13/07/2026
Tandaan KaBarangay: "As a Lupon, public servants are expected to remain completely impartial when handling barangay disputes between parties, ensuring that personal biases do not affect their official decisions."
- Lupon Jhing Mamaid
06/07/2026
๐ ๐ฎ๐น๐ถ๐ด๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐ฎ๐บ๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐บ๐ฎ๐๐ถ๐๐ถ๐ฝ๐ฎ๐ด ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐๐๐ฝ๐ผ๐ป!
July 6 - Lupon Secretary Vera Marie Ferrer
July 16 - Lupon Chairman Reynaldo Yulo
Salamat po sa walang sawang serbisyo para sa kapayapaan at kaayusan ng ating barangay.
Mabuhay po kayo!
06/07/2026
Tandaan KaBarangay: "Lagi nating tandaan,
lahat ng mga binibitawan nating salita ay atin munang pag-isipan kung ito ay makakabuti o magdudulot ng di pagkakaunawaan o hidwaan, sapagkat, ang bibig ay makapangyarihan dito nakasalalay ang gulo o kapayapaan."
- Lupon Jovita Domingo
03/07/2026
Mga Ka-Barangay, narito po ang mga numero o contact numbers ng ating Bantay Bayan at Tanggapan ng Lupon Tagapamayapa para sa inyong mga ulat at katanungan.
Para sa mga usapin o katanungan ukol sa Lupon Tagapamayapa, mangyaring kontakin ang numero 0945-3371226 o 88979718.
30/06/2026
๐๐๐๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฝ๐๐ฝ๐๐น๐ผ๐ป๐ด ng mga ๐๐๐ฝ๐ผ๐ป ๐ง๐ฎ๐ด๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐ฝ๐ฎ
Idinaos ang Buwanang Pagpupulong ng mga Lupon Tagapamayapa noong ika-29 ng Hunyo 2026, araw ng Lunes, sa ganap na ika-3:00 ng hapon sa Barangay Olympia Session Hall.
Sa pangunguna ng ating butihing
Lupon Chairman ๐ฃ๐๐ป๐ผ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ ๐ฅ๐ฒ๐๐ป๐ฎ๐น๐ฑ๐ผ ๐. ๐ฌ๐๐น๐ผ ๐,
๐๐ฎ๐ฉ๐จ๐ง ๐๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฒ ๐๐๐๐ซ๐๐ญ๐๐ซ๐ฒ ๐๐๐ซ๐ ๐๐๐ซ๐ข๐ ๐
๐๐ซ๐ซ๐๐ซ,
๐๐๐ ๐๐ฐ๐๐ ๐๐ฎ๐ฌ๐๐ง ๐๐ซ๐๐๐ญ๐, at mga miyembro nito.
Tinalakay sa nasabing pulong ang iba't ibang usapin na may kaugnayan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa ating komunidad. Nagkaroon din ng pagbabahagi ng mga opinyon, karanasan, at mga matagumpay na kasong nagkasundo. Bukod dito, tinalakay rin ang mga kasalukuyan at nakaplanong proyekto para sa higit pang pagpapabuti ng serbisyo sa mga KaBarangay.
At kasabay nito ang pagdiriwang ng kaarawan ngayong buwan nina ๐ณ๐๐๐๐ ๐ฌ๐
๐ฎ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐ณ๐๐๐๐ ๐จ๐๐๐๐ ๐ฎ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐๐๐๐ ๐บ๐๐๐๐ ๐ช๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ต๐๐๐๐๐๐๐๐๐.
๐Maligayang Kaarawan po sa inyo at maraming salamat sa patuloy na paglilingkod sa ating barangay.
29/06/2026
Tandaan Ka-Barangay: "Ang hindi pagkakaunawaan ng magkapitbahay sa usapin man ng utang o maling pagpaparating ng hindi tamang salita ay maaayos kung ito ay idudulog
sa barangay upang mamagitan ang mga lupon tagapamayapa.โ
-Lupon Eva Mamawag
22/06/2026
Tandaan Ka-Barangay: " Ang pananahimik sa gitna ng diskusyon o ng di pagkakaunawaan ay di nangangahulugan na ikaw ay talunan, kundi mas pinili mo ang kapayapaan o pag-iwas sa gulo, sapagkat ang taong masalita ay malapit sa gulo ngunit ang nagpipigil ay madunong na tao." - Lupon Angel Gatchalian Jr
15/06/2026
Tandaan Ka-Barangay: "Ang Lupon Tagapamayapa ay nagsisilbing tulay upang maresolba ang mga alitan sa mapayapang paraan. Sa bawat pag-uusap at pagkakasundo, mas tumitibay ang samahan at pagtutulungan sa barangay." - Lupon Edwin Buenaventura