03/06/2026
Malabon City CSWDD
This is the official page of Malabon City Social Welfare and Development Department
03/06/2026
03/06/2026
🦟 DENGUE AWARENESS MONTH | Buwan ng Hunyo 🦟
Ngayong buwan ng Hunyo, nakikiisa ang Ospital ng Malabon sa paggunita ng Dengue Awareness Month upang higit na mapalawak ang kaalaman ng bawat mamamayan tungkol sa dengue at kung paano ito maiiwasan. Ang dengue ay isang seryosong sakit na dulot ng kagat ng lamok na may dalang dengue virus. Maaari itong makaapekto sa sinuman, lalo na sa mga bata at matatanda, kaya mahalagang maging mapagmatyag at maagap sa pagprotekta sa ating sarili at pamilya.
Narito ang ilan sa mga karaniwang sintomas ng dengue na dapat bantayan:
✔️ Mataas na lagnat sa loob ng dalawa o higit pang araw (40°C o mas mataas)
✔️ Panghihina ng katawan
✔️ Pananakit ng kalamnan at kasu-kasuan
✔️ Pagsusuka
✔️ Pagdurugo ng gilagid o ilong
✔️ Pagpapantal
Kapag nakaranas ng alinman sa mga sintomas na ito, agad na kumonsulta sa pinakamalapit na health center o ospital upang mabigyan ng tamang pagsusuri at lunas. Huwag hintaying lumala ang kondisyon bago magpatingin sa doktor.
Mahalaga rin ang sama-samang pagkilos upang mapigilan ang pagdami ng lamok na nagdadala ng dengue. Isabuhay ang 4S Kontra Dengue:
✅ Search and Destroy – Hanapin at alisin ang mga lugar na maaaring pamugaran ng lamok.
✅ Self-Protection Measures – Gumamit ng kulambo, insect repellent, at magsuot ng damit na may mahabang manggas.
✅ Seek Early Consultation – Agad magpatingin kapag may sintomas ng dengue.
✅ Support Fogging/Spraying – Makilahok at suportahan ang mga programang pangkalusugan ng komunidad kung kinakailangan.
Ang kalinisan ng kapaligiran ay susi upang mapanatiling ligtas ang ating mga tahanan at komunidad laban sa dengue. Sa pamamagitan ng pagtutulungan at pagiging responsable, maiiwasan natin ang pagkalat ng sakit na ito at mapapanatiling malusog ang bawat pamilyang Malabueños.
Maging alerto, maging responsable, at sama-sama nating sugpuin ang dengue. Kalusugan ng bawat isa, ating pangalagaan! 💙🏥🦟
03/06/2026
02/06/2026
Pag-asa sa Gitna ng Pagsubok
Sa isang iglap, hindi lamang tirahan kundi maging mga gamit na pinagkukunan ng kabuhayan ang nawala kay G. Alfredo Roquila, 47, matapos masunog ang kanilang barracks sa Brgy. Tinajeros.
Bilang manggagawang umaasa sa kanyang mga kagamitan sa pagawaan, mabigat para sa kanya ang pagkawala ng welding machine, mga barena, grinder, at iba pang kasangkapan na matagal niyang pinaghirapan.
"Hindi ko pa rin lubos maisip ang nangyari. Pagbalik ko kinabukasan, halos wala nang natira," ani G. Alfredo Roquila.
Sa kabila ng malaking pinsala, nananatili siyang nagpapasalamat dahil ligtas ang kanyang pamilya at agad silang nabigyan ng suporta sa kanilang pangangailangan.
"Maraming salamat po kay Mayor Jeannie Sandoval, sa Department of Social Welfare and Development - DSWD, at sa Malabon City CSWDD sa agarang tulong na natanggap namin. Napakalaking ginhawa po nito habang nagsisimula kaming bumangon muli."
01/06/2026
🌧️ WEATHER UPDATE | Tropical Cyclone | June 1, 2026
Asahan ang tuloy-tuloy na pag-ulan sa Metro Manila, Kabilang ang Lungsod ng Malabon.
Batay sa inilabas na Impact-Based Warning No. 2 ng PAGASA, inaasahan ang patuloy na pag-ulan dulot ng pinalakas na Habagat (Southwest Monsoon) ng Tropical Cyclone “DOMENG” mula Hunyo 1 hanggang 3, 2026 (Lunes hanggang Miyerkules). Nasa ilalim ng “Minor Impact” risk level ang Metro Manila, kabilang ang Malabon. Gayunpaman, pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto dahil maaari pa ring makaranas ng mga pagbaha at iba pang epekto ng masamang panahon.
💡 Patuloy na makibalita sa susunod na tropical cyclone bulletin ng PAGASA.
Pinapaalalahanan ang lahat na mag-ingat at manatiling nakaantabay sa mga abiso ng inyong lokal na pamahalaan.
Narito ang mga sumusunod na numero na maaaring tawagan kung mayroong emergency sa inyong lugar:
📞 Malabon Central Command and Communications Center
8-921-6009 / 8-921-6029
0942-372-9891 / 0919-062-5588
📞 TXT MJS
0917-689-8657/225687
31/05/2026
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Contact the business
Website
Address
F. Sevilla Street
Malabon
1470
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |
