San Antonio Makati Community Development

San Antonio Makati Community Development

Share

Brgy. San Antonio Makati Committee on Community Development

12/06/2024

Mapagpalang araw, mga ka-barangay!

Malugod pong inihahandog ng Committee on Community Development sa pamumuno ng inyong lingkod, Kagawad Jebong Alegre, kasama ng ating Punong Barangay Resty Cajes at buong Konseho ang “Bingo Night” na gaganapin sa June 13, 2024, pagkatapos ng prosisyon.

Ang naturang event ay limitado lamang sa unang LIMANG-DAANG RESIDENTE NG SAN ANTONIO na makakapagregister online na bubuksan ngayong oras na ito at magsasarado mamayang 12 midnight o mas maaga pa kung makukuha natin agad ang target number of participants. Bawat isang tao po ay makakakuha ng dalawang pirasong Bingo Card na may tatak galing sa Barangay. Ang bingo card na may tatak lamang po ang tatanggapin namin para sa Bingo Night. ISANG SLOT lamang po bawat PAMILYA na may edad 18 years old pataas ang makakakuha ng bingo card. Sa mga makakapagregister, maaari po ninyong kuhain ang bingo card sa 8360 Mayapis Street tabi ng San Antonio National Highschool BUKAS JUNE 13, 2024 mula 10:00AM hanggang 12:00PM.

Kung mayroon po kayong katanungan, mangyari lamang po na magmessage sa ating Kagawad na namumuno para sa event na ito. Hangad po naming makagbigay ng saya sa bawat isa sa inyo, kaya naman po magkita kita tayo sa June 13!

Ito po ang link para magregister sa ating Bingo Night!
https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSdOjbekCM1v70qDnGwHmfRIz8RWU_-SrHbGxsx83aZ732du1w/viewform?usp=sf_link

Maraming salamat po sa pag-unawa, suporta at pagmamahal!

Want your business to be the top-listed Government Service in Makati?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Barangay San Antonio
Makati