23/06/2026
Panatilihin po natin ang Kalinisan at Kaayusan…
Patuloy po ang ating pagbabantay at pagmomonitor sa mga lugar na may mga ulat ng iligal na pagtatapon ng basura, partikular sa kahabaan ng C4 Road corner Orchids St. , kahabaan ng Dagat-Dagatan Ave., Brgy. Longos, Samlet Brgy.Tonsuya/Tugatog, kahabaan ng M.H Del Pilar
Brgy. Tugatog, katuwang ang ating mga Environmental Police.
Inaanyayahan po ang lahat na makiisa at maging responsable sa tamang pagtatapon ng basura.
23/06/2026
May Kita sa Bawat Bote!♻️
Muling isasagawa ng City Environmental and Natural Resources Office (CENRO) katuwang ang Sentinel Plastic Corporation ang Koleksyon ng Plastic na Bote: “Sa Plastic na Basura, May Kita Ka!”
🗓 June 25, 2026 (Huwebes)
📍Potrero Barangay Hall
🕗8:00 AM – 12:00 NN
Dalhin ang inyong mga Polyethylene Terephthalate (PET) Bottles o mga plastic na bote at ipagpalit ito sa instant cash!
Narito ang presyo kada kilo:
- Clear PET Bottles – ₱21.00
- Blue PET Bottles – ₱10.00
- Green PET Bottles – ₱10.00
- PET Bottle Ring/Cap – ₱20.00
- PET Bottle Label – ₱7.50
Ang mga bote ay ire-recycle na siyang makatutulong sa pagtitipid ng mga likas na yaman, pagbabawas ng greenhouse gas emissions, pag-iwas sa plastic pollution at tulong sa ekonomiya ng lungsod.
Nakatulong ka na sa ating kalikasan, kumita ka pa!
23/06/2026
Panatilihin po natin ang Kalinisan at Kaayusan...
Patuloy po ang paglilinis at paghahakot ng mga basura sa ating kakalsadahan... Ang pangunahing kailangan po ay kooperasyon at pagmamalasakit ng bawat- isa upang mapigilan ang mga iligal na pagtatapon ng basura sa ating kapaligiran na sanhi ng pagbabara ng mga kanal na isang dahilan ng pagbaha sa ating lungsod...