25/03/2025
Liham ng pagpapahayag
Isang mapagpalayang araw sa buong kasapian ng ating organisasyon
Ang liham na ito ay masusing inaral at inimbistigahan ng PINAKAMATAAS na kongreso ng ating kasapian,bago pa ito mailathala sa ating fb page ito ay personal na natanggap ng Kasama at inalam natin ang kanyang tugon sa pahayag
Ang anumang transaksyon o aktibidad na gamit ang pangalan ng ating organisayon ay HINDI NA KINIKILALA ng buong kasapian
Ang mga sumusunod ay ang naging paglabag at nakitaan ng sapat na basehan upang siya ay itiwalag
ARTIKULO IV
KASAPIAN
Seksyon 4.
Ang mga tungkulin ng mga kasapi sa organisasyon ay ang mga sumusunod :
( a ) sundin at ipatupad ang Saligang Batas at Programa sa Pagkilos ;
( b ) paunlarin ang pagkakaisa at lakas ng PWERSA ;
( e ) tupdin ang lahat ng patakaran at desisyon na pinagtibay ng kolektibong pamunuan ng PWERSA ;
( g ) tupdin ang tungkulin at gawaing iniatang sa kasapian upang makamit ang mga layunin ng organisasyon at kapasyahan ng pamunuan ;
( h )regular na mag-ulat sa pambayan/ probinsya /rehiyong pamunuan higgil sa kalagayan , Gawain at mga balak ng kinabibilangang tsapter na organisasyon ;
ARTIKULO V
PONDO
Seksyon 4 .
( b ) ang ( 30 % ) tatlungpong porsyentong bahagi ng tatlungpong pisong ( ₱ 30.00 ) buwanang butaw ay mapupunta sa Tanggapang Nasyonal bilang kanyang bahagi
ARTIKULO VI
PAMAHALAAN
Seksyon 1.
Ang Kongreso ang may pinakamataas na Karapatan/ kapangyarihan sa paggawa ng batas ng organisasyon , ang kapangyarihan at tungkulin na kanilang isasagawa ay ang sumusunod :
( k ) maglatag at suriin ang pangkalahatang programa ng pagkilos sa susunod na tatlong taon ( 3 ) alinsunod sa mga prisipyo ng Saligang Batas
Seksyon 2.
Mga pulong at korum ,
( a ) ang Kongreso ay regular na itinatakda ang pagpupulong tuwing ika-tatlong (3) taon , subalit ang pambansang Konseho ay maaring humiling ng isang espesyal na pagpupulong mula sa delibrasyon at kahilingan ng mayoryang kasapi ng organisayon .
Seksyon 3 .
Pambansang Konseho ang siyang pinakamataas na tagapamahala ng organisasyon ;
( a ) ang Pambansang Konseho ay binubuo ng mga deligado mula sa bawat pangrehiyong tsapter ng PWERSA at sila ay maghahalal mula sa kanila ng mga pamunuan sa pamamagitan ng halalan na itinakda ng Kongreso ;
( b ) ang mga delegado ng Pambansang Konseho ay binubuo ng mga halal / hihiranging pamunuan ng mga rehiyon ;
( k ) ang pamunuan / struktura ng Pambansang Konseho ang mga sumusunod :
( k.1 ) 5 halal na delegado mula sa Luzon
( k.2 ) 5 halal na delegado mula sa Visaya
( k.3 ) 5 halal na delegado mula sa Mindanao
( k.4 ) ang 15 halal na delegado ay maghihirang o mahahalal mula sa kanilang hanay ng Ingat yaman , Awditor , at Punong Tagapag - ugnay Pangmadla;
( k.5 ) ang tagal ng panunungkulan ng Pambansang Konseho ay tatagal ng tatlong (3) taon hanggang sa ang kanilang kapalit ay maihalal at maging kwalipikado , subalit , maaring muling maihalal ngunit hindi hihigit sa dalawang termino , kung mabakante ang posisyon sila ay magtatalaga mula sa delegado ng nakaraang Kongreso.
Seksyon 4.
Komiteng Tagapagpaganap ay bubuoin ng mga lider na nauna nang inihalal ng Kongreso at ng Pambansang Konseho ;
( a ) Taga- Pangulo
( b ) Tatlong Pangalawang Taga- Pangulo galing sa Luzon , Visaya at Mindanao
( k ) Tatlong Pangkalahatang Kalihim galing sa Luzon , Visaya at Mindanao
( d ) Deputado sa Pangkalatang Kalihim
( e ) Ingat Yaman
( g ) Awditor
( h ) Punong Tagapag-ugnay Pangmadla
