31/05/2026
Maligayang Pride Month 2026!
Ang Barangay Longos ay nakikiisa sa pagdiriwang ng pagkakapantay-pantay, paggalang, at pagmamahal sa bawat isa. Sa buwang ito, ipinagdiriwang natin ang tapang, pagkakaiba-iba, at karapatan ng bawat miyembro ng ating komunidad na maging tunay sa kanilang sarili.
Sama-sama nating itaguyod ang isang ligtas, inklusibo, at mapagmahal na pamayanan para sa lahat.
Pagmamahal • Paggalang • Pagkakapantay-pantay • Pagkakaisa
26/05/2026
CONGRATULATIONS, MARJORIE ORPILLA! 🏐🎉
Isang napakalaking karangalan at kasiyahan para sa amin na ibalita na si Marjorie Orpilla ay isa sa mga napabilang sa PVL Draft 2026 Official List! 💜✨
Mula sa pagiging isa sa ating mahuhusay na manlalaro sa Inter Brgy Season 1 hanggang Season 3, nasaksihan namin ang iyong sipag, dedikasyon, determinasyon, at pagmamahal sa larong volleyball. Hindi naging madali ang iyong paglalakbay, ngunit sa bawat laban, bawat ensayo, at bawat sakripisyo, ipinakita mo ang puso ng isang tunay na atleta.
Good luck sa iyong susunod na yugto sa iyong volleyball journey! Ang buong longosians ay sumusuporta at naniniwala sa iyo. Continue chasing your dreams and make your mark on the big stage! 🔥🏐💜
‼️‼️ 2026 PVL Draft Official List | Players from Other Schools (6 out of 42)‼️‼️
Cal State Dominguez Hills
🏐 Jade Fuentes
University of Nueva Caceres–Sorsogon
🏐 Kirsty Destajo
University of San Carlos
🏐 Angel Galinato
Immaculada Concepcion College
🏐 Jesska Sacay
🏐 Marjorie Orpilla
Polytechnic University of the Philippines
🏐 Lyca Dela Peña
20/05/2026
📢 Magandang Araw mga Ka-Barangay!
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-427 na Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Lungsod ng Malabon, ipinaaalam sa publiko na WALANG PASOK sa mga tanggapan ng lokal na pamahalaan sa Mayo 21, 2026 (Huwebes), alinsunod sa Proclamation No. 1234 s. 2026 na inilabas ng Malacañang.
Samantala, mananatiling operational ang mga opisinang kabilang sa Barangay Tanod Office, at disaster response upang matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo para sa mamamayan.
15/05/2026
ADVISORY: ROTATIONAL BROWNOUT SA MALABON CITY
Inaasahang makakaranas ng rotational power interruption sa ilang bahagi ng Luzon ngayong araw, matapos ilagay sa Yellow at Red Alert ang grid ayon sa National Grid Corporation of the Philippines, bunsod ng kakulangan sa suplay ng kuryente at mataas na demand dahil sa mainit na panahon.
Narito ang schedule sa Malabon:
6:00–9:00 PM
• Dagat-Dagatan
• Longos
• Potrero
• Tonsuya
• Tugatog
9:00 PM–12:00 MN
• Acacia
• Baritan
• Bayan-Bayanan
• Catmon
• Concepcion
• Flores
• Hulong Duhat
• Ibaba
• Muzon
• Niugan
• Potrero
• San Agustin
• Tugatog
Patuloy na mino-monitor ang sitwasyon ng suplay ng kuryente, at maaaring magbago ang iskedyul depende sa kondisyon ng grid.
Source: https://company.meralco.com.ph/news-and-advisories/yellow-and-red-alert-locations
13/05/2026
Magandang araw Kabataang Longosians!
Ang ating Youth Learning Hub ay pansamantalang sarado.
Kami po ay taos-pusong nagpapasalamat sa inyong patuloy na suporta at pag-unawa. Mangyaring abangan ang anunsyo ukol sa aming muling pagbubukas.
Maraming salamat po sa unawa🤙🏻💜
06/05/2026
Barangay Longos Grand Sagalahan & Karakol 2026 ✨💜
Isang makulay at masayang pagdiriwang ng pananampalataya at tradisyon!
Salamat sa lahat ng nakiisa, nakisaya, at nagbigay-buhay sa ating prusisyon at karakol. Tunay na buhay na buhay ang diwa ng pagkakaisa at debosyon sa ating barangay. 💜🫶🏻
Maraming salamat kay Ms. Inah de Belen sa pagpapasaya at pagpapakilig sa ating komunidad. Maraming salamat po!
01/05/2026
🎉 Barangay Longos Happy Fiesta! 🎉
Viva Nuestro Señor De Longos! 💜
San Jose De Longos, patuloy na gabay at biyaya sa ating komunidad.
Sa araw na ito ng selebrasyon, sama-sama nating ipagdiwang ang pananampalataya, pagkakaisa, at saya bilang isang barangay. 💜
Maligayang Fiesta, Longos! 💜🫶🏻
29/04/2026
Barangay Longos, ano tara? 💜📢
Narito na ang pinakahihintay na Sagalahan at Karakol 2026 sa pagdiriwang ng kapistahan ng Nuestro Señor de Longos!
Makakasama natin ang ating espesyal na bisita mula GMA 7: Ms. Inah de Belen , na magpapakilig at magpapasaya sa mga taga-Longosians ✨💜
📅: May 1, 2026
🕖: 7:00 P.M.
Isang gabi ng makulay na tradisyon, pananampalataya, at kasiyahan ang naghihintay sa ating lahat. Sama-sama nating ipagdiwang bilang isang nagkakaisang komunidad!
Tara na, kita-kits mga ka-barangay!
24/04/2026
Magandang araw mga ka-Barangay!
Baka po mayroong nagmamay-ari o nakakakilala sa asong ito, maari po kayong makipag-ugnayan sa ating Brgy. Hall.
Siya po ay nakita sa tapat ng brgy, at idinala ng concern citizen sa ating Brgy. Longos Hall.
Maraming salamat po!
24/04/2026
Taos-pusong pasasalamat sa STL Malabon Medical Mission by Donation sa kanilang malasakit at pagbibigay ng libreng gamot para sa aming mga minamahal na senior citizens. Malaking tulong po ito sa kanilang kalusugan at pang-araw-araw na pangangailangan.
Nawa’y patuloy pa kayong pagpalain at makapagbigay inspirasyon sa iba na tumulong sa kapwa. Maraming salamat po! 💜🫶🏻