23/06/2026
Malabon City Gender and Development - GAD Office
This is the official page of the
Gender and Development Office
of the City Government of Malabon GAD MISSION:
Malabon, Ahon! GAD GOALS:
1.
GAD VISION:
Lungsod na kumikilala, kumakalinga, at rumi-respeto sa pantay-pantay na karapatan at kakayahan ng bawat Malabueño, ano man ang kanilang kasarian. Alisin ang diskriminasyon para sa tuloy-tuloy na pagsulong! Equitable, gender-sensitive healthcare, and social services for all Malabueños
2. Strengthened programs and policies that will improve the well-being of every Malabueño
3. Increased participation of women and the LGBT+ community.
4. Increased gender awareness and sensitivity.
23/06/2026
23/06/2026
23/06/2026
Panibagong oportunidad para sa mga naghahanap ng trabaho!
Inaanyayahan ang lahat ng Malabueno job seekers na makiisa sa MEGA JOB FAIR 2026: “KALAYAAN JOB FAIR: KAKAMPI SA PAG-AHON!” kung saan naghihintay ang iba't ibang local at overseas employment opportunities mula sa mga kalahok na kumpanya.
Kung handa ka nang simulan ang susunod na yugto ng iyong karera, ito na ang pagkakataong iyong hinihintay.
📅 June 24, 2026
🕘 9:00 AM – 4:00 PM
📍 Robinsons Malabon
📌 Dalhin ang iyong updated resume/curriculum vitae
📌 Dumating nang handa at presentable
📌 Maghanda para sa mga oportunidad na maaaring magbago ng iyong kinabukasan
Mag-register sa pamamagitan ng pag-scan ng QR Code o pag-click sa registration link:
https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLScVk9vB9j26cgRT3otpOAPJvm90Efwi-cM1ImT59VoUCg_96A/viewform
Huwag palampasin ang pagkakataong makahanap ng trabahong akma sa iyong kakayahan at adhikain. Ang bawat aplikasyon ay isang hakbang tungo sa mas matatag na kinabukasan para sa iyo at sa iyong pamilya.
Kita-kits sa Mega Job Fair, Malabuenos!
22/06/2026
🫁 Libreng Chest X-Ray para sa mga Malabueño!
Bilang bahagi ng patuloy na kampanya laban sa tuberculosis (TB), magkakaloob ng libreng chest X-ray ang Malabon City Health Department sa Hunyo 23, 2026 (Martes), mula 7:00 AM hanggang 3:00 PM sa Potrero Brgy. Hall – Pinagtipunan Circle.
Ang pagsusuring ito ay mahalaga upang maagap na matukoy ang mga posibleng kaso ng TB at mabigyan ng nararapat na atensyong medikal.
📍 Para kanino?
• Mga residente ng Malabon na 15 taong gulang pataas
📍 Mga kailangang dalhin:
• Isang (1) valid ID
• School ID para sa mga menor de edad
📍 Mahahalagang Paalala:
• Ang mga menor de edad ay dapat may kasamang magulang o legal na guardian.
Hinihikayat ang lahat na makilahok at samantalahin ang libreng serbisyong ito. Ang maagang pagpapasuri ay susi sa mas mabuting kalusugan para sa ating sarili, pamilya, at komunidad.
21/06/2026
Happy Father’s Day sa lahat ng ama at sa mga tumatayong ama sa pamilyang Malabueño!
Ngayong Araw ng mga Ama, taos-puso nating binibigyang-pugay ang lahat ng tatay, lolo, kuya, tiyuhin, solo parent, at iba pang nagsisilbing haligi, gabay, at tagapagtanggol ng kanilang pamilya.
Salamat sa inyong walang kapantay na pagmamahal, sakripisyo, at dedikasyon upang matiyak ang maayos at mas magandang kinabukasan ng inyong mga mahal sa buhay. Kayo ang mga tunay na huwaran ng katatagan, responsibilidad, at malasakit.
Sa lahat ng ama at sa mga tumatayong ama para sa kanilang pamilya, nawa’y mapuno ng pagmamahal, pasasalamat, at saya ang araw na ito. Kinikilala at pinahahalagahan namin ang inyong mahalagang papel sa paghubog ng matatag na pamilya at mas maunlad na komunidad.
Maligayang Araw ng mga Ama, mga minamahal nating Malabueño! 💙
21/06/2026
💙 MALIGAYANG ARAW NG MGA AMA
Ngayong Father's Day, masaya at taos-pusong binabati ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon ang lahat ng ama na patuloy na nagbibigay ng pagmamahal, paggabay, at inspirasyon sa kanilang pamilya.
Para sa lahat ng tatay, lolo, stepfathers, single fathers, at mga taong tumatayong ama, maraming salamat sa inyong dedikasyon, malasakit, at mga sakripisyong ginagawa upang mabigyan ng mas magandang kinabukasan ang inyong mga mahal sa buhay.
Sa bawat payo, paggabay, at oras na inilalaan ninyo para sa inyong pamilya, malaki ang inyong papel sa paghubog ng mga anak at sa pagpapatatag ng bawat tahanang Malabueño.
Sa pangunguna ni Mayor Jeannie Sandoval at ng buong Pamahalaang Lungsod ng Malabon, taus-puso kaming nagpapasalamat at nakikiisa sa pagdiriwang ng inyong espesyal na araw.
Mabuhay ang lahat ng ama at mga haligi ng tahanan! 💙
Maligayang Father's Day! 👨👧👦
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Telephone
Website
Address
Malabon
1470
