06/06/2026
Busy tuwing weekdays?
May pagkakataon pa rin para mapabakunahan ang inyong anak!
🏥 Tuwing Sabado at Linggo, maaari kayong magtungo sa Super Health Centers para sa Ligtas Tigdas Vaccination.
⏰ 8:00 AM hanggang 12:00 NN
- Catmon Super Health Center
- Longos Super Health Center
- Potrero Super Health Center
- Tonsuya Super Health Center
Pabakunahan ang inyong mga anak at magkaisa tayong protektahan ang mga batang Malabueño laban sa tigdas.
06/06/2026
📢 TRAFFIC ADVISORY | Pansamantalang isasara ang bahagi ng Rizal Ave. (Gen. Luna area) sa Linggo, Hunyo 7, 2026, simula ika-2 ng hapon upang bigyang-daan ang gaganaping "Reyna ng Bulaklakan ng Malabon".
Alternatibong Ruta:
Ang mga sasakyang manggagaling ng Rizal Ave. Ext. patungong palengke ay maaaring:
- Kumanan sa Gen. Luna
- Kumaliwa sa Sacristia patungong F. Sevilla (Market area)
📍Ruta ng Sagala:
Simula: Rizal Ave
Kaliwa sa Gen. Luna
Kaliwa sa Don Basilio Blvd.
Kaliwa sa Women’s Club (Hulong Duhat)
Wakas: Hulong Duhat Covered Court sa Hulong Duhat Covered Court
Asahan ang mabigat na daloy ng trapiko sa mga nasabing lugar. Pinapayuhan ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta upang maiwasan ang anumang abala.
Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa para sa maayos at ligtas na pagdaraos ng aktibidad.
06/06/2026
👶💙 MGA MAGULANG, ORAS NA PARA SA LIGTAS TIGDAS!
Ang tigdas ay isa sa pinaka-nakahahawang sakit sa mga bata, ngunit maaari itong maiwasan sa pamamagitan ng bakuna.
✅ Libre
✅ Ligtas
✅ Epektibo
✅ Subok na
Kaya naman hinihikayat ang lahat ng magulang at tagapag-alaga na dalhin ang kanilang mga anak na edad 6 hanggang 59 buwan upang mabakunahan laban sa tigdas at tigdas-hangin.
📍 Maaaring magpabakuna sa lahat ng 21 Barangay Health Centers mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 AM hanggang 5:00 PM.
📍 Mayroon ding mga Fixed Vaccination Sites sa bawat barangay. Abangan ang araw-araw na schedule at lokasyon sa opisyal na page ng inyong Barangay Health Center.
📍 Bukas din tuwing Sabado at Linggo, 8:00 AM hanggang 12:00 NN ang mga Super Health Center sa Catmon, Longos, Potrero, at Tonsuya para sa pagbabakuna.
📍 Simula sa susunod na linggo, magkakaroon na rin ng mga Vaccination Sites sa mga mall upang mas mailapit ang serbisyo sa mga pamilya.
💉 Bakuna ngayon, proteksyon habambuhay.
Sama-sama nating protektahan ang bawat batang Malabueño laban sa tigdas.
06/06/2026
Hindi lahat ng pantal ay simpleng sakit lamang.
Ang tigdas ay maaaring magsimula sa lagnat, sipon, at ubo bago lumabas ang pantal sa katawan. Dahil ito ay napakadaling makahawa, mabilis itong kumalat lalo na sa mga batang hindi pa nababakunahan.
Sa ilang kaso, maaari itong magdulot ng pulmonya, impeksyon sa utak, at iba pang komplikasyon na nangangailangan ng pagpapa-ospital.
💉 Ang pinakamabisang proteksyon laban sa tigdas ay bakuna.
✅Magpabakuna. Magpalakas. Magprotekta.
Manatiling nakasubaybay para sa mga susunod pang impormasyon at kaalaman tungkol sa pag-iwas sa Tigdas.
06/06/2026
🚸 READY SA ARAL, READY DIN SA KALIGTASAN!
Malapit na ang pasukan, at kasabay ng pagbabalik ng mga estudyante sa paaralan ay ang pagdami rin ng mga naglalakad, tumatawid, at bumibiyahe araw-araw. 🎒
Huwag nating kalimutang paalalahanan ang ating mga anak ng mga simpleng tuntunin sa road safety upang maging ligtas ang kanilang pagpasok at pag-uwi mula sa paaralan.
