24/12/2025
Maligayang Pasko po sa lahat ng Malabonian! 🎄✨
Nawa’y mapuno ng pagmamahalan, kapayapaan, at kasaganaan ang bawat tahanan sa Lungsod ng Malabon. Sama-sama nating ipagdiwang ang diwa ng Pasko—may malasakit, pagkakaisa, at pag-asa para sa mas maunlad na bukas.
29/09/2025
Flood Advisory
As of September 29, 2025 | 12:45 PM
UPDATE SA BAHA AT KALSADA:
Nadadaan ng Lahat ng Uri ng Sasakyan (PATV)
📍Brgy. Acacia
Gov. Pascual Rivera - 1-2 inches
Maria Clara - 8 inches
📍Brgy. Catmon
Sitio 6- 8 inches
📍Brgy. Hulong Duhat
Naval Women's Club - 3-4 inches
Don Basilio Womens Club - 1-2 inches
📍Brgy. Ibaba
C. Arellano Camus - 1-2 inches
📍Brgy. Maysilo
M.H Del Pilar - 3-4 inches
📍Brgy. Panghulo
Silver Swan - 1-2 inches
📍Brgy.San Agustin
Rizal Avenue St. James 1-2 inches
C. Arellano - 1-2 inches
Gen. Luna - 3-4 inches
📍Brgy.Santulan
Tatawid 5-6 inches
📍Brgy. Tañong
Central Market - 5-6 inches
F. Sevilla Cor. Estrella - 5-6 inches
HIGH TIDE
• 1:52 AM – 1.60m
Lamesa Dam
79.06m (80.15 spilling level)
Angat Dam
207.40m
(212.0m- cricital level)
Tullahan River
11.5m
Para sa karagdagang impormasyon o tulong, maaaring magtext o tumawag sa:
Malabon City Central Command and Communications Center:
📞 8-921-6009 / 8-921-6029
📱 0942-372-9891 / 0919-062-5588
TXTMJS:
📲 0917-689-8657 / 0917-889-8657
12/05/2025
Congratulations on your re-election! Mayor Jeannie Sandoval,
Your continued leadership is a clear reflection of the trust and confidence the community places in you. This victory is a testament to the positive impact of your service and the vision you bring to our city.
Wishing you continued success in your term as you build on the progress already made. I look forward to seeing all that you will accomplish in the years ahead. 🫰
29/03/2025
PAMPUBLIKONG PAHAYAG
MALABON CITY HEALTH DEPARTMENT
Marso 29, 2025
Mahigpit na binabantayan ng Lungsod ng Malabon ang kalidad ng tubig upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente. Isinasagawa ang water testing bawat buwan sa 38 iba’t ibang sampling sites ng Sanitation Division sa ilalim ng Department of Health. Ang pinakahuling pagsusuri noong Marso 24, 2025, ay muling nagpatunay na ang inuming tubig sa lungsod ay ligtas at walang coliform, mapaminsalang bakterya, o iba pang organismong maaaring magdulot ng sakit.
Bilang pagkilala sa mahigpit na pagpapatupad ng Malabon sa water Safety Standards, ginawaran ng Metro Manila Drinking Water Quality Monitoring Committee (MMDWQMC) ang lungsod ng rating na “Excellent” dahil sa 100% pagsunod sa regular na water testing, batay sa kanilang pinakahuling Annual Program Review.
Bukod pa rito, hindi rin nakapagtala ang City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) ng anumang kaso na may kaugnayan sa tinaguriang “brain-eating amoeba” o anumang sakit na maaaring idulot ng kontaminadong tubig hanggang sa oras ng paglalathala ng pahayag na ito.
Inilalabas ang pahayag na ito upang labanan ang maling impormasyon na kumakalat sa social media. Hinihikayat namin ang publiko na maging mapanuri at kumuha lamang ng impormasyon mula sa opisyal na mga mapagkukunan upang maiwasan ang hindi kinakailangang takot at pagkabahala.
Para sa anumang katanungan tungkol sa kalidad ng tubig, maaaring makipag-ugnayan sa Malabon City Health Department upang makatanggap ng tamang impormasyon.