Malabon City PESO

Directions Contact the organization

Malabon City PESO This is the official page of Malabon City Public Employment Service Office

CAREER DEVELOPMENT PROGRAM, ISINAGAWA PARA SA ATING MGA MAG-AARAL SA MALABON! 💼✨Pangarap para sa magandang kinabukasan, ...
22/10/2026

CAREER DEVELOPMENT PROGRAM, ISINAGAWA PARA SA ATING MGA MAG-AARAL SA MALABON! 💼✨

Pangarap para sa magandang kinabukasan, simula na nating buuin ngayon!

Sa buong suporta ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Jeannie Sandoval, matagumpay na isinagawa ang Career Development Program para sa ating mga mag-aaral:

📍October 21
Imelda Integrated Secondary School

📍October 22
Col. Ramon Camus Integrated School

Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ng Public Employment Service Office (PESO) Malabon katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE) upang gabayan, ihanda, at magbigay-inspirasyon sa ating mga estudyante sa pagpili ng kanilang mga pinapangarap na career at propesyon sa hinaharap!

Sa bawat pangarap ng kabataang Malabueno, kasama niyo ang Pamahalaang Lungsod sa pag-abot nito! 💙

Para sa iba pang mga updates, seminars, at job opportunities, i-follow at regular na bisitahin ang official page ng Malabon City PESO.


TUPAD PAYOUT AT PAGPAPASAHOD PARA SA MASISIPAG NA BENEFICIARIES! ✨Sa buong suporta ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon sa ...
22/10/2026

TUPAD PAYOUT AT PAGPAPASAHOD PARA SA MASISIPAG NA BENEFICIARIES! ✨

Sa buong suporta ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Jeannie Sandoval, ginanap ngayong araw ang TUPAD Payout para sa pagpapasahod sa 800 masisipag na TUPAD beneficiaries!

Ang makabuluhang aktibidad na ito ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng Public Employment Service Office (PESO) Malabon, Department of Labor and Employment (DOLE), at ng Trabaho Partylist na personal na dinaluhan at sinuportahan ni Congresswoman Atty. Johanne Monich Bautista kasama si Mayor Jeannie Sandoval.

Sa bawat pamilyang Malabueno, patuloy ang paghahatid ng tunay na serbisyo at suporta para sa inyong pangkabuhayan! 💙

Para sa iba pang mga updates, serbisyo, at mga programa, i-follow at regular na bisitahin ang Official page ng Malabon City PESO.

ISANG PARANGAL PARA SA PESO MALABON! 🏆Lubos nating ipinagmamalaki na ginawaran ang Public Employment Service Office (PES...
22/10/2026

ISANG PARANGAL PARA SA PESO MALABON! 🏆

Lubos nating ipinagmamalaki na ginawaran ang Public Employment Service Office (PESO) Malabon ng Certificate of Recognition para sa "Highest Number of SPES Duty Hours" ngayong ika-22 ng Oktubre 2026 sa KFC Quezon Avenue!

Ang pagkilalang ito mula sa KFC at Tokyo Tokyo ay patunay ng dedikasyon, sipag, at walang kapantay na determinasyon ng ating mga kabataang manggagawa sa ilalim ng Special Program for the Employment of Students (SPES), pati na rin ang patuloy na epektibong gabay ng ating tanggapan.

Isang patunay na patuloy na nagniningning ang galing ng mga Malabueño sa patuloy na suporta ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon sa pangunguna ni Mayor Jeannie Sandoval! 💙

Maraming salamat sa ating mga masisipag na SPES beneficiaries at sa ating mga katulong na kumpanya!

22/10/2026
22/10/2026

Maligayang Kaarawan, Brgy. Catmon Kagawad Raymond Gabriel!

Nawa’y pagkalooban ka pa ng Poong Maykapal ng malusog na pangangatawan, mahabang buhay, at mas marami pang biyaya. Hangad namin ang patuloy mong tagumpay sa buhay at sa iyong paglilingkod sa ating mga kababayan. Nawa’y patuloy kang maging inspirasyon at instrumento ng kabutihan para sa iyong nasasakupan.

Maraming salamat sa iyong dedikasyon at paglilingkod! Muli, happy birthday, Kagawad Raymond! 🫰

22/10/2026

🧼 MALINIS NA KAMAY, PROTEKTADO ANG KALUSUGAN! 💙

Walang malinis na tubig? Huwag mag-alala! Maaari kang gumamit ng 70% alcohol o hand sanitizer bilang alternatibo sa paghuhugas ng kamay.

👉 Ngunit kung may malinis na tubig, mas mainam pa rin ang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at dumadaloy na tubig upang makatulong na maalis ang dumi at mikrobyo.

Ugaliing panatilihing malinis ang ating mga kamay—dahil ang simpleng paghuhugas ng kamay ay malaking hakbang tungo sa mas ligtas at malusog na pamayanan! 🫧💙

Ospital ng Malabon
Sa pag-ahon ng Malabon, bawat buhay mahalaga. 💙

22/10/2026
MAGANDANG ARAW, MALABUEÑOS! 💙UPDATED JOB VACANCIES!!! 📢Para sa ating mga kababayang naghahanap ng trabaho sa food and be...
21/10/2026

MAGANDANG ARAW, MALABUEÑOS! 💙

UPDATED JOB VACANCIES!!! 📢

Para sa ating mga kababayang naghahanap ng trabaho sa food and beverage industry, hiring ngayon ang Classic Savory para sa mga bagong empleyado!

🔹 Cashier (5)
🔹 Team Assistant (5)
🔹 Kitchen Assistant (5)
🔹 Cleaning Crew Member (5)
🔹 Line Cook (5)
🔹 Shift Manager (5)
🔹 Assistant Restaurant Manager (5)
🔹 Restaurant Manager (5)
🔹 Driver (5)

📍 Company: Classic Savory

Mag-apply na at huwag palampasin ang pagkakataong ito! Kita-kits sa PESO Office, mga ka-Malabueño!


Address

F. Sevilla Boulevard
Malabon

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Malabon City PESO posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Malabon City PESO:

Shortcuts

Share