🚶 Gumamit ng pedestrian lane sa pagtawid
🚦 Sumunod sa traffic lights at traffic enforcers
👀 Tumingin sa kaliwa at kanan bago tumawid
🚶♀️ Gumamit ng sidewalk kung mayroon. Kung wala, maglakad sa kaliwang bahagi ng kalsada upang makita ang mga paparating na sasakyan
📱 Iwasan ang paggamit ng cellphone habang naglalakad o tumatawid
🛵 Magsuot ng helmet kung sasakay ng bisikleta o motorsiklo
Sa mga magulang at tagapag-alaga, ang simpleng paalala tungkol sa road safety ay malaking tulong sa paghubog ng disiplina at responsibilidad ng ating mga anak.
Tandaan: Ang road safety ay isang mahalagang aral na dapat baunin araw-araw. 💙
05/06/2026
Serbisyong May Malasakit, Tulong na Ramdam ng Bawat Malabueño: Mga Tagmpay ng Mayo 2026
Patuloy ang pagsulong ng Lungsod ng Malabon sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Jeannie Sandoval sa paghahatid ng mga programang may tunay na pakinabang para sa bawat Malabueño.
Sa buwan ng Mayo, naipagpatuloy ang mga inisyatibong nagpapalakas sa lokal na ekonomiya, lumilikha ng mas maraming oportunidad para sa kabataan at manggagawa, nagbibigay ng suporta sa mga pamilya, at nagpapaigting ng mga serbisyong pangkalusugan at pangkabuhayan.
Kabilang din sa mga naging mahalagang tagumpay ang pagkilala sa mahusay na pamamahala ng lungsod, pagpapatupad ng mga programang pangseguridad sa pagkain, maagap na pagtugon sa mga pamilyang naapektuhan ng sakuna, at pagsusulong ng mga proyektong magbubukas ng mas marami pang oportunidad para sa hinaharap ng Malabon.
Patunay ang mga ito na sa sama-samang pagkilos ng lokal na pamahalaan at ng mamamayan, patuloy nating naiaahon ang bawat Malabueño tungo sa mas maunlad, mas maayos, at mas matatag na lungsod.
05/06/2026
💦👵 Ginhawang Ramdam sa Malinis na Palengke
Para kay Gng. Amalia Vergonio, 62, mas naging komportable ang bawat pagpunta sa Hulong Duhat Public Market matapos ang isinagawang flushing operation at clean-up activity na nakatulong upang mapanatiling malinis at maayos ang pamilihan.
Ayon sa kanya, malaking ginhawa ang paglilinis ng palengke lalo na para sa mga senior citizen dahil nababawasan ang panganib ng pagkadulas at mas nagiging maayos ang karanasan sa pamimili.
Aniya, “Nababawasan din ang dulas sa daanan, na malaking tulong lalo na sa mga senior citizen na tulad ko.”
Nagpasalamat din siya sa Pamahalaang Lungsod ng Malabon sa patuloy na pagsasagawa ng mga programang nakatutulong sa mga mamimili at tindero.
“Maraming salamat po kay Mayor Jeannie Sandoval sa mga ganitong aktibidad. Sana po ay magpatuloy ito upang mapanatiling malinis, ligtas, at maayos ang ating palengke para sa lahat ng mamimili at tindero.” 💙
04/06/2026
💦🧹 TINGNAN | Mas Malinis na Hulong Duhat Public Market para sa mga Malabueño
Mas naging maayos, malinis, at komportable ang Hulong Duhat Public Market matapos ang isinagawang flushing operation at clean-up activity sa loob at paligid ng pamilihan.
Pinangunahan ng Malabon Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), katuwang ang Nazil Prestonburg Fire & Rescue Volunteer at Cat-6 Fire & Rescue Volunteer, ang flushing operation upang matanggal ang naipong dumi at putik sa ilang bahagi ng palengke. Kasabay nito, nagsagawa rin ng paglilinis ang City Environment and Natural Resources Office (CENRO) upang makatulong sa pagpapanatili ng kalinisan sa lugar.
Bilang isa sa mga pangunahing sentro ng kalakalan sa lungsod, patuloy na binibigyang-pansin ang kalinisan at kaayusan sa Hulong Duhat Public Market upang maging mas maginhawa para sa mga mamimili at tindero.
Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Jeannie Sandoval, nagpapatuloy ang mga programa at hakbang ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon para mapanatiling maayos, malinis, at maaliwalas ang mga pampublikong lugar para sa mga Malabueño.
04/06/2026
TAMANG IMPORMASYON, MAS MARAMING MAMAMAYANG NAAABOT
Para kay Ms. Earl Porras, kawani ng Brgy. Hulong Duhat, mahalagang hakbang ang Barangay Information Outreach Network (BION) upang mas mapalapit sa mga mamamayan ang mga programa at serbisyong hatid ng pamahalaan.
Ayon kay Ms. Earl, mahalagang maipaabot sa mga residente ang tamang impormasyon tungkol sa mga programa at serbisyong maaaring makatulong sa kanila.
“Malaking tulong ito dahil mas mabilis na nalalaman ng mga tao kung ano ang mga programa at serbisyo ng pamahalaan. Hindi na sila manghuhula o mag-aakala lamang. Direkta na nilang natatanggap ang tamang impormasyon,” ani Ms. Earl.
Bilang katuwang sa komunidad, sinabi niyang patuloy nilang susuportahan ang mga ganitong inisyatiba sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng mga anunsyo, pakikipag-ugnayan sa mga lider ng komunidad, at pakikinig sa mga pangangailangan at mungkahi ng mga residente.
Nagpasalamat din siya sa Pamahalaang Lungsod ng Malabon at sa mga katuwang na ahensya sa pagpapatupad ng programa.
“Maraming salamat sa patuloy na pagdadala ng mga ganitong programa sa mga barangay. Mas nararamdaman ng mga tao na hindi sila nakakalimutan at mas marami ang natutulungang maabot ng mga serbisyo ng gobyerno,” aniya.
04/06/2026
PAGPAPALAGANAP NG TAMANG IMPORMASYON AT SERBISYO SA PAMAMAGITAN NG BARANGAY INFORMATION OUTREACH NETWORK (BION) SA MALABON
Matagumpay na isinagawa ang Barangay Information Outreach Network (BION) sa Malabon National High School sa pangunguna ng Philippine Information Agency (PIA) sa pamumuno ni PIA Metro Manila Regional Director Emver Cortez katuwang ang Malabon Public Information Office (PIO).
Dinaluhan ito ng mga miyembro ng Samahan ng Maralitang Lungsod, mga kawani ng barangay, at iba’t ibang kinatawan mula sa mga tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon upang higit na mapalawak ang kanilang kaalaman sa mahahalagang programa at serbisyong pampamahalaan.
Lubos na sinuportahan ni Mayor Jeannie Sandoval ang pagsasagawa ng BION sa lungsod bilang bahagi ng layunin ng lokal na pamahalaan na mas mapalapit ang mga programa at serbisyo sa bawat Malabueno.
"Mahalagang maihatid natin ang tama at napapanahong impormasyon sa ating mga mamamayan upang mas marami ang makinabang sa mga programa at serbisyong inihahandog ng pamahalaan. Sa pamamagitan ng ating mga barangay at community leaders, mas napapalakas natin ang ugnayan ng pamahalaan at ng komunidad," pahayag ni Mayor Jeannie Sandoval.
Nagbahagi ng mahahalagang impormasyon ang mga resource speakers mula sa iba't ibang ahensya ng pamahalaan. Tinalakay ni PIA Metro Manila Regional Director Emver Cortez ang programang “Bawat Bayan Makikinabang” at ang kahalagahan ng pakikilahok ng komunidad sa mga programa ng pamahalaan. Nagbigay naman si Ms. Jell Guzman, Information Officer III ng PIA-NCR, ng talakayan tungkol sa Media and Information Literacy, habang ibinahagi ni Ms. Charito C. Lontayao, Acting Manager ng SHFC Cavite Branch, ang mga programa ng pamahalaan ukol sa pabahay. Tinalakay rin ni Ms. Sheryl G. Esteban, Marketing and Communications Team Head ng PhilHealth NCR North Branch, ang YAKAP Program at Registration Services ng PhilHealth upang higit na mapalawak ang kaalaman ng mga kalahok sa mga serbisyong pangkalusugan na maaari nilang mapakinabangan.
Patuloy na nagsisilbing tulay ang BION upang mapalakas ang ugnayan ng pamahalaan at mamamayan at matiyak na ang mahahalagang impormasyon, programa, at serbisyo ay direktang nakararating sa bawat komunidad.