
Sa direktang utos ng ating tunay at nag-iisang Punong Barangay German O. Sunga, agad na pinaigting ang pagmomonitor sa ating kapaligiran. Dahil sa dedikasyon at masipag na pamamahala ni Kagawad Edgardo "Egay" Jusi, ang Chairman ng Committee on Clean and Green, mabilis na naidokumento at naireport ang mga nakatambak na basura.
Ang mga request para sa agarang paghahakot ay matagal ng naipadala na sa opisina ng OIC ng Department of Environmental Services (DES) upang masiguro ang kalinisan at kaligtasan ng ating mga kalsada.
Ang mabilis na pagkilos na ito ay bunga ng:
✅ Gabi-gabing pag-ikot at pagbabantay ng mga tauhan ng Barangay na pinangungunahan ng ating Barangay Secretary, mga Bantay Bayan at Environmental Police.
✅ At ang tapat na pamumuno at pangangalaga ni Kagawad Egay Jusi sa ating kalikasan at kalinisan.
Muli po kaming nakiusap sa lahat na maging responsable sa pagtatapon ng basura, lalo na ang mga debris mula sa renovation, upang mapanatili nating maayos at "Clean and Green" ang ating mahal na Guadalupe Nuevo.
Maraming salamat po sa inyong kooperasyon! 🤝
05/05/2026
Attention Guadalupe Nuevo!
02/05/2026
📢 PUBLIC ANNOUNCEMENT: DRIVE AGAINST ILLEGAL DUMPING
Walang exemption sa ating barangay ang mga iresponsableng indibidwal na nagkakalat sa ating kapaligiran! 🚫🚮
Sa ilalim ng matapat na gabay ng ating masipag na Punong Barangay Jerry Sunga at sa dedikasyon ni Kagawad Egay Jusi, patuloy ang ating maigting na pagbabantay sa kaayusan ng ating komunidad, partikular na sa problema sa LOV.
👮♂️ Aksyon
Dahil sa malasakit nina Kapitan Jerry at Kagawad Egay, inatasan ang Barangay Secretary Joemarie kasama ang ating Environmental Police at Bantay Bayan na magsagawa ng operasyon. Bilang resulta:
May nahuli: Isang indibidwal na hindi taga Guadalupe Nuevo ang aktwal na nahuli ng tauhan ni Kag. Jusi at agad na dinala sa presinto.
Identified Violators: Mayroon na ring mga natukoy at itinuro kung sino ang mga nasa likod ng talamak na pagtatapon ng construction debris sa area ng Kalayaan.
📝 Pakikipag-ugnayan sa DES Makati
Hindi rin tumitigil ang ating pamunuan sa paghahanap ng solusyon. Agad na nireport sa DES ang nahuling individual. Nauna naring sumulat sina Kapitan Jerry Sunga at Kagawad Egay Jusi sa Department of Environmental Services (DES) Makati upang pormal na hilingin ang paghakot sa mga nakatambak na debris sa ating kalsada, partikular sa LOV Kalayaan at kahapon ay hinakot na ang mga nasabing kalat.
⚠️ Mahigpit na Paalala
Alinsunod sa utos ng nag-iisa at tunay na Kapitan ng Guadalupe Nuevo, Kap Jerry Sunga, mas lalo nating hihigpitan ang pagbabantay. Hindi tayo magdadalawang-isip na hulihin at panagutin ang sinumang mahuhuling nagtatapon ng basura o debris sa hindi tamang lugar.
Maging disiplinado. Mahalin natin ang ating barangay at magreport kaagad sa ating Barangay Hall. 🤝🇵🇭
28/04/2026
Missing person
Name:
RYAN ABEJO
Age:
50 years old
Health Status:
PWD with Mental Illness
For info: Pls call or text :
09605647181
24/04/2026
Attention Barangay Guadalupe Nuevo!
Please see the attached COMELEC Satellite Registration Schedule.
22/04/2026
Attention: Barangay Guadalupe Nuevo
Please be advised, specifically regarding the areas encompassing portions of Nuestra and Orense Streets.
21/04/2026
NOTICE OF LOCAL POWER INTERRUPTION (MERALCO)
Please be advised that there will be a scheduled power interruption on Thursday, April 23, 2026, from 9:00 AM to 2:00 PM. This is due to ongoing maintenance and facility upgrades along Orense Street, Guadalupe Nuevo, Makati City.
POSSIBLE AREAS TO BE AFFECTED BY POWER INTERRUPTION:
*Nuestra St.
* Orense St.
16/04/2026
Attention Barangay Guadalupe Nuevo!
Temporary Water Interruption
16/04/2026
Magandang araw, Barangay Guadalupe Nuevo!
Nais naming ipabatid na ang City Government of Makati ay magsasagawa pagtanggap ng Real Property Tax (RPT) Payment NGAYONG ARAW mismo sa ating Barangay Hall.
Para sa mabilis at maayos na transaksyon, tandaan ang mga sumusunod:
Saan: Barangay Hall ng Guadalupe Nuevo
Kailan: Ngayong araw (April 16, 2026) mula 9 am hanggang 4 pm.
Ano ang dapat dalhin: Dalhin lamang ang inyong mga dating resibo (previous official receipts) ng pinagbayaran.
Maraming salamat!