13/06/2026
๐๏ธ๐ Shopping at Bakunahan? Pwede Yan!
Habang namamasyal at namimili, maaari ring masigurong protektado ang inyong mga anak laban sa tigdas at rubella!
๐ MR SIA Fixed Post Vaccination Areas sa Mall
๐ฌ Fisher Mall
๐
Monday to Saturday
๐ 1:00 PM โ 5:00 PM
๐ 3rd Floor, In Front of Executive Optical
๐ฌ Malabon Citi Square
๐
Monday to Saturday
๐ 1:00 PM โ 5:00 PM
๐ 2nd Floor, In Front of Executive Optical
๐ง๐ฆ Inaanyayahan ang mga magulang na dalhin ang kanilang mga anak na may edad 6 na buwan hanggang 59 buwan upang mabigyan ng libreng bakuna laban sa tigdas at rubella.
๐ก๏ธ Isang bakuna, dagdag proteksyon para sa mas ligtas at mas malusog na komunidad!
Ibahagi ang mensaheng ito para mas marami pa ang maabot at makasama sa ating adhikain na maging para sa dahil
13/06/2026
FACEBOOK DOWN?
Libu-libong users sa buong mundo ang nakaranas ng problema sa Facebook, Instagram, at Messenger. Hindi makapag-login, hindi ma-refresh ang feed, at hindi ma-access ang mga messages.
Ikaw, apektado ka rin ba?
13/06/2026
Ang ๐๐๐ง๐ ๐ฎ๐ ay isang sakit na dulot ng kagat ng lamok na Aedes aegypti. Maaari itong magdulot ng mataas na lagnat, pananakit ng katawan, pagsusuka, at sa malubhang kaso ay pagdurugo at pagkamatay kung hindi maagapan.
โ ๏ธ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐:
โข Mataas na lagnat
โข Matinding sakit ng ulo
โข Pananakit ng kasu-kasuan at kalamnan
โข Pagduduwal at pagsusuka
โข Pagkakaroon ng pantal o rashes
โข Panghihina at kawalan ng gana kumain
โข Pagdurugo ng ilong o gilagid (sa malalang kaso)
๐ก๏ธ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐?
๐๐ฎ๐ง๐๐ข๐ง ๐๐ง๐ ๐๐โ๐ฌ:
โ
Taob โ Ibaliktad ang mga walang lamang lalagyan na maaaring pamugaran ng lamok
โ
Taktak โ Alisin ang naipong tubig sa gulong, paso, at bubong
โ
Tuyo โ Siguraduhing tuyo ang mga lalagyan ng tubig
โ
Takip โ Takpan ang mga lalagyan ng tubig
Kung nakakaramdam ng lagnat at iba pang sintomas, huwag mag-atubiling magtungo sa pinakamalapit na Health Center o Super Health Center para sa agarang konsultasyon at gamutan.
Ibahagi ang mensaheng ito para mas marami pa ang maabot at makasama sa ating adhikain na maging para sa dahil
12/06/2026
๐ TULOY-TULOY ANG BAKUNAHAN SA MGA HEALTH CENTER HANGGANG SABADO!
Hindi pa huli ang lahat para mabigyan ng proteksyon ang inyong mga anak laban sa tigdas at rubella. Patuloy na bukas ang ating mga Health Centers para sa MR SIA Vaccination hanggang:
๐
June 13, 2026 (Sabado)
โฐ 8:00 AM โ 12:00 PM
Papavaccine at Bakunanay, samantalahin ang pagkakataong ito upang mapabakuna ang inyong mga anak. Ang bakuna ay ligtas, epektibo, at libreng ibinibigay para sa karagdagang proteksyon ng ating mga kabataan.
Sama-sama nating panatilihing ligtas ang ating komunidad at masiguro ang mas malusog na kinabukasan para sa bawat bata.
โ
Magtungo sa pinakamalapit na Health Center
โ
Magpabakuna
โ
Maging bahagi ng isang ligtas at protektadong komunidad
Ibahagi ang mensaheng ito para mas marami pa ang maabot at makasama sa ating adhikain na maging para sa dahil
12/06/2026
Araw ng Kalayaan: Paggunita sa Tapang ng mga Pilipino
Ngayong Araw ng Kalayaan, ginugunita natin ang katapangan, pagkakaisa, at pagmamahal sa bayan ng mga Pilipinong nagsakripisyo upang makamit ang kalayaang ating tinatamasa ngayon.
Mahigit isang siglo na ang nakalipas mula nang ipahayag ang kalayaan ng Pilipinas, ngunit nananatiling mahalaga ang mga aral na iniwan ng ating mga bayani, ang paninindigan para sa tama, malasakit sa kapwa, at pagtutulungan para sa ikabubuti ng lahat.
Sa panahon ngayon, patuloy nating naipapakita ang diwa ng kalayaan sa pamamagitan ng pagiging responsableng mamamayan, pakikilahok sa mga gawaing pangkomunidad, at pagmamalasakit sa ating kapwa Pilipino.
Nawaโy magsilbing inspirasyon ang araw na ito upang higit nating pahalagahan ang ating kasaysayan at ipagpatuloy ang mga pagpapahalagang nagbubuklod sa atin bilang isang bansa.
๐ต๐ญ Maligayang 128 Taon ng Kalayaan, mga Malabueรฑo!
12/06/2026
โป๏ธ๐ฐ โฑ692.75 ang Naging Kita mula sa 34.35 Kilong Nirecycle na Plastik
Muling napatunayan na may halaga ang mga plastik na karaniwang itinatapon lamang sa pamamagitan ng programang โSa Plastic na Basura, May Kita Kaโ na ginanap sa Multi-Purpose Hall, Brgy. Panghulo.
Sa kabuuan, nakalikom ng 34.35 kilo ng recyclable plastics mula sa mga Malabueรฑo, na katumbas ng โฑ692.75 mula sa mga clear bottles, blue at green bottles, ring and cap, at labels na ipinroseso para sa recycling.
Pinangunahan ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) sa pamumuno ni Officer-In-Charge G. Mark Mesina, katuwang ang Sentinel Plastic Manufacturing Corporation, ang programa upang hikayatin ang mas maraming Malabueรฑo na magsagawa ng wastong paghihiwalay at pagrerecycle ng basura.
Sa pangunguna ni Mayor Jeannie Sandoval, patuloy na nabibigyan ng pagkakataon ang mga Malabueรฑo na makilahok sa mga programang nakatutulong sa pangangalaga ng kalikasan habang nagkakaroon ng dagdag na pakinabang mula sa mga recyclable materials.
Sa bawat bote, takip, at label na naihihiwalay para sa recycling, hindi lamang nababawasan ang basura sa komunidad, nagkakaroon din ng mas malaking pagkakataong mapakinabangan ang mga materyales na datiโy itinatapon lamang.
๐ Susunod na schedule ng โSa Plastic na Basura, May Kita Kaโ
๐๏ธ Hunyo 25, 2026
๐ Potrero Brgy. Hall
12/06/2026
Magandang araw, mga Working Students ng Malabon!
Bilang bahagi ng patuloy na pagsuporta ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon sa edukasyon at kabuhayan ng ating mga mamamayan, isasagawa ang MABC for Working Students Confirmation para sa mga kwalipikadong aplikante ng programa.
๐ Hunyo 15, 2026 (Lunes)
โฐ 9:00 AM โ 6:00 PM
๐ Malabon City Hall Lobby
๐ Hunyo 16, 2026 (Martes)
โฐ 8:00 AM โ 6:00 PM
๐ Malabon City Hall Lobby
๐ Tingnan ang listahan ng mga kwalipikadong aplikanteng nagparehistro:
https://drive.google.com/file/d/16J2Y2n2BVy325UG0vkzDmOQT45Bk7apv/view?usp=sharing
๐ Mga kinakailangang dokumento:
โ
Latest Certificate of Enrollment o Admission mula sa paaralan/unibersidad (valid sa kasalukuyang semestre)
โ
Latest Certificate of Employment (valid sa panahon ng aplikasyon)
โ
Voterโs ID o Voterโs Certification
โ
Anumang valid government-issued ID na nagpapatunay ng paninirahan sa Malabon
๐ข Paalala: Siguraduhing kumpleto at maayos ang inyong mga dokumento upang mapabilis ang proseso ng inyong confirmation.
Patuloy nating suportahan ang mga masisipag at determinadong working students na nagsisikap maabot ang kanilang mga pangarap habang nagtatrabaho at nag-aaral.
12/06/2026
๐ Alam mo ba?
Kapag mas maraming batang nababakunahan, mas napipigilan ang pagkalat ng tigdas sa ating komunidad.
Ang pagpapabakuna ay hindi lamang proteksyon para sa iyong anak. Ito rin ay proteksyon para sa kanyang pamilya, mga kaklase, kapitbahay, at iba pang batang maaaring mahawa.
Sa ngayong Ligtas Tigdas Month, sama-sama nating pangalagaan ang kalusugan ng ating mga anak.
๐ Magpabakuna. Magbigay ng proteksyon. Magligtas ng buhay